Nilakasan naman niya ang aircon ng kotse niya at siya na ang nagkabit ng wig sa akin.
"Siguradong hindi yan basta-basta matatanggal kaya chill ka lang. Ang ganda mo talaga, iba ang alindog mo,"pang-eechos pa niya.
"Kinikilabutan ako sayo Axel,"pero deep inside, kinikilig ako.
"May dala akong lip tint dito na ginagamit ko minsan, lalagyan kita sa labi mo,"alam kong nagamit siya ng lip tint, ganun din ang ibang lalaki sa amin. Hindi lang mga babae ang pwedeng maglagay nang ganun at maling manghusga kapag nakita ng mga taong nagamit din nang ganun ang mga lalaki.
Binuksan na niya ang lip tint niyang amoy strawberry.
"Ibuka mo nang kaunti ang bibig ko, wag malikot ha baka malagyan ka sa ngipin mo,"unti-unting lumalapit ang kamay niya, maging ang mukha niyang nakatingin na ngayon sa labi ko.
Jusko help me! Mapapadasal na lang ata ako sa kilig at sana makontrol ko ang sarili ko. Maingat niyang nilagyan ang labi ko at natitigan ko na naman ang mukha niya sa malapitan. Mabuti na lang at mabilis lang siyang maglagay at kaagad siyang lumayo. Kinalat ko ang nilagay niya para magpantay at tumingin ako sa salamin. Mas may alam pa siya sa pag-aayos kaysa sa akin, sana lahat.
"Ayern, pwedeng-pwede ka nang rumampa sis!"ayan na naman siya sa boses niyang mapang-asar at pumalakpak pa na parang isang beki sa salon.
"Isang kahihiyan to,"mahina kong wika, sana walang makakita sa amin na kakilala namin kundi yari ako, goodbye dignidad.
"Ang ganda rin pati ng labi mo, pinagpala ka talaga Abed,"ayan na naman siya sa pang-eechos sa akin at napangiti na lang ako.
Hindi na ako nagsalita pa at lumabas na kami. Iniwan ko ang mga bitbit ko kanina, maging ang bag ko. Sakto naman ang puting sapatos na suot ko dahil bumagay ito sa damit ko.
"Basta walang personalan ito ha, maglalandian tayo at makisakay ka lang sa mga gagawin ko,"sabi niya sa akin.
Pumasok na kami at this time, magkahiwalay na kami dahil nakipila ako sa mga babae. Kinilabutan na naman ako nang kapkapan ako ng babaeng guard. Dumiretso kaagad kami sa Karat World at itinago ko ang gulat ko nang sunggaban ni Axel ang palad ko at pinaglingkis ito nang pumasok kami sa store. Yumuko ako at nagdasal sa loob ng isip ko para makapag-isip ako nang maayos.
"Akong bahala sayo,"kasing-init ata ng palad niya ang mukha ko nang sabihin niya ito nang diretso sa akin.
"Good afternoon po, Maam and Sir,"bati ng sales lady at napalingon sa amin ang lahat ng tao.
Mukha ata akong kapre na bading dahil sa dress na ito, siguradong mahuhusgahan ako nito.
"Bagay sila noh, ang ganda ng babae,"
"Nakabingwit siguro ng foreigner yung mayamang lalaki"
"Ano kayang lahi ng babae? Ang ganda niya at ang tangkad pa"

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[28th CHAPTER]: Go with the flow
Magsimula sa umpisa