抖阴社区

[51st CHAPTER]: Unusual

Magsimula sa umpisa
                                    


"Mukhang may ginawa silang hindi maganda kagabi, kaya ka nagalit nang ganun,"sabi naman ni Cedric habang nakatingin sa akin nang seryoso.


"Ang akala ko sa school lang nila kami papakialaman, hindi ko naman ineexpect na susundan nila si Kai hanggang sa bahay niya. Nabanggit pa ni Ren na tatakutin lang daw nila si Kai, pero nag-iba ang plano nila dahil sa pagdating ko. Nagdilim ang paningin ko sa galit lalo na nang maalala ulit ni Kai ang childhood trauma niya nang subukan siyang i-suffocate gamit ang unan,"napaiwas na lang ako ng tingin dahil halatang tutok na tutok silang dalawa sa akin.


"Kung hindi ako nagkakamali, si Kai din yung kinulong nila sa sirang banyo kahapon,"tumango lang ako sa sinabi ni Aiden.


"Wala sana akong balak sabihin kay Axel ang nangyari sa amin kagabi. Sigurado naman akong aabot sa kanya ang balita kung ano ang nangyari kila Ren. Pwede bang ilihim niyo itong dalawa sa kanya? May pinagdadaanan kasi si Axel ngayon kaya iniingatan ko siya,"this time, tumingin ako sa kanilang dalawa.


"Kaya naman naming ilihim ito sa kanya pero kilala ko si Axel, siguradong aalamin niya ang buong pangyayari kaya sana lang ay hindi niya kaagad malaman kung ano ang totoo. Kinausap pala ako ng mama ni Axel noong isang araw, kaya nalaman kong muntik na siyang magpakamatay noong isang araw,"hindi ko mapigilan na magulat nang kaunti. Oo nga pala childhood friends sila kaya malamang ay kilala siya ng mama ni Axel.


"Ang totoo kasi niyan kuya, palihim na nakikipagtulungan si Aiden sa mama ni Axel para mabantayan si Axel at para matulungan na rin kayo,"pag-amin ni Cedric.


"Maliit na bagay lang iyon para makapagbayad ako sa nagawa kong kasalanan kay Axel, pati na sayo,"napaiwas ng tingin si Aiden sa akin. Ang akala ko si Cedric lang ang posibleng magbago, pati rin pala siya. Mas nanaig siguro ang pagkakaibigan nila ni Cedric kaya naging daan yung ginawa ni Cedric para simulan niya ang pagbabago.


"No offense ha, first time ko lang makipag-usap sayo nang hindi ako nagagalit at nasasaktan eh,"diretso kong sabi sa kanya dahil hindi ko maiwasang mahiya dahil pangalawang beses ko na siyang makausap nang matino, at ngayon hindi na siya lasing so matino na talaga siya.


"Alam ko,"tumawa siya saglit.


"Alam kong hindi naging maganda ang high school life mo nang dahil sa akin. Nang dahil sa akin nagkakaganito ka, sobra kong naapektuhan ang buhay at pananaw mo na siguradong dala dala mo na sa buong buhay mo. Alam kong kulang ang pagsosorry ko sa lahat ng nagawa ko sayo Abednego,"halata ang sinseridad sa mga mata niya, pero hindi ko maiwasang mag-overthink.


"Hindi lang naman ito isang palabas diba? Sigurado ba kayong dalawa sa pinagsasabi niyo? Baka mamaya may pinaplano kayong malaki ha, sige hindi ko talaga kayo mapapatawad kapag nagsinungaling pa kayo,"hindi ko mapigilang matawa nang sarcastic.


"Kasalanan mo ito kaya nagkaganyan ang kuya ko eh, nasasaktan tuloy ako sa sobrang laki ng trust issues niya,"siniko pa ni Cedric ang katabi niya.


"Aba, parang wala kang nagawang kasalanan sa kanya ha! Magkasama tayo kapag gumagawa tayo ng kalokohan remember?"sa tagal kong kilala si Aiden, nahalata kong naaasar lang siya kay Cedric.


"Pero ikaw naman ang pasimuno, ikaw ang leader ng mga bibe!"binelatan niya si Aiden.


"Oo alam ko, basta walang magbabagong pareho tayong may kasalanan!"napakamot na lang sa batok si Aiden.


"Ang cute niyo namang dalawa!"natatawa ko pang wika habang kumakain ng cup noodles.


"Ew/Yuck!"sabay pang sabi ni Cedric at Aiden.


"Teka matanong lang kita Cedric, may alam ba ang papa mo tungkol sa nangyari sa ating dalawa?"hindi na ako komportable pang tawagin siyang papa ko.


"Oo alam niya, pero kahit labag sa loob niya wala siyang choice kundi ang hayaan ako sa gusto niya dahil hindi ako magdadalawang-isip na iwanan siya kapag may ginawa na naman siyang hindi maganda,"casual pang sagot ni Cedric. Panatag naman akong hindi siya kayang saktan ng papa niya nang makita ko silang dalawa.


Inubos na naming tatlo ang cup noodles at ang tubig, bago umuwi sa kanya-kanya naming tahanan.

.

.

.

Wings [c. yj ? c. sb] ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon