When I thought that everything will be the start of something new in us since I saw a little concerned in his eyes; but I guess mali nanaman ako.I wiped my tears escaping through my eyes again.
Nandito ako at nakatago sa malaking vase malapit sa hagdanan habang nakatingin sa dalawang tao na nagtatawanan habang pababa ng hagdan.
Si Venice at yung Asawa ko na nagtatawanan na tila nababaliw na at nagkikilitian pa.
Ito nanaman ang pamilyar na sakit sa puso na lagi kong nararamdaman.
"Babe kasi eh! nakikiliti na nga ako stop na~" maarteng sabi ni Venice kay Grae pero halatang gustong-gusto naman nito ang ginagawa ni Grae na pagkiliti sa bewang niya.
Ng makababa sa hagdan hinalikan ni Venice si Grae at nakita kong nakatingin sa akin si Venice habang nakatalikod sa gawi ko si Grae na ngayon ay hinahalikan niya.
Alam niyang nadito ako at sinadya ng haliparot na'to na halikan si Grae sa harap ko.
Pinigil ko ang mga luha ko na lumabas nanaman sa mga mata ko dahil ayokong makita ako ng kabit na'to na mahina ako.
"I love you Babe." sabi ni Venice kay Grae matapos niya itong halikan.
"I will call you later." tanging sabi ni Grae at tila nagbunyi ang kalooban ko dahil hindi ito nag 'I love you too' kay Venice.
Malawak ang ngiti kong umalis doon para pumunta sa kusina para magluto.
Buti nga sakanya!
Pero buti pa siya nagagawang tawgan ni Grae samantalang ako ay walang number na nakasave sa cellphone ko.
Ayaw niyang ibigay ang number niya at kung may times na alam ko ay nagpapalit siya ng number.
Ayaw niya talaga sakin.
Mapakla akong napangiti dahil sa aking naisip.
Busy ako sa paghihiwa ng gulay ng maramdaman kong may marahas na humila ng buhok ko.
"Aray ko!" sigaw ko at nakita kong si Venice ang nagpasimuno ng lahat.
Hinawakan ko ang mga kamay niyang nasa ulo ko para subukang tanggalin pero mukang may lahi talaga itong higad at ayaw matanggal.
"Akala mo hindi ko nakita yang pag ngiti-ngiti mo ha! ako ang mahal ni Grae hindi ikaw tandaan mo yan!" tila nababaliw na sigaw niya habang sinasabunutan ako,hindi na ako nakapagtimpi at hinawakan narin siya sa buhok ay sinabunutan din siya.
My parents didn't raised me to be like this, na makipag pisikalan kapag may kaaway they always use their brain to communicate; but it looks like na hindi eepekto sa babaeng ito ang method nila dahil this one right here don't have a brain to understand such things kaya I have no choice to step down to her level at makipagnegosasyon sa paraang alam niya.
"Hindi ka niya mahal! hindi mo ba nakikita na ginagamit ka lang niya to satisfy his needs you bitch!" sigaw ko pabalik at mas hinihpitan ang kapit sa buhok niya.
Itinulak niya papunta sa table at naramdaman ko ang matinding sakit sa aking balakang pero hindi ko iyon pinansin at patuloy lang sa paglaban sa kanya.
"Atleast he needs me! I can satisfy his needs and it will leads to him loving me! eh ikaw ni hindi ka nga niya matignan ng maayos kahit asawa kana niya! I guess you can still not be able to peovide his basic needs which I can do!" tila nababaliw na sagot nito at itinapon niya ako sa sahig at dahil sa lakas ng impak ay tumama ang ulo ko sa sahog at nakaramdam ako ng pagkahilo.

BINABASA MO ANG
MY COLD ABUSIVE HUSBAND
General FictionAkala ko pag binigay ko lahat-lahat ay mamahalin niya na ako. Akala ko pag minahal ko siya kesa sa pagmamahal ko sa sarili ko ay mapapansin niya na ako. Akala ko pag tiniis ko lahat ng sakit na ibinibigay niya sa akin ay magiging maayos rin ang laha...