抖阴社区

Kabanata XXIX: Huling Sandali

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa hindi kalayuan ay makikitang nagmamasid lang magulang ni Sefarino.

"They're enjoying," nakangiting saad ni Elerah habang minamasdan sina Sefarino at Raziel na masayang nakikipaglaro sa bata.

"But it's temporary."

"Wala ba tayong magagawa para sa kanilang dalawa?"

"Wife, kahit anong gawin natin ay hindi natin kayang puntahan ang mundo ni Raziel," saad ni Deus. "Ayos lang kay Sefarino ang desisyon ni Raziel at iyon ang mahalaga," dagdag pa nito.

"Ayos lang ba talaga?" mahiwagang usal niya. "May anak sila. Mahirap sa isang magulang ang malayo sa anak."

-

"Son."

"Wala na bang paraan?"

"Hindi ko kayang mawala siya sa piling ko. Hindi ko magawang maging totoo sa harap ni Raz lalong-lalo na't buo na ang kaniyang desisyon. Kapag naiisip ko pa lang na mawawala siya sa tabi ko, nangungulila na lang ako bigla."

"Masama bang mangulila na lang bigla kahit na kasama ko pa siya?"

"Nalalagas na ang pakpak niya, hindi ba?" "Ang isang piniks na baba sa lupa ay may palugit ngunit kung ito'y hindi nakauwi sa nakatakdang palugit ay mamamatay siya."

"A phoenix also have prophecies," pagsisimula ni Edoardo saka tumungo sa shelf at kinuha ang isang libro. Lahat sila ay nakatuon ang atensiyon sa kaniya lalong-lalo na si Sefarino.

Binuklat niya ang libro sa ikapitong pahina at bago pa man niya mabasa ang nakasulat ay inagaw na ito ni Sefarino. Ilang segundo ring tinitigan ang pahina ngunit ni isang letra ay wala siyang nakikita.

Magkasalubong ang mga kilay na tumingin kay Edoardo. "It's blank!"

Edoardo snaps twice and the book lifted away from Sefarino's hand. "The only who can read this book is someone who is a hundred years old," saad ni Edoardo kaya napaismid ang prinsipe. He sighed before reading the page. "The prophecy stated that a phoenix was to die in a the battle between vampires last week which is Raziel but Doyle saved him."

"But-"

Edoardo closes the book. "At alam mo ba kung bakit panay ang tulog niya?"

"Of course, dahil buntis siya," mabilis na sagot ni Sefarino.

Edoardo sighed. "Diyan ka nagkakamali. Mamamatay siya kapag nanatili siya sa mundong ito." Ibinalik niya ang libro sa shelf saka seryosong tiningnan ang apo. "Staying here will be mean that he's near of death."

"Kaya pala nalalagas na ang pakpak niya."

"Kailangan niyang umuwi dahil dalawa silang mawawala sa mundo." Seryosong nakipagtitigan si Edoardo sa apo. "Mas maaga, mas mabuti."

-

"Sefar," tawag ni Raziel kay Sefarino habang nakatingin sa mga bituin sa langit.

"Hmm?"

"Kapag namiss mo ako, tumingin ka lang sa langit dahil ang mga bituin na makikita mo ay mga piniks at kapag wala na ako rito ay isa na ako sa kanila," nakangiting sabi ni Raziel habang nakatingin sa mga mata ni Sefarino.

Tumitig naman si Sefarino ng matagal sa kaniya at tila natuyo na ang laway nito. Dahil sa nakakabinging paligid na namumuo sa kanilang dalawa ay ramdam ni Raziel ang pagkadurog ng puso niya dahil ilang araw na lang at uuwi na siya, aalis na siya, iiwan na niya ang mahal niya at maglalaho na siya sa mundong ito na parang bula.

"Raz, I love you!" bulalas ni Sefarino.

Ngayon lang naramdaman ni Sefarino na ang bilis lang pala ng panahon, parang kahapon lang nang nagkakilala sila, ngayon ay nagmamahal at sa susunod na mga araw ay magkakalayo na sila.

"Kung puwede ko lang pabagalan ang oras ay ginawa ko na," mapait na sabi ni Sefarino sa isip niya.

Raziel smiled brightly. "Mahal din kita, Sefar."

"Inaantok na ako," napapahikab na saad ni Raziel at halos lumuwa na ang mga mata nang makitang umiiyak si Sefarino. "Bakit ka umiiyak?"

Nakangiting umiling si Sefarino saka kinarga si Raziel. "Wala 'to. Tara na?"

Pagkarating nila sa kwarto ay agad silang humiga. Niyakap ni Sefarino si Raziel.

"Raz."

"Hmm?"

"Zi nae."

Napabungisngis si Raziel at hinalikan ang leeg ni Sefarino. "Sefar, zi nae." Unting-unti ng nawawala ang boses niya at pagkatapos ay mumunting hininga na ang narinig ni Sefarino.

Sinulyapan ni Sefarino ang tiyan ni Raziel. Hindi pa niya nakikitang nagsisimula na itong umumbok. Ngumiti siya saka dahan-dahang hinaplos ito.

"Weird. May laman ba talaga 'to?" Natatawa na lang siya sa mga iniisip niya. Sinulyapan niya si Raziel upang makasigurong malilim na itong natutulog. Pagkatapos ay siyang bumaba sa kama saka itinapat ang bibig sa tiyan ni Raziel.

"Hey there, little pumpkin. I'm Sefarino Lazarus, your father. I mean, your other father. Nakatitiyak akong pagkamulat mo sa mundo ng mga piniks ay hindi mo ako makikita. Hindi lang sa pagmulat mo kundi na rin sa paglaki mo..." Hinalikan niya ang tiyan ni Raziel. "I know that you can't understand me, right now. Sana ay huwag mo akong kamuhian."

"Mahal na mahal ko kayo ni Raziel."

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon