抖阴社区

[45th CHAPTER]: Stay by my side

Magsimula sa umpisa
                                    


Hindi ko maiwasang mabuhayan ng pag-asa nang makitang nagmamadaling kumain si Axel at inubos na rin niya ang nakahain para sa kanya. Halatang inaabangan niya ang susunod kong sasabihin.


"Maliligo tayo sa ulan, alam kong matagal na noong huli kang naligo sa ulan,"tapos na akong kumain at tinulungan ko si tita sa pagliligpit ng pinagkainan namin.


Nagsipilyo muna kami, bago lumabas ng bahay. Maingat kong hinawakan ang kamay niya bago tumapak sa labas ng bahay. Yung hawak na sinisigurado kong iingatan ko siya. Unti-unting nababasa ang buhok at buong katawan namin. Naisipan ko namang lumabas sa gate habang hawak pa rin ang kamay niya.


Nang may makita akong isang bahay na malakas ang agos ng tubig sa dulo ng alulod, pumunta kami doon at sinahod ang kamay ko para saluhin ang tubig. Nang masiguro namang hindi sobrang dumi ng tubig, tumayo ako sa mismong agos ng alulod na parang shower. Gamit ang dalawang palad ko, sinabuyan ko ng tubig sa mukha si Axel. Nakatayo lang siya doon na parang tuod kaya hinatak ko naman siya sa alulod ala shower.


"Unli shower diba?"pumalakpak pa ako habang tumatawa.


Lalong lumawak ang ngiti ko nang makipalakpak din siya sa tuwa. Masaya talagang maligo sa ulan, pakiramdam mo malaya ka lang at bata ka pa. Pagkatapos, ay hinatak ko siya at tumakbo naman kami papunta sa playground ng subdivision nila. Hiyaw lang ako ng hiyaw habang binabagalan ang takbo para mas maramdaman ang ulan.


"Hiyaw ka na din, wag ka nang mahiya!"alam kong mahirap siyang pasayahin sa sitwasyon niya ngayon kaya willing din akong magmukhang-tanga para hindi puro lungkot ang nananaig sa kanya.


Nilakasan ko ang paghiyaw ko nang marinig kong sumasabay din siya sa paghiyaw habang dinadama ang pagkabasa sa ulan. Buti na lang at walang ibang tao sa labas kundi huhusgahan nila kami panigurado. Umupo kami sa magkatabing swing nang makarating kami sa playground.


"Kamusta? Anong nararamdaman mo?"pagsisimula ko.


"Ang totoo niyan nalulungkot ako sa tuwing umuulan, wala akong kapatid kaya madalas nag-iisa lang ako. Para sa akin kapag umuulan, dinadamayan ako nito sa lungkot at pag-iisa na nararamdaman ko lalo na kapag hindi ako pwedeng lumabas ng bahay. Pero ngayong kasama kita, napalitan ng saya ang nararamdaman ko. Hindi ko na kakayanin pa kapag iniwan mo ako, pakiusap wag mo akong kamumuhian kahit anong mangyari,"parang may tumusok na karayom sa puso ko lalo na sa huling sinabi niya na nakikiusap siya kahit wala naman siyang ginagawang mali.


"Hindi sumagi sa isip ko ang iwan ka, maliban na lang kung ikaw ang magpapaalis sa akin, o kapag namatay ako,"kamatayan naman ang makakapaghiwalay sa akin sa pamilya ko, maging sa mga taong pinahahalagahan ko.


"Hindi ko maiwasang matawa kapag naiisip ko yung pagkadesperado ko kay Paulyn. Dalawa pa nga naalala kong naging crush ko noon pero kay Paulyn lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na umamin, Tuwang-tuwa pa ako dahil gusto niya rin ako at ang akala ko ay maswerte na ako. Hindi ko na pinansin yung pagiging malapit niya sa mga lalaking kaibigan niya, yung pagiging matampuhin niya at yung magiging maluho niya. Ang buong akala ko kasi dapat ko lang siyang intindihin dahil iyon na talaga siya at mapapatunayan ko ang pagmamahal ko sa kanya kung hahayaan ko lang siya. Binili ko lahat ng gusto niya at ilang beses kaming nagtalo ni mama. Binalaan rin ako ni mama tungkol sa kanya pero hindi ako nakinig,"pinakinggan ko lang siya sa pagkukwento niya.


