抖阴社区

K A B A N A T A 19

9.2K 145 5
                                        










After 6 years...




"Nathan! aalis na si Mama." sigaw ko sa anak dahil papasok na ako sa trabaho.

Nasa Amkerika kami at dito ko narin pinanganak si Nathan,nagta-trabaho ako bilang isang secretary sa isang office dito at binubuhay ang anak ko ng mag-isa dahil ayokong umasa kila Mommy at Daddy.

Sa Pilipinas na sila nanirahan at hindi na natuloy dito sa Amerika dahil tumatanda na daw sila at mas gusto nilang sa Pilipinas nalang.

Wala na akong masyadong nabalitaan kay Grae matapos ang araw nayon sa presinto, na-aprubahan naman ang aming annulment kaya ngayon ay hindi ko na siya asawa.

Ang huling balita ko nalang ay nagpapa gamot daw ito sa psychiatrist para sa kanyang Anger management issue bukod don ay hindi ko na alam kung ano ng ganap sa kanya,siguro ay nakalaya na ito ngayon pero hindi ko na masyadong iniisip iyon.


"Mama,pasalubong ko po ha." sabi ng anak ko na ngayon nga ay 6 years old na at bibong-bibo.

Tila carbon copy ito ng ama dahil halos lahat ay nakuha niya kay Grae,buti nalang at nagmana ito sa akin ng mata na maamo.

Kiniss ko ito sa pisngi at pinangigilan.

"Mama naman eh,pinangigilan mo nanaman yung pisngi ko." tila nagtatampong sabi niya.

"Sorry na baby,ang taba taba kasi ng cheeks mo kaya ang sarap kurutin." sabi ko at ngumuso naman ito.

"Basta Mama yung pasalubong ko po ha." pag-uulit nito na siyang ikinatuwa ko.

"Opo,paguwi ko bibilhan kita kaya pakabait ka kay yaya ha." sabi ko at sunod-sunod naman itong tumango.


~•~

Hinilot-hilot ko ang aking batok at balikat dahil nangalay na,kanina pa ako tutok na tutok sa ginagawa ko.

"Shania may nagpadala nanaman ng bulaklak sayo oh." sabi ni Carie na isang pilipino at kaoffice-mate ko din.

Bitbit niya ang isang bouquet ng white roses at ibinigay sakin.

"Nako ha,nagtataka na talaga ako kung sino ang secret admirer mo at walang humpay na nagpapadala ng flowers." sabi ni Carie


Ni mismo ako ay hindi alam kung sino ang nagpapadala ng mga bulaklak na ito, walang nilalagay na pangalan ang kung sino mang nagpapadala nito at kapag tinatanong namin ang nagde-deliver ay sinasabi niyang hindi daw niya ito pedeng sabihin dahil request nung nagpapadala.


"Hindi ko nga rin alam kung sino ba ang nagpapadala niyan,medyo creepy narin kaya." totoo yung sinabi ko dahil hindi ko maiwasang matakot sa pinaggagawa nung nagbibigay nito.

"Break-Time na Cyst hindi ka pa ba kakain?" tanong niya

"Mamaya na ako,may tatapusin pa akong report para maipasa agad kay Sir Juancho."

"Nakakalungkot naman, hanggang bukas nalang pala dito si Sir Juancho,crush ko pa naman iyon." nanghihinayang na sabi Carie.

"Dapat kasi hindi nalang siya pinalipat ng ibang branch ng Daddy niya nakakalungkot naman." dagdag pa nito na tila nalulungkot.

"Hayaan mona Carie ng makamove-on kanarin masyado kang naasa kay Sir Juancho eh." pambasag ko naman dito.

"Aray ha,di man lang nagpreno kailangan straight to the point." sabi nito at kunyaring nasaktan.

"Tanggapin mo na kasi, ilang taon mo na gusto yung tao pero parang hangin kalang sakanya..ikaw rin masasaktan sa huli..kaya habang maaga pa itigil mona." seryosong sabi ko.

MY COLD ABUSIVE HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon