"Yan ba ang aalis? Hindi mo man lang dinala ang sarili mong kotse, sa amin na lang to ni Kai sige ka,"hirit ko naman sa kanya. Napatigil siya at nilingon niya ulit ako.
"Arghhhhh! Bwisit ka Abed!"ngayon naman ay nagsimula na siyang tumakbo papunta sa akin na parang napikon sa sinabi ko.
"Akala ko ba aalis ka? Bakit ngayon natakbo ka papunta sa akin?"pagtataray ko pa sa kanya.
"Humanda ka sa akin makikita mo!"tumakbo na rin ako palayo nang makita kong parang may binabalak siyang gawin. Hinahabol niya ako ngayon.
"Ano ba, akala ko ba group study? Bakit parang gusto mo pang makipaglaro ha Axel?"singit pa ni Kai.
"Teka lang, gaganti lang ako sa besfriend mong nakakabwisit!"sigaw pa ni Axel habang hinahabol ako.
"Napikon ka ba?"binilisan ko na man ang pagtakbo ko, hanggang sa lumusot ako sa eskinita malapit sa amin. Confident pa man din ako sa running speed ko, pero nagulat ako nang muntik na niya akong mahablot dahil sa maikling pagitan namin.
Napamura na lang ako nang mahina nang mahawakan na niya ang braso ko at bigla niya akong pinasan sa balikat niya na parang sako. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala dahil obvious naman na mas mabigat ako kaysa sa kanya. Ang lakas talaga ng lalaking ito.
"Tama na uy! Kapag nabalian ka ako pa malalagot!"naglilikot ako, pero hinawakan niya lang ako para hindi ako malaglag.
"Gagantihan na muna kita bago kita papakawalan!"pinalo niya ako sa pwet at natameme ako. Hindi ko maiwasang mamula na parang mapupunta na ba ang dugo ko sa buong mukha ko.
Kahit na nakabaligtad ang paningin ko, nakilala ko ang bahay namin at ang nanonood sa aming si Kai nang ilapag ako ni Axel sa sahig ng sala namin.
"HAHAHAHA! AGIK HOY ANO BA! HAHAHAHA!"kiniliti naman niya ako sa bandang tiyan at tagiliran ko. Ang lakas pa naman ng kiliti ko, bwisit ka talaga Axel.
"Ganyan ka ba sumayaw?Hahahaha,"sinabayan pa niya ako sa mapanloko niyang tawa.
"GAGO! TAMA NA HAHAHAHAHA!"halos kapusin na ako sa paghinga ko nang dahil sa kakatawa.
"Ayan ang matamis kong ganti sayo kaya sa susunod, wag ako!"ngumisi pa siya sa akin at muli akong kiniliti.
"ANO BA TUMIGIL KA NA! AHHH! HAHAHAHAH!"napapagod na ako pramis, ayoko na!
"Tama na ang harutan niyong dalawa!"napatigil siya sa pagkiliti sa akin nang makita ko si kuya sa pintuan na kakarating lang.
"Anong ginagawa mo dito kuya?!"napaupo na lang ako sa gulat at natamihik naman si Kai at Axel.
"Nakalimutan mo bang day-off ko bukas? At nang sabihin sa akin ni mama na kasama niyo yang si Axel, nagmadali akong umuwi,"pagsusungit pa ni kuya.
Mainit ba talaga dugo niya kay Axel?
"Umayos ka nga! Tignan mo yang itsura mo,"dumiretso si kuya sa kwarto niya.
Nagpigil ng tawa ang dalawa, nang ma-realize kong para akong sinabunutan ng sampung kabayo at namumula ang buong mukha ko kakatawa.
"Bwisit ka talaga burnok!"tumayo ako at inayos ko ang buhok ko.
Tumawa naman si Kai at pinalo naman ako ni Axel. Dumiretso kami sa kwarto ko matapos nilang batiin si mama ng magandang hapon. Casual lang silang umupo sa kama ko, habang inilalabas ang mga notebook, pencil case at libro nila.
"Pero di nga walang harong biro, hindi ko alam kung bakit kayo yung mas pinili kong kasama na pakiramdam ko mas masaya kayong kasama,"seryosong wika ni Axel.
Tumawa lang kami at nagkatinginan kami ni Kai. Bakit kaya? Eh mas matagal naman na niyang kaibigan yung mga minions niya.
"Pagpasensiyahan mo na bahay namin ah, baka kasi hindi ka komportable kasi walang-wala ito kumpara sa bahay niyo,"sabi ko pa sa kanya.
"Ano ba, hindi naman ako mapili at mas importante sa akin yung mga makakasama kaysa sa materyal na bagay kung saan kaya ko namang mag-adjust,"minsan nalilimutan ko tuloy na mabait pala ang lalaking ito.
"Mukhang alam ko na kung anong naiisip ni Abed,"panimula ni Kai.
"Na sa sobrang kulit mo, nalimutan niyang mabait ka nga pala Axel,"pagkatapos itong sabihin ni Kai, ay nagtawanan kami.
"Ang sarap niyo talagang pag-untugin minsan!"sabi pa ni Axel.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[35th CHAPTER]: Buddies
Magsimula sa umpisa