"Nagpakatanga ako ng halos 5 years sa mga kaibigan ko, at nagpakatanga din ako ng isang tao kay Paulyn. Ang laki kong tanga, sinisisi ko ang sarili ko dahil masyado akong nagtiwala sa mga taong akala ko ay papahalagahan din ako,"halata ang lungkot at pagsisisi sa mata niya.


"Kung maganda ang hangarin mo sa kanila hindi ikaw ang nawalan, kundi sila ang nawalan ng maaasahang kaibigan. Basta huwag kang maghihiganti at alam kong mahirap, pero kailangan natin silang patawarin,"oo alam kong importante ang kapatawaran pero hindi ako makakalimot.

 

Dumampot siya ng bato at inihagis iyon sa malayo. Sayang man ang 5 years, pero wala talaga sa tagal ng samahan ang basehan ng tunay na kaibigan.


"Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko talaga!"pinakinggan ko lang ang lakas ng pagsigaw niya na sumasabay sa tunog ng ulan. Alam kong lumuluha siya pero hindi lang halata kasi basa siya.


Tumigil lang siya sa pagsigaw nang humina ang ulan at napagpasiyahan na naming bumalik sa kanila.


Noong tanghali ay pinapunta ni tita ang kakilala niyang psychiatrist para malaman kung ano ang dapat gawin kay Axel. Basta mahigpit akong binilinan na mag-iingat sa mga sasabihin ko at huwag akong gagawa ng bagay na ikaasasama ng loob niya dahil may tiyansang bumalik siya sa pagiging suicidal niya sa oras na magkaroon ng misunderstanding sa pagitan ni Axel at sa taong pumigil sa kanya sa pagpapakamatay.


Pagkaalis ng psychiatrist, biglang nag-ring ang phone ko.


"Hoy Abed, bakit wala ka dito sa bahay?"nakalimutan kong nauwi nga pala siya tuwing weekend. Lumabas muna ako bago ko siya sagutin.


"Nakikitulog ka sa ibang bahay? Gumigimik ka ba? May nangyari bang hindi maganda sayo ha? Magsusumbong ako kay mama kapag hindi ka pa umuwi!"hindi ko mapigilang kabahan sa sinabi ni kuya.


"Kuya makinig ka please! Sa Linggo ng hapon pa ako makakauwi kasi may mahalagang nangyari!"huminga ako nang malalim para pag-isipan kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari.


"Kulang na lang mag-hysterical ka diyan ha, ano bang nangyayari?"


"Ganito kasi kuya, may nangyaring hindi maganda sa pagitan ni Axel at ng ex-girlfriend niyang kasabwat ng mga dati niyang kaibigan. Muntik na siyang magpakamatay kagabi kaya hindi ko siya kayang iwanan ngayon! Ayokong maulit pa yon kasi hindi ko kakayanin kuya! Kinakaya ko mga pinagdadaanan ko nang dahil sa kanya kaya ayokong mawala siya!"hindi ko maitago ang pagmamakaawa ko sa boses ko para payagan niya ako.


"Talagang mahal mo siya noh? Hindi ka naman ganyan makiusap kapag may gusto kang ipabili sa akin,"kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Pero makinig ka, proud ako kasi lumaki kang may mabuting kalooban na hindi matutumbasan ng materyal na bagay, Abed. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo, dahil naging mabuting kaibigan rin naman yang si Remoto sayo. See you sa linggo,"napangiti ako sa sinabi ni kuya.


"Salamat sa pag-unawa kuya,"pinahid ko ang isang luha na tumulo sa pisngi ko dahil namimiss ko na rin ang kapatid ko.


"Tawagan mo ako kung may gusto kang sabihin, ayoko namang madamay yang mental health mo sa problema natin,"dagdag pa niya.


"Kaya ko ito kuya,"sabi ko pa bago niya ibaba ang tawag. Bumuntong-hininga ako bago bumalik sa loob.

.

.

.

Wings [c. yj ? c. sb] ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon