抖阴社区

[50th CHAPTER]: Protect him at all cost

Magsimula sa umpisa
                                    


Humiga na ako sa tabi niya at isiniksik ko siya sa akin para maramdaman niyang ligtas siya. Nakatulog kaagad ako sa kabila ng pagkirot ng likod ko.

~~~

Nagising ako nang makarinig ako ng tunog ng pagbukas ng pintuan sa baba at ang mabibilis na yabag paakyat dito. Bumangon ako para tignan kung sino ang pumasok sa bahay. Pagkalabas ko sa kwarto ay nadatnan ko ang nagmamadaling si ate Lea.


"Sinabi sa akin ng security doon sa entrance ng subdivision yung nangyari. Salamat at ligtas kayong dalawa ng kapatid ko!"sinilip niya sa kwarto ang natutulog na si Kai.


"Nabanggit pa nila sa akin doon na hindi nila makausap si Kai, at sinugod sa emergency yung dalawang lalaking pumasok dito. Ikaw ba ang may gawa sa kanila nun?"hinawakan ni ate Leaa ang parehong kamay ko na nakita kong namamaga pala. Tumango ako sa kanya bilang pagsagot.


"Sorry kung kinailangan mo pang gawin iyon, alam ko kung bakit nagkaganun ang kapatid ko at palagi naman akong wala sa tabi niya. Ang dami na naming utang na loob sayo, salamat sa pagligtas sa kapatid ko!"niyakap niya ako nang mahigpit at halatang sobra siyang naguguilty.


"Wag po kayong mag-alala, naiintindihan ka po namin kung bakit po kayo umaalis. Nagtatrabaho po kayo para kay Kai at sa pamilya niyo, kaya wag niyo na pong ituring iyon na utang na loob sa akin. Ginagawa ko lang po ang nararapat,"sagot ko at hindi ko maiwasang mapangiwi dahil kumirot ang likod ko nang yakapin niya ako.


"Nasaktan ka ba? Bakit parang may kakaiba sayo?"tinignan pa niya ako nang maigi.


"Nagdugo lang po nang kaunti yung tahi sa balikat ko at nahampas lang po ako sa likod pero ayos lang naman po ako,"ngumiti ako nang matipid to assure her na ayos lang ako.


"Sigurado ka? Kailangan mong matulog kasi ang laki ng eyebags mo, halatang kulang ka pa sa tulog. Pagkagising mo, titignan natin yang likod mo at balikat mo para malagyan ng pamahid. Nag-declare na pala yung governor na suspended ang klase kaya makakapagpahinga ka nang matagal,"oo nga pala, Friday na ngayon at saktong walang pasok kaya nakahinga ako nang maluwag dahil makakapagpahinga din si Kai.


Pumasok na kaming dalawa sa kwarto, at umupo naman siya sa tabi ni Kai. Yumakap siya at hinalikan niya sa noo si Kai na mukhang naalimpungatan.


"Nandito na ang ate, patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo sa mga panahong kailangan mo ako,"naluluhang wika ni ate Lea.


"Wag kang mag-alala ate, ayos lang po ako,"pabulong na sagot ni Kai at bumangon para yakapin din ang kapatid niya.


"Sorry, sorry kasi pakiramdam ko napabayaan kita kaya nangyayari sayo yun,"hindi na napigilang umiyak ni ate Lea.


"Hindi yan totoo ate, alam mong kailanman hindi mo ako pinabayaan dahil inalalayan mo si mama sa pagsuporta sa akin simula nang umalis si papa sa buhay natin,"nakita ko ang panunubig ng mga mata ni Kai.


Kinuha ko ang cellphone ko at iniwan ko muna sila sa kwarto. Pinatay ko na yung alarm dahil wala naman na palang pasok. Napag-isipan kong huwag munang banggitin kay Axel ang nangyari para hindi siya mas mahirapan sa unti-unting paghilom ng sugat sa puso niya. Hangga't maaari, ang sabi ng psychiatrist ay iiwasan ni Axel ang magalit, dahil sa oras na magkaroon siya ng rason para magalit, mahihirapan na siyang kontrolin ang sarili niya lalo na kung makaharap niya sila Ren. Mabuti na lang at walang pasok kaya hindi siya makakahalatang may nangyari sa amin ni Kai.


"Magpahinga ka na sa loob, Abed. Maraming salamat ulit,"lumabas na si ate Lea sa kwarto.


"Walang anuman po ate,"ningitian ko siya bago ako pumasok. Humiga na ulit ako sa tabi ni Kai.


"Sorry pala sa nang-"


"Shh, anong sinabi ko sayo noon? Hindi mo kailangang mag-sorry dahil wala kang kasalanan kung bakit nangyayari yun sayo,"pagputol ko sa paghingi ng sorry ni Kai.


"Ayos ka lang ba? Hindi ko malimutan yung pagsigaw mo kagabi habang pinipilit buksan yung kwarto,"humarap siya sa akin at sumiksik.


"Oo naman, wag mo na ako alalahanin. Matulog na tayo ulit,"hinimas ko ang buhok niya, samantalang yumakap naman siya sa akin.


Ang lamig ng paligid dahil sa pag-ulan, kaya inantok kaagad ako.

.

.

.

Wings [c. yj ? c. sb] ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon