"Mabuti na lang at walang ibang tao doon, panigurado kasing dudumugin ako ng mga chicks sa gwapo kong ito!"pa-cool pang sabi ni Cedric habang nagseselfie sa loob ng sasakyan.
"Siguro kung nakakalunod lang ang kayabangan, matagal ka nang patay mula sa pagkalunod,"sabi naman ni Aiden na katabi niya.
"Potek hahahahaha!"nangibabaw ang tunog ng tawa ni Kai.
Si Axel naman ang nagmamaneho at nasa tabi niya ako. Sakto namang summer kaya siguradong mag-eenjoy ako nito sa resort. Hindi naman ganun kalayo ang distansya kaya nakababa kaagad kami. Lumangoy na sila Cedric at Kai, samantalang kami nina Aiden at Axel ay nag-ayos ng gamit. May iilang tauhan pala dito sa resort na nagluluto at naghahanda ng mga kakainin namin.
Siyempre naglagay muna kami ng sunblock bago lumusong sa napakalaking pool na may slides pa at wave. Nang makatiyempo ako na nasa malayo yung iba, nilapitan ko si Axel.
"May sasabihin ako sayo,"humugot ako ng lakas ng loob para sabihin ito sa kanya.
"Yung tungkol sa panliligaw mo,"tinignan niya ako nang maigi na halatang nasasabik sa susunod kong sasabihin.
"Sinasagot na kita Axel,"ningitian ko siya nang labas ang ngipin.
"As in, magjowa na tayo, boyfriend,"
"Oo, magkasintahan na tayo, jowa na kita!"hindi ko sinasadyang paliitin ang boses ko.
"Oh God, thank you!"nagulat ako nang yakapin niya ako. Pagkabitaw namin mula sa yakapan, gamit ang kanyang hintuturo at hinlalaki, hinawakan niya ang baba ko at alam kong nakatingin siya ngayon sa labi ko.
Unti-unting lumapit ang mukha niya at naghanda naman ako sa paghalik niya nang biglang may nagsaboy ng tubig sa mukha namin.
"HAHAHAHAHA!"-Kai
"Sa motel na lang kayo maghalikan!"-Aiden
"Ako ang pinakagwapo pero single pa rin ako!"-Cedric
Nakalapit na pala ang tatlong kumag at pinagtulungan nila kaming sabuyan ng tubig sa mukha.
"Panira kayo punyeta!"nagtakbuhan ang tatlo palayo sa amin nang habulin sila ni Axel. Natawa na lang ako sa malutong na mura nitong jowa ko. Myghad after 5 years, jowa ko na siya, ang lalaking pinapangarap ko, meron na kaming label.
Bumalik naman kaagad si Axel nang nakangisi at hindi ko maiwasang kiligin nang mapansin na ang tingin niya sa akin ay parang kakainin ako nang buhay. Sa pagkakataong iyon, hinawakan na niya ang gilid ng leeg malapit sa panga ko. Biglaan ang paghalik niya sa akin na kulang na lang ay kagatin na niya ang labi ko. Sumabay ako sa bawat paghalik niya at ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya.
Nang kapusin na kami sa paghinga, naghiwalay kami at ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya. Kaya ko nang makipaghalikan sa kanya nang hindi ako hihimatayin sa kilig. Alam kong parehong kumikislap ang mga mata namin.
Maya-maya pagkatapos naming kumain ng tanghalian, biglang sumeryoso ang mukha ni Axel na parang may sasabihin siyang importante sa amin.
"Ang totoo niyan, bukod sa celebration para sa pagtatapos nating lahat. Nagyaya akong makipag-outing dahil aalis na ako next week,"nagkatinginan kaming lahat at natahimik.
"Magkokolehiyo ako sa US, sa Stanford University para sumunod sa yapak ni dad bilang isang entrepreneur. Mag-aaral na rin ako sa isang dance school na malapit doon kaya mawawala muna ako dito ng mga 6 years,"hindi namin maitago ang gulat sa sinabi niya.
Sa yaman ba naman niya, siyempre panigurado akong pag-aaralin siya sa bigating paaralan kapag nasa college na siya. Samantalang kaming apat ay mag-aaral naman sa Cavite State University pero magkakaiba kami ng kurso.
"Huwaw USA! Siguradong spokening dollar ka na pag-uwi mo!"-Cedric.
"Wow! Maganda doon sa USA pramis!"siyempre, nakapunta na si Kai dahil pinanganak siya sa Hawaii.
"Sa US din sana ako mag-aaral kaso ayoko doon eh, ma-hohomesick lang ako,"sabi naman ni Aiden.
"Hindi muna ako makakadalo sa lahat ng birthday niyo at sa graduation niyo. Pero wag niyo akong ipagpapalit ha!"nakasimangot na saad ni Axel.
"Oo naman boi! Pagbalik mo dito, gagawin kitang ninong ng mga anak kong mana sa akin!"baliw talaga itong si Cedric.
"Baka mamaya maging fuck boy ka doon yari ka talaga sa amin! Ipapabantay kita sa kaibigan naming si Kevin na nag-aaral din doon!"bigla ko tuloy namiss si Kevin, yung bff din namin nila Kai.
"Alam kong magiging abala ka, pero wag kang magloko doon lalo na sa mga taong mahilig pumunta sa club! Irereto ko sa ibang lalaki itong jowa mo kapag naging gago ka doon!"natawa kaming lahat sa sinabi ni Aiden.
Hinintay ko ang pagkakataong maging magjowa kami, at ngayon naman ay maghihintay ako ng 6 years o higit pa para sa kinabukasan naming dalawa. Alam kong hindi magiging madali ang ldr kaya nangangamba ako.
"Wag kang mag-alala, magmemessage ako sayo kahit isang good night lang para malaman mong ok lang ako,"inakbayan ako ni Axel at binigyan niya ako ng ngiti na nakakagaan sa loob.
"Hindi ka dapat mapangunahan ng pagdududa, remember nandito kami para sayo at kami na mismo ang magpapadispatya kay Axel kapag nagloko siya!"lumakas ang loob ko sa sinabi ni Kai dahil alam kong may mga tao pa ring handang sumuporta sa akin, kahit ano pang mangyari sa relationship namin ni Axel.
"Isama ko pa itong si Kai sa paggalugad sa buong USA para gulpihin itong burnok na ito kapag naghanap ng ibang lalaki o di kaya ng chicks!"dagdag pa ni Aiden.
"Grabe naman kayo sa akin, parang ang sama ko namang tao ah!"reklamo naman ni Axel.
"Siyempre, hindi biro ang buhay sa USA at ang totoo niyan, mas may tiwala pa kami kay kuya pagdating sa usapang relationship kaysa sayo!"pinigilan ko ang tawa ko sa sinabi ni Cedric.
"Gago ka talaga!"binato siya ni Axel ng orange na nakapatong sa lamesa.
Tinago ko na lang ang kaunting lungkot ko sa pagtawa ko kasama silang apat. Nilubos ko ang oras namin sa outing na ito na parang ito na ang huli. Hindi biro ang six years, at marami ang pwedeng magbago. Noong August hanggang ngayong April 2021, ang dami nang nagbago sa buhay ko, lalo na kaya yung six years. Hinihiling ko na sana ay magkaroon kami ng matatag na relasyon.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[59th CHAPTER]: I'm yours
Magsimula sa umpisa