Naligo ako bago ako matulog sa mahabang sofa sa gilid ng kwarto ni Axel. Mabuti at payapa pa ring natutulog si Axel at sana'y lumakas na siya. Napatulala na lang ako sa kisame hanggang sa dalawin ako ng antok.
"..."
"..."
Naalimpungatan ako nang makarinig ako na may nagsasalita, pero hindi ko maintindihan. Idinilat ko ang mga mata ko at tinalasan ang pandinig para marinig ito nang maayos.
"Ayokong matulog nang mag-isa, sobrang nalulungkot ako,"nakatayo si Axel sa tapat ko ngayon.
"Nandito lang ako,"hinawakan ko ang isa niyang kamay at napansing nanlalamig ito.
"Gusto mo bang tabihan kita sa pagtulog?"mahina kong sabi sa kanya.
Tumango siya at kaagad akong tumayo para tabihan siya. Naalala ko nga palang wala pa siyang nakakain.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain?"
Umiling lang siya at ibinalot ang kanyang kumot sa aming dalawa. Sumiksik siya sa akin at niyakap ang braso ko na parang isang unan. Idinikit niya ang mukha niya sa balikat ko at hinaplos ko ang kanyang buhok. Hindi ako makakatulog hangga't gising siya kaya hinintay ko muna siyang makatulog. Katulad nang ginawa ko noon kay Kai, nag-hum ako ng isang kanta at napatigil lang ako nang makarinig ako ng mahinang hilik mula sa kanya.
"Goodnight,"hindi ko na alam pa kung paano makamove-on sa kanya habang kasama ko siya, lalo na at wala pa rin naman akong pag-asa kahit na wala na siyang jowa. Siguro hihintayin ko na lang na dumating ang taong para sa kanya, habang paunti-unting aalisin ang romatic feelings ko para sa kanya.
~~~
Nagising ako nang may maramdamang parang may nakatitig sa akin. Bumungad sa akin si Axel na seryosong nakatingin sa akin.
"Akala ko nananaginip lang ako kagabi,"sabi niya.
"Hindi ito isang panaginip na maglalaho na lang ng walang pasabi,"kumilos ang isa kong kamay para hawakan ang mukha niya.
"Ayan, nahahawakan kita kaya nasa reyalidad ka,"dagdag ko pa.
Hindi na siya kumibo pa, at maya-maya'y kumain na kami ng almusal kasama si tita. Nakahinga ako kahit papaano dahil sumabay sa amin si Axel at kumakain na siya kahti kaunti lang. Naninibago akong napakatahimik niya, pero mas ok na siguro yun kaysa sa maging suicidal ulit siya. Tanging ang tunog lang ng pag-ulan ang naririnig ko mula sa labas.
"May gagawin tayo pagkatapos mong kumain,"may naisip akong gawin nang kasama siya para kahit papaano ay madistract siya at mapasaya ko siya sa simpleng paraan.
Ibinulong ko sa mama ni Axel ang plano ko at ang dahilan ko. Napangiti siya at ginulo niya ang buhok ko.
"May tiwala ako sa gagawin mo, kaya papayag ako. Ako na ang bahala pagkabalik niyo dito,"nakangiting wika ni tita.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[45th CHAPTER]: Stay by my side
Magsimula sa umpisa