抖阴社区

[50th CHAPTER]: Protect him at all cost

Magsimula sa umpisa
                                    


Kapag nagkakasakit si Kai, madalas siyang binabagabag ng alaalang ito kaya hindi siya dapat iniiwanan kapag binabangungot siya. Hindi na ako makakapayag na may manakit pa sa kanya, hindi niya deserve ang magulo at mapanakit na mundo. Kahit ano pa ang naranasan niya, hindi nito binago ang busilak na kalooban ni Kai.


"T-tama na!"ang nanginginig na boses ni Kai ang nagpatigil sa mga kamay ko. Nakita kong puro dugo na ang kamao ko, lalo na ang mukha ni Daniel na bugbog-sarado na.


Tumigil na ako at parang piniga ang puso ko nang makita kong nanginginig ang buong katawan niya habang nakaupo sa kama. Alam kong masama ang ginawa ko kay Daniel, pero nang makita ko ang kalagayan ni Kai, hindi ako nagsisi sa nagawa ko. Tumayo ako at lumabas nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan sa labas.


Nadatnan ko pa ang nakahandusay na si Ren sa baba, na gising pa rin pero hindi na makagalaw. Nilagpasan ko siya at nakita ko ang mga security na nasa labas.


"Magandang gabi po Sir, kayo po ba yung tumawag?"bumaba ang mga nasa apat na lalaki na mukhang mga gwardiya din.


"Yung kaibigan ko po yung tumawag, yung mag-ari nitong bahay,"monotone kong sagot at pinapasok sila sa bahay.


Dinampot na nila yung dalawa at binuhat ito palabas.


"Menor de edad pala ang tumawag, kaya ang head of the family ang kakausapin namin bukas. Hihingian na lang namin kayo ng statement niyo bukas. Gusto niyo po bang pumunta ng ospital?"


"Hindi na po Sir, salamat po sa pagpunta,"magalang kong wika.


"Sige po,"umalis na ang mga security, at mukhang sa ospital nila ididiretso sina Ren at Daniel. Saktong pag-alis nila ay bumuhos ang ulan, kaya pumasok na kaagad ako.


Hinugasan ko ang duguan kong kamay, at bumalik na ulit sa kwarto. Mas lalo akong nalungkot nang mapansing nakatulala si Kai, at hindi pa rin nawawala ang takot niya. Maingat kong hinawakan ang magkabila niyang mukha at hindi pa rin siya kumukurap.


"Wala na sila, wag ka nang mag-alala ligtas ka na,"mahina kong sambit habang nakatingin sa kanya. Hindi ako sanay na nagkakaganito siya kaya hindi ko maiwasang mag-alala.


"Hindi kita papabayaan Kai,"nakita ko ang tuloy-tuloy na pagpatak ng mga luha niya.


Niyakap ko siya at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Rinig na rinig sa apat na sulok ng kwarto ang hikbi ni Kai at ang pag-ulan sa labas. Pinatulog ko muna siya bago ko linisin ang lahat ng kalat sa bahay. Nag-hum ako at nang makatulog siya, ay dahan-dahan ko siyang inihiga. Kinuha ko ang first aid kit sa drawer niya at ginamot ang mga maliliit na sugat sa braso niya na nanggaling sa bubog at maski ang sugat ko sa balikat ay pinalitan ko ng pangtapal. Pinunasan ko na rin ang mga natuyong luha sa pisngi niya.


Pagkatapos linisan at lagyan ng gamot ay ibinalot ko na sa kanya ang kumot. Dahan-dahan akong umalis sa kama at sinimulang walisin ang bubog. Muli kong ni-lock ang pintuan at 2:15 am na ako natapos sa pag-aayos ng gamit. Nag-alarm ako ng 5am sa cellphone ko dahil may pasok pa pala, hindi ko lang alam kung makakapasok si Kai bukas.

Wings [c. yj ? c. sb] ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon