"Hindi ba nakakahiya, kasi mas matangkad yung babae kaysa sa jowa niya"
Parang mga bubuyog ang mga taong nagsiside comment tungkol sa amin.
"Bibilhin namin yung couple necklace na yun,"pagturo ni Axel sa mukhang gintong kuwintas na may pendant ng crescent moon.
"Sige po Maam and Sir, ok lang po ba na malaman kung ano pong lahi ng girlfriend mo Sir?"kailangan ba may Q and A dito kahit na bibili na nga si Axel.
"Korean-American siya,"pinigilan kong matawa sa pag-iimbento ni Axel.
Tumango lang ang babae na namangha pa, at kinuha na niya ang kwintas na sinasabi ni Axel. Magkahawak pa rin ang kamay namin at magkadikit pa kami.
Napatingin naman ako sa dalawang customer na babae nang humagikgik sila habang natingin sa amin. Bumitaw lang si Axel nang bayaran niya ang alahas gamit ang kanyang credit card. Nilapitan ko naman ang dalawang babae na kanina pa kami pinagchichismisan. Ako lang ang makakapatol sa dalawang ito dahil babae ako ngayon.
"Do you have any problem with me and my boyfriend?"ginaya ko pa ang accent ni Sharpay sa HSM na napapanood ko nung bata pa ako. Mas mukha akong fabulous kaysa sa dalawang ito sa lagay na to.
Nagkatinginan lang sila at umirap bago umalis. Ayun naman pala eh, walang masabi kapag harap-harapan na, magaling lang manglibak. Mabuti na lang at nandito na si Axel.
"Don't mind them, babe,"pag-Iingles pa ni Axel at kinilabutan ako lalo nang tawagin niya akong babe.
"Yuck!"pabulong kong wika habang palabas na kami ng Karat World. Mabuti na lang at tapos na ang palabas, akala ko lang pala tapos na.
Nabigla ako nang bigla niyang iangat ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko sa harap ng mga tao. Pigilan niyo ako, baka mag-hyperventilate na talaga ako sa kilig nito. Nasa pintuan na ba ako ng langit?
Ang sabi niya, makisakay lang ako diba at walang personalan. Walang pasabi ko siyang hinalikan nang mabilis sa pisngi niya. Siya naman ngayon ang napatigil at namumula ang tainga, gantihan lang yan. Iba nga talaga ang alindog ko, joke lang. Baka kaya lang namula ang tainga niya nang dahil sa gulat, hindi sa kilig wag masyadong assuming baka ako lang masaktan. Sa ganitong pagkakataon lang ako nakakapag-holding hands sa kanya, kahit na hindi ako komportable sa suot ko, sulit talaga ang pagpapanggap na ito dahil kay Axel.
Napagdesisyunan ko na lang na magpalit na para malaya na akong makabukaka at ililibre niya daw ako ng pagkain. Tahimik lang siya hanggang sa magpalit na ako ng damit. Maayos kong binalik sa paper bag ang wig, bra, foam, at ang nakatuping Lolita dress. Binura ko naman nang kaunti ang lip tint para hindi na ganun kapula ang labi ko.
"Walang personalan yun ha, nakikisakay lang ako sayo,"pambabasag ko sa katahimikan.
Napahawak lang siya sa pisngi niya at nahuli ko pa siyang napakagat sa labi niya .
"Oo, alam ko Abed,"ngumiti lang siya nang parang tanga habang nakatulala na parang may iniisip.
Bumalik na kami sa loob at kumain na kami nang parang mandirigma sa Mang Inasal. Ako na rin ang nagdecide dahil puro mga mamahaling restaurant pa ang tinuro ni Axel at ayokong mapagastos pa siya nang mas mahal, baka atakihin na ako sa puso.
"Yung kwintas, balak ko yung ibigay sa kanya next month dahil iyon ang date kung kailan ko siya niligawan last year. Sa Lunes ko naman siya susuyuin, kasama ung perfume at chocolates na binili ko. Wag kang mag-alala, susuportahan din kita kapag may chicks ka nang liligawan,"sabi niya habang naglalagay ng chicken oil sa kanin niya.
Hindi chicks ang liligawan ko, baka lalaki. At tsaka ayoko nang ako ang nanliligaw kasi nahihiya ako. Feeling dalagang Pilipina lang na gusto ko ay ako ang nililigawan.
"Di ko kailangan ng chicks hahaha,"naka-ilang taas na ako ng kamay ko para sa unli rice.
"Hindi natin masasabi, basta susubaybayan ko rin ang magiging love life mo,"sabi pa niya.
Pinagpatuloy na namin ang paglamon at ako pa ang nahuli dahil nilubos ko ang extra rice. Pagkatapos naming kumain, nag-ikot lang kami nang kaunti at naglaro sa Quantum. Nagkayayaan na rin kaming umuwi nang mapagod kami.
"Kahit ibaba mo na lang ako sa tapat ng gate ng subdivision niyo, ayoko nang magpahatid para makapagpahinga ka na diretso,"sabi ko pagkapasok namin sa kotse niya.
"Sige,"mabuti at hindi na siya umangal pa.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[28th CHAPTER]: Go with the flow
Magsimula sa umpisa