MEET
" Marunong ka din palang magtugtog ng keyboard ah. Ang galing! " sambit ko kinabukasan.
" Hmm... I learned how to play when I was 8 years old. " tugon niya at tumango ako. So, 8 years old siya noong natutunan niya iyon.
" Gusto ko ding matutong magtugtog ng keyboard kaso hindi namin afford eh. " nguso kong wika. Hindi talaga ako marunong magtugtog kahit isa man lang instrument. Hay.
" Don't you worry, you can borrow naman this. We have 2 keyboard here, one for me and one for my cousin. "
Namangha naman ako, " Woah! Mayaman ka talaga. Tsk. " biro ko at tinawanan niya.
" Nope! My parents and my titas and titos are rich not me. " wika niya. Isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya na kahit nakikita mo na mayaman siya, hindi siya mayabang tulad ng ibang anak-mayaman.
" Teka, marunong din bang magplay ng instrument yung cousin na sinasabi mo ?" pag-iiba ko ng topic.
" Actually, siya ang nagturo sa akin. Among us, siya talaga ang mahilig sa instruments. Marunong siyang tumugtog ng guitar, flute, violin at iba pa. " pagkukuwento niya.
Sa sinabi niya iyon, humanga ako sa cousin niya. Namangha ako noong marinig sa kaniya na marami siyang nalalaman.
" Close kayo noh? " tanong ko kasi nahalata ko na sa kuwento niya pa lang, ngumingiti siya na para bang may nakakatawa siyang iniisip.
" Yes, close talaga kami. Kaya lang, I don't know where he is right now. Ang huling balita ko ay pumunta siya sa ibang bansa. "
Hmm, so lalaki siya akala ko babae eh. " Mabuti at close kayo. Mabait ba siya? " saad ko.
" Of course, hayaan mo. Ipapakilala kita sa kaniya pag napunta na kayo dito. " ngiti niya pa. Naexcite tuloy ako.
Tiningnan ko siya at doon ko lang napansin na pumapayat siya at makikita sa mukha niya ang puyat na para bang ilang araw siyang hindi natulog.
" Oli, okay ka lang ba? " nag-aalalang tanong ko.
Tila natigilan siya at nawala ang ngiti sa mukha niya pero agad ding binalik. " I am okay, Aying. "
" Ba't parang puyat ka? Hindi ka ba natutulog ha? Naku naman. " malumanay kong wika.
" Are you concerned? " ngising ani niya.
" Siyempre naman, kababata kita diba? " inosenteng ika ko. Nawala naman agad ang ngisi niya na ikinatawa ko.
Nilapit niya ang mukha sa screen, " Kababata lang ba? Hmm... " tugon niya at namula ang pisngi ko.
" Basta matulog ka nalang, huwag magpupuyat. Nako, sinasabi ko sa iyo. " banta ko na may halong pag-aalala.
" Yes ma'am. " at nagsalute pa ang loka. Napailing nalang ako.
Dinala ko ang laptop at bumaba ako patungo sa kusina. Ang init kasi ng kwarto ko kaya napagdesisyunan kong lumabas nalang. At magluluto din ako ng almusal namin. Muntik ko nang makalimutan na ako pala ang nakatoka sa pagluluto ngayon. Si kuya ayon tulog pa.
Ipinatong ko ang laptop sa may counter hindi kalayuan sa akin. "Teka lang Oli... Magluluto ako. Stay ka lang diyan. " sambit ko habang ipinusod ang buhok ko at tumalikod sa kaniya.

BINABASA MO ANG
The Page We're On { Book 1}
Teen FictionThe saddest way of saying "Goodbye" is telling "I Love You" for the last time. Date Started: August 2020 Date Ended: March 2021