Dinama ko ang pag-ihip ng hangin mula sa mga puno sa gilid, at ipinikit ko ang mga mata ko saglit.
Wala naman dapat talaga ako sa eksena. Mukhang hindi lang paghilom ng sugat mula kay papa ang dapat kong gawin, kundi dapat ko na ring gamitin ang oras na ito para makamove-on na at tanggalin ang romantic feelings ko kay Axel para sa pagkakaibigan namin. Bilang pagsuporta na rin sa future relationship nila ng babaeng minamahal niya, at kung kanino siya mas nakabubuti na makakapagpasaya sa kanya.
Bago pa ako makabalik sa canteen ay nakasalubong ko na kaagad si Kai.
"Halika, kailangan mong sumama sa akin para marinig ito,"hinatak niya kaagad ako papunta sa garden ng school.
"Ano bang gagawin natin? Isasama mo ba ako sa pagsagap ng tsismis?"hindi ko malaman kung tsismoso ba itong kaibigan ko o curious lang.
"Pinag-uusapan ka ata nila Aiden, kailangan nating malaman kung ano iyon,"sinenyasan niya akong tumahimik nang magtago kami sa isang malapad na halaman.
"May mga hindi ka pala sinasabi sa akin Cedric, alam mo bang may nadiskubre ako tungkol sa inyo ni Abed,"nakatalikod si Aiden mula sa amin, kaya ang isa niyang tropa at si Cedric lang ang nakikita namin.
"Naalala mo ba nung pumunta kami sa bahay niyo at pinakilala mo sa amin ang papa mo?"sabi ng isa nilang tropa na si Jason.
"Naghinala na kami nang makita naming kamukhang-kamukha ni Abed ang papa mo, at chineck namin ang profile ng papa mo. It turns out na ang apelyidong ginagamit mo ay ang apelyido ng mama mo, at kaapelyido ni Abed ang papa mo. Hindi namin aakalaing illegitimate son ka ni Anthony Montanilla, at si Abednego ang unang pamilya ng papa mo,"hindi na maipinta ang itsura ni Cedric sa lahat ng sinabi ni Aiden.
"Half- brothers pala kayo ng isa sa mga taong pinandidirihan ko, at bakit nga ba hindi mo iyon sinabi sa amin? I wonder kung parehong nakakdiri ang dugong dumadaloy sa inyong dalawa ng kuya Abed mo,"halos hindi na kumukurap si Cedric at wala akong clue kung ano ang tunay niyang nararamdaman.
"Oo, half-brother ko siya pero kailanman ay hindi ko pinangarap na maging konektado sa kanya. Balewala lang kung ano ang meron kaming dalawa kaya hindi mo ako maihahalintulad sa kanya,"kahit na nasaktan ako, inaasahan ko nang ganyan ang magiging reaksyon niya.
"May iaalok ako sayo, na kapag pumayag ka ay ituturing ka pa rin naming kaibigan,"sigurado ako na kahit nakatalikod sa amin si Aiden, ay nakangiti na ito.
"Malaki ang magiging parte mo sa plano naming gawin kay Abednego,"dapat na ba akong kabahan? Natatakot ako grabe *sarcasm.
"Alam mo naman sigurong papasok sa eksena si Axel kapag tinuloy niyo yang plano niyo kay Abed, lalo na at napaka-protective ni Axel sa kanya. Ikaw na rin mismo ang nagsabing hindi natin kayang banggain ang mga katulad ni Axel,"sagot naman ni Cedric.
Kung ako ang pag-uusapan ayos lang sa akin, pero kapag idadamay nila ang taong mahalaga sa akin, ibang usapan na iyon at hindi ko rin maiwasang kabahan.
"Sila Ren ang bahala kay Axel, nasa kanila ang alas para tuluyan siyang sirain nang hindi man lang ginagamit ang lakas nating lahat,"nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
Ano ang alas na tinutukoy nila? Gusto ko pang malaman ang iba nilang plano at hangga't maaari, gusto ko ring protektahan si Axel, katulad nang kung paano niya ako protektahan.
Kung ganun, may sama ng loob rin palang tinatago itong si Aiden kay Axel, hindi lang niya magantihan dahil hindi naman siya uubra sa kanya. Sadyang iba lang talaga ang takbo ng utak nila at makikipaglaro sila nang madumi laban kay Axel na wala namang ginagawang masama.
Ang mga kaibigan ni Axel, hindi ba sila naging totoo kay Axel at may masama talaga silang balak laban sa kanya? Ginagamit lang ba nila ang pagkakaibigang si Axel lang pala ang tumuturing sa kanilang ganun? Bakit nila ito ginagawa kay Axel kahit na naging tunay at maaasahan siyang kaibigan sa kanila?
"Tsaka ko na sasabihin ang desisyon ko Aiden, gusto ko munang mapag-isa,"naglakad palayo si Cedric at hindi na umangal pa sila Jason at Aiden.
"Sino ang mag-aakalang ang malihim at ang tahimik na si Cedric ay pwede rin pala nating magamit sa mga plano natin nang dahil sa family background niya,"natutuwa pang wika ni Aiden. Umalis na rin sila at nagtatawanan pa silang dalawa.
(A.N: Malungkot yung dalawang susunod na chapters huhu)
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[31st CHAPTER]: Trouble
Magsimula sa umpisa