Nagising ako na sobrang sakit ng buong katawan ko at ang taas ng lagnat ko.Nakita kong wala na sa tabi ko si Grae kaya kahit masama ang pakiramdam ay pinilit kong tumayo, kumuha ako ng damit ni Grae at isinuot ito bago paika-ikang bumaba ng hagdan.
Hindi ko na siya naabutan dahil maagang umalis, na ipinagpapasalamat ko naman dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin.
Pumunta ako sa kusina at doon uminom ng gamot sa lagnat, kumain narin ako dahil kahapon pa ako walang kain.
Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ko at pumasok sa CR.
Nakita ko sa salamin ang mga naghalong pasa at marka na gawa ni Grae dahil sa nangyari samin kagabi.
Naiyak naman ako dahil sa sinapit ko,hindi ko inaakalang aabot sa ganito ang lahat.
Nakakapagod na.
Masyado nang masakit ang ginagawa sa akin ni Grae at kahit ipinangako ko sa sarili ko na hindi siya iiwan, ay parang doon narin ang ihahantong ko.
Pagkatapos maligo ay natulog ako at hindi ko na namalayan ang oras.
Nagising ako dahil sa matinding pagkalam ng sikmura ko kaya pumunta ako sa kusina at doon kumain,ininom ko rin ang gamot ko at nagpapasalamat naman ako dahil bumaba ang lagnat ko.
Medyo masakit nga lang ang katawan ko dahil sa mga pasa.
Pabalik na sana ako ng kwarto ng may marinig akong kalabog kaya naman agad kung pinuntahan yon at nakita ko si Grae at may kasamang lasing na babae habang nakayakap sa asawa ko.
Nakita naman niya ako pero ang mga tingin ay malalamig.
"Go lock the door." sabi niya pero hindi ko siya sinunod
"I said fucking lovk the door!" sigaw niya at dahil sa gulat ay nagmadali akong isarado ang pinto.
Pagtapos ay tinignan ko sila at ang babaeng nakalingkis sa kanya.
"What are you looking? do you want to watch us fucking each other slut?" sabi niya at hindi makapaniwalang tinignan siya.
May nagbabadyang luha nanaman sa mata ko pero pinigil ko ito.
Tumakbo ako papuntang kwarto at pagkasara ng pinto ay doon ko ibinuhos ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.
Nakatulog ako dahil sa sobrang pagod at pag iyak.
MAAGA akong nagising at naabutan ko ang babaeng dinala ni Grae kagabi at suot suot pa nito ang damit ni Grae.
"I want a pancake and orange juice, pakibilisan lang." mataray na sabi niya
"At bat ako ang gagawa non? hindi ako maid dito." sabi ko at pinagtaasan naman niya ako ng kilay
"Aba't talagang sasagot ka pa ha" naiinis na sabi niya sabay sampal sa akin kaya hindi ako nagdalawang isip na sampalin din siya.
"What is happening here?!" galit na tanong ni Grae
"Honey she slapped me! nanghihingi lang naman ako ng pancakes sa kanya but she told me na- " hindi itinuloy ng babae ang sasabihin niya dahil bigla nalang itong humahulgol at yumakap kay Grae at niyakap naman ito pabalik.
"What the fuck Shania?! bat mo ginawa yon?!" sigaw nito sa akin
Tinignan ko naman ang babae niya at nakangisi ito na tila nanalo sa lotto.
"Pero siya ang naunang sumampal sakin!" sabi ko naman pero mukhang hindi naniniwala sakin si Grae dahil mas dumilim lang ang mukha niya ng sabihin ko ito.
"You're a liar! wag na wag mo nang sasaktan si Venice dahil sa susunod na gagawin mo yun malalagot ka sakin!" sigaw niya bago ako tinalikuran kasama ng kabit niya.
Sinundan ko sila ng tingin at nakita kong huminto muna si Grae bago humarap sa akin.
"She's staying here with us, kaya lahat ng utos niya sundin mo." Grae said and they left me dumbfounded.
Napatulala ako sa ere at naramdaman ko ang mga luha kong tumutulo nanaman.

BINABASA MO ANG
MY COLD ABUSIVE HUSBAND
General FictionAkala ko pag binigay ko lahat-lahat ay mamahalin niya na ako. Akala ko pag minahal ko siya kesa sa pagmamahal ko sa sarili ko ay mapapansin niya na ako. Akala ko pag tiniis ko lahat ng sakit na ibinibigay niya sa akin ay magiging maayos rin ang laha...