ANDITO parin kami sa Baguio ni Kean at kasalukuyang naninirahan sa hotel.Dalawang rooms ang binayaran ni Kean at nahihiya na nga ako dahil siya ang nagbabayad lahat.
Habang nakahiga sa kama ay naisipan kong i-charge ang cellphone ko,ilang araw ko ding hindi natignan ito.
Naligo muna ako at doon ay nagmuni-muni.
Hindi ko parin makalimutan ang mga sinabi ni Kean.
Kung madali lang sana ay tuturuan ko ang puso ko na si Kean nalang ang mahalin pero impossible iyong mangyari.
Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok at naririnig kong nagsi-sigaw si Kean.
"Shania! Shania!" sigaw niya habang kumakatok kaya naman nataranta ako at kinuha lang ang tuwaly ay bastang ipinulupot sa basa kong katawan.
Agad akong pumunta sa pintuan at binuksan ito.
"May sasabi— " bungad na sabi sakin ni Kean pero agad itong napahinto.
Tinignan ko naman kung saan siya nakatingin at nakita kong nakatulala ito sa mga dibdib ko na ngayon nga ay medyo nakalabas.
"Bastos!" sigaw ko bago sinara ng mabilis ang pintuan.
Agad naman akong namula dahil sa nangyari.
Nakakahiya! nakita pa ako ni Kean na ganto ang ayos.
Baka isipin non na inaakit ko siya!
Agad akong naghagilap ng damit at isinuot ito,binuksan ko ang pintuan at nakita kong nakasandal ito malapit sa pintuan.
Tumikhim ako para mapansin niya at napatingin naman ito sakin.
"U-uhm ano nga pala yung sasabihin mo sakin?" nahihiyang tanong ko
"Y-yung parents mo kasi tumawag sakin at tinanong kung kasama daw ba kita."
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko kasama kita,pero may malaking problema Shania."
"Ano yon?" kabadong tanong ko
"Mukang alam na nila yung ginagawang pananakit sayo ni Grae."
LUMUWAS agad kami pa-maynila dahil sa sinabi ni Kean.
Paano nalaman ng mga magulang ko?
Jusko baka mapatay siya ni Daddy kung nagkataon.
~•~
MABILIS ang naging byahe at agad kaming nakapunta sa bahay.
Pumasok kami ni Kean at doon ko nakita si Mommy at Daddy habang nasa harapan nila si Grae at nakaluhod.
"Daddy anong nangyayari at nakaluhod si Grae?"
"Bakit hindi mo agad sinabi samin ang mga kababuyang ginagawa sayo ng asawa mo?!" galit na sabi sakin ni Daddy
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.
"Shania naman! hindi kita pinalaki para maging tanga! alam mo naman palang mali na ang ginagawa sayo ng lalaking 'to hindi kapa gumawa ng aksyon!" sigaw ni Daddy
"Kumalma ka nga muna Rob,hayaan mong mag-explain ang anak mo." sabay naman ni Mommy
"Mommy,Daddy Mahal ko kasi si Grae eh, akala ko may pag-asa pa sa relasyon namin kaya nagtiis ako." naiiyak na sabi ko
Nakita ko naman si Grae na malungkot na nakatingin sakin.
"P*tanginang pagmamahal yan! wala na sa tama!" sigaw ni Daddy
"Hindi ko mapapatawad ang mga ginawa mo sa anak namin Grae...I will put you in jail." dagdag pa ni Dad.
"Dad wag naman sana umabot sa ganito!" sabat ko
"Kailangan niyang pagbayaran ang mga kahayupang ginawa niya Shania!" si Dad
"M-makikipag annul na po ako kay Grae at kayo ng bahala kung anong balak niyo sakin pagkatapos...wag niyo lang po ikulong si Grae." nagmamaka-awang sabi ko.
"Shania you're being delusional! bakit nagagawa mo pang ipagtanggol yang asawa mo?! hindi ka naman minahal niyan!"
"Oo dad,hindi niya ako minahal pero ako Dad mahal ko siya...asawa ko parin siya kaya may pakialam parin ako sakanya kahit ganon ang ginawa niya sakin." umiiyak na sabi ko.
"S-shania..." narinig kong sabi ni Grae habang nakaluhod parin at malungkot na nakatingin sakin.
Kinaka-awaan siguro ako kasi sa kabila ng nagawa niya ay mahal ko parin siya.
Pumunta ako sa kinaroroonan ni Grae at pilit siyang itinayo mula sa pagkakaluhod.
"M-makikipaghiwalay na ako sayo tulad ng gusto mo Grae, I will give you your freedom na matagal mo ng gusto. umiiyak na sabi ko sakanya habang nakatingin.
"Mommy,Daddy gagawin ko lahat ng gusto niyo basta wag niyo ng ipakulong si Grae." sabi ko kila Mommy at Daddy.
Akmang aalis na ako papunta sa kwarto ng makita kong sinugod ni Kean si Grae at pinaulanan ng suntok.
"Hayop ka talaga! asawa moyan pero sinasaktan mo!"
"Wag na wag ka ng magpapakita kay Shania kundi makikita mo ang hinahanap mo G*go ka!" sigaw ni Kean habang pinagsusuntok si Grae na ngayon nga ay nakahandusay na sa sahig at hindi lumalaban.
Bat hindi ka lumalaban Grae?
Anong nangyayari sayo?
AGAD namang unawat ang mga guard nila Mommy at pinaghiwalay ang dalawa.
"Lumayas kana dito Grae at huwag na huwag kang magpapakita samin! ipapadala ko yung annulment papers niyo ni Shania bukas na bukas din at gusto kong pirmado nayon!" sigaw ni Daddy at nagwalk-out na.
Lumabas agad ng bahay si Grae at nung akmang hahabulin ko siya ay pinigil ako ni Kean.
"Wag mong sundan...mas magmumukha kalang na patay na patay sakanya."

BINABASA MO ANG
MY COLD ABUSIVE HUSBAND
General FictionAkala ko pag binigay ko lahat-lahat ay mamahalin niya na ako. Akala ko pag minahal ko siya kesa sa pagmamahal ko sa sarili ko ay mapapansin niya na ako. Akala ko pag tiniis ko lahat ng sakit na ibinibigay niya sa akin ay magiging maayos rin ang laha...