抖阴社区

K A B A N A T A 28

7.8K 110 1
                                        













SIMULA nung araw na nagkaaminan kami ni Grae ay sobrang laking pagbabago ang naganap sa pamilya namin dahil ngayon ay ramdam kong kompleto at isang masayang pamilya na talaga kami.


Nagising ako sa mumunting halik sa aking pisngi at minsan sa labi hinawi ko kung sino man yon at nagtaklob ng kumot.

"Baby wake up" sabi ni Grae at pilit na hinihila ang kumot kaya hinayaan kona tangayin nya ito dahil alam kong mangungulit lang ito.

Naramdaman kong hinalikan ako ni Grae sa labi ng ilang beses kaya dahil doon ay napamulat na ako at isang gwapong ngiti ang iginawad nya sakin.

"Goodmorning baby" nakangiting sabi nya

"Morning"sabi ko at ngumiti din.

Bumangon na ako at umupo sa kama at doon ko napansin na nakasuot sya ng bussiness attire at doon kko naalala na simula ngayong week ay babalik na sya sa trabaho dahil ilang linggo din sya nakaleave, iba talaga pag boss, napailing nalang ako dahil sa naisip ko.

"May breakfast kana sa baba,kaininin mo yon ha maaga ako nagsing para ipaghanda ka." sabi niya at ngumiti tila may kung anong humaplos sa aking puso ng marinig ang kanyang sinabi kaya naman napangiti din akko.

"Saan pala si Nathan?" tanong ko dahil wala sya sa tabi ko

"Nasa sala naglalaro." sabi nya

"Ang aga pa ah bat naglalaro agad yon?" kunot no kong sabi

"Hayaan mona si Nathan let him enoy,besides pinakain kona din yon kanina bago maglaro."
sabi naman nya

"Okay sige" sabi ko naman

"Dika pa ba aalis? baka malate kana sa trabaho mo." sabi ko ulit at tumayo na ng kama at iayos ang mga unan at kumot.

"Actually I'm late pero it doesn't matter, baka nalilimutan mong ako ang Boss baby." nakangisi nyang sabi kaya kinunutan ko nalang sya ng noo.

"Sus pumasok kana ikaw pa naman ang boss ikaw pa ang di nasunod sa mga office rules nyo." sabi ko naman

"Sungit naman bebe ko aga aga eh" sabi ni Grae na nagpapacute kala naman nya cute sya,, syempre cute sya potek!

PAGTAPOS ko mag-ayos ay bumaba na ako paa tignan si Nathan sa sala at ramdam kong nakasunod naman si Grae sa akin. Nakita kong naglalaro si Nathan ng mga biniling laruan ni Grae para sakanya.


"Mama goodmorning!" masiglang bati ng anak ko sakin na aad ko naman ikinatuwa.

Tumakbo palapit sakin si Nathan kaya naman lumuhod ako para makapantay sya dahil alam kong yayakapin nya ako at hindi nga ako nagkamali dahil niyakap nya ako at tinadtad ng maraming halik sa pisngi.


"Ang tagal mo magising mama hehe" sabi ni Nathan habang nakayakap padin sakin.

"Sorry anak napasarap tulog ni mama eh:" sabi ko naman at hinalikan din sa pisngi si Nathan.

"Papa bat namumula mata mo po?" biglang tanong ng anak ko sa tatay nya kaya naman napatingin ako kay Grae at tumayo para tignan sya.

Nagpunas pa sya ng mata at tumalikod sa amin, agad ko naman syang dinaluhan at pilit na pinapaharap sakin at buti ay natangay sya at nakita ko na mamula-mula ang kanyang mga mata at maluha-luha.

"Anong problema Grae? bakit naiiyak ka dyan?" nag-aalalang tanong ko ngunit umiling lang sya at niyakap ako.

"I-im sorry" humuhikbing bulong nya

"Bakit ka nagsosorry?" nag-aalalang tanong ko at hinaaplos ang likod nya.

"Basta I'm sorry at salamat kasi binigyan mo ulit ako ng chance para makasama kayo ni Nathan, I love you both with all of my life" sabi naman nya at humiwalay ng yakap sakin at pinunasan ang kanyang mga luha.

Lumuhod naman sya kapantay ni Nathan at niyakap din ito.

"I promise I will be a good Papa for you son, Papa love you so much." sabi nya habang yakap si Grae

"I love you din Papa,promise na magiging good son din ako sayo at kay Mama" sabi nya at niyakap ng mahigpit si Grae at hinalikan sa pisngi at narinig kong natawa ng bahagya si Grae.

Dahil sa eksenang nakita ko ay doon ko naramdaman na totoong sincere si Grae at talagang nagbago na sya, I don't regret giving him another chance.


MATAPOS ang madamdaming eksena kanina ay andito kami ngayon sa labas ng pintuan ng abak ko para ihatid sa labas ang kanyang ama.


"I don't want to leave." nakangusong sabi ni Grae

"Pumasok ka na Grae sinasabi ko sayo,sobra sobra na ang leave mo." banta ko

"Tss. opo papasok na, I'm gonna miss you both" sabi nya at hinalikan si Nathan sa pisngi at nag bye agad namang pumasok sa loob si Nathan dahil kanina pa syang larong-laro.

Hinalikan ako ni Grae sa labi at tila wala ng balak pakawalan ito buti nalang at natulak ko sya dahil baka hindi nanaman sya makapagpigil.

"Enough pasok kana, Ingat Grae" sabi ko

"I will, I'll be back soon, ingat din kayo" sabi nya at ngumiti. Tuluyan ng umalis si Grae at sumakay na sa kotse nya at ako naman ay bumalik na sa loob pagkasara ng pinto.





INABALA ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay at pag-aasikaso kay Nathan habang wala si Grae, ang saya lang sa feeling dahil nasa maayos na kaming lagay ng anak ko.

"Nathan anak, wag kang maglilikot dyan ha maglilinis lag si mama" bilin ko sa anak ko na naglalaro nanaman matapos ko paliguan.

Pumunta ako sa second floor kung saan andon ang amng kwarto at naglinis muna ako dahil medyo magulo ang paligid at ayokong magulo dahil hindi ako mapakali.

Inayos ko ang mga unan at kumot nagsimulang magwalis,pinunasan korin ang mga gamit at habang pinupunasan ang isag lamesa doon ay may nakita akong isang envelope na kulay brown. Hindi ko alam kung bakit ko kinuha yon at binuksan.

Pagkakuha ko ng mga papel na nasa loob non ay laking gulat ko ng makita ang annulment paper namin ni Grae ngunit wala syang pirma doon at tanging pirma ko lang ang nakalagay dito.

Ito ang annulment paper na ipinadala ko sakanya pero bat ganto walag pirma,tinignan ko pa ang ibang ga papel at doon ko nakita ang marriage certificate namin ni Grae.

I-ibig sabihin nito ay mag-asawa padin kami? ibig sabihin sa ilang taon na akala ko na hindi na ako nakatali kay Grae ay isang kasinungalingan lamang..

Tila nanghina ako magtapos mag sink-in sa akin lahat ng nalaman ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko; kung tuwa ba dahil mag-asawa pa pala kami ni Grae o inis dahil buong akala ko ay nakawala na ako sakanya ngunit hindi parin pala.

Agad kong binalik sa envelope ang mga papel at inilagay sa ilalim ng kama namin, kailangan nating mag-usap Grae.

MY COLD ABUSIVE HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon