STEP
"Ang ganda dito!" namamanghang sigaw ni MJ at umikot-ikot sa harap namin habang nakadipa ang dalawang kamay niya.
" Huwag ka ngang malikot baka tumaob ito. " saway sa kaniya ni Ate Cha.
Totoo ngang maganda rito sa pinuntahan namin. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid namin. Napagpasiyahan namin na pumasyal muna rito sa Italy at isa na rito ang tinatawag na Grand Canal bago kami umuwi sa Pinas.
Nakakalula ang kalinisan ng tubig dito. Dulot ng kalinisan, makikita mo ang repleksyon mo sa tubig na para ka lang nanalamin. Nasa magkabilang -gilid ang mga iba't ibang kabahayan, stores. Nagliliwanag din ang buong lugar dahil sa mga iba't ibang kulay ng ilaw na nakakabit sa mga poste.
Nakatulala lang ako sa harapan habang nakaupo sa gilid ng aming sinasakyan. Hindi ko alam kung anong tawag dito pero para siyang isang bangka pero mas matibay ito. Para ring barko pero mas maliit din.
"Huy! Nakatulala ka na naman. Enjoy din kapag may time." pag-alog sa akin ni MJ.
Yeah right, ni hindi ko nga ma appreciate ang mga bagay-bagay dito na ngayon ko lang naranasan at nakita, magenjoy pa kaya?
It's been how many weeks since his burial but ever since that day, wala pa ring nangyayari sa akin na masasabi kong mabuti. Araw-araw nalang akong nakatulala sa loob ng kwarto ko. Gabi-gabi akong nagluluksa sa pagkawala niya. Wala akong gana bumangon sa kaalamang hindi ko na siya masisilayan pa. Humihinga ako pero wala ng buhay ang kalooban ko.
I'm trying. I'm still trying to cope up. I'm trying to accept the fact that he's not here anymore. I'm doing my best to move on but I think, not for now. Masakit pa rin kasi. The scene keeps on playing in my mind. Kumbaga, sa isang sugat, malubha pa siya at hindi nadadaling gamutin.
Lumingon ako sa kaniya at bahagyang ngumiti, " I'm enjoying, MJ." wika ko sa kaniya.
Iningusan niya ako. Totoo naman. I'm enjoying the peacefulness it gave me, the serene feeling I am now experiencing at the moment, the calmness brought by the air.
"Hindi naman kita sa mukha mo ,eh. Pumunta nga tayo rito para makalimot kahit saglit man lang. " komento rin ni Ate Chary.
Kaming tatlo lang ang namasyal dito. Sa una, hindi ko nais lumabas at magpasyal pero nagpumilit silang dalawa kaya wala akong magawa kundi samahan nalang din sila atsaka ito rin ang nakikitang paraan nila Tita at mama upang hindi lang ako magkulong sa kwarto.
That's why, I agree kahit na alam ko na tutunganga lang ako rito to help my myself because no one can help me to not be drown in darkness but myself only. Hindi ko pipilitin ang sarili ko pero hindi rin dapat na tutunganga lang.
"Mahirap pero kinakaya ko. Just let me be for now. Magiging okay din ako. I will be okay." ngumiti ako sa kanilang dalawa.
Napabuntong-hininga silang dalawa at nagkatinginan. Ilang saglit pa ay sabay-sabay nila akong dinarag patungo sa pinakaharapan ng sinasakyan namin.
"Wuhoo!" sigaw ni MJ. Mabuti nalang iilan lang ang tao rito. May sariling mundo ang karamihan. Tinaas ko ang dalawang kamay ko at dinama ang simoy ng hangin. Nakahawak lang si Ate Cha sa railing.
Unti-unting humihina ang makina ng sinasakyan namin indikasyon na tapos na ang paglalakbay namin. Bumaba kami kaagad. It's not wrong to take a break after all.
***
Binuksan ko ang pintuan ng pribadong sasakyan nila Tita Danielle, kinuha ang bulaklak at mga kandila pagkatapos ay sinirado kaagad.
Nandito kami ngayon sa sementeryo at kasalukuyang binabaybay ang daan patungo sa libingan ni Oli. Ito ang unang pagkakataon kila mama at tita para bisitahin siya habang ako ay pumupunta rito every week.
Lumuhod ako sa harapan at iniwakli ang mga patay na dahon na nakatungtong sa lapida niya. Sumunod din si mama at tita. Inilapag ni Tita ang bulaklak na dala ko kanina habang sinindihan naman ni mama ang kandila.
Taimtim muna kaming nagdasal at kapagkuwan ay naging tahimik din kaming tatlo. Hindi ko alam kung ano ang maari naming pag-usapan.
" Hi nak. Pasensiya na at ngayon lang ulit ako nakadalaw pagkatapos ng libing mo." panimula ni Tita Danielle.
Ilang minuto kaming naging tahimik muli at tanging naririnig lang ang huni ng mga ibon.
" Are you doing fine, Aya?" pambasag sa katahimikan ni Tita. Nakayuko ako at hinahaplos ang lapida ni Oli. " Ayos lang po, Tita." sagot ko sa kaniya.
Nakita ko sa gilid ko na umiling si Tita na tila hindi naniniwala sa aking sinabi. " Are you sure? Nababalitaan ko kasi na nagkukulong ka lang sa kwarto mo. " naninimbang niyang saad.
Minsan lang kasi umuuwi si Tita sa bahay kasi mas pinili niyang pagurin ang sarili niya sa pagtatrabaho upang makalimutan niya ang pagkawala ng kaniyang nag-iisang anak.
Lumingon ako sa kanila at mapait na ngumiti. " Heto pa rin po, umiiyak pa rin kapag naiisip ang nangyari. Hinihiling na sana panaginip lang ang lahat ngunit paulit-ulit na akong sinasampal ng katotohanan." mapakla akong natawa.
Naaawa akong tiningnan ng dalawa kaya hindi na nila napigilan ang sarili na lumapit sa pinag-uupuan ko at niyakap nilang dalawa. "Alam mo boto ako sa iyo para sa anak ko. I want to see you both in front of the altar pero maaga siyang kinuha sa atin eh." mahinang wika ni Tita at tiningnan ang lapida ni Oli.
Oli, narinig mo iyon? Sabi ng mama mo, boto siya sa akin. Akalain mo iyon, bukod sa iyo, nauto ko pa mama mo. Natawa ako sa sarili kong inisip.
" Why can't people stay in our life? Bakit kailangan pang umalis at may maiwan?" mahina kong tanong sa kanila.
Sa pagkakataon na ito, si mama naman ang sumagot sa tanong ko. " Leti, anak. Hindi talaga lahat ng tao mananatili sa tabi mo. May umaalis, may bumabalik pero ang mahalaga, masasabi mo sa sarili mo na may mga nabuo kang ala-ala kasama sila, masaya man o hindi at higit sa lahat, may natutunan ka galing sa kanila."
Ika nga nila, people come and people go. Minsan, tinatanong natin ang mga sarili natin kung bakit ganito, bakit ganiyan. Hindi natin mapipilit ang mga taong manatili lang sa tabi natin. Minsan, kinakailangan nilang iwan tayo para may matutunan sa pag-alis nila.
If someone leaves us, then be it. Learn to accept and move on. If someone stay, be thankful because not all of the time, you're given a chance that people choose to stay than to leave but even then, be grateful that you meet people in your life that helps you to become a better person and for my case, I am grateful to meet Oli.
A lot of us feel that love, whether in friendship, family, romantic relationships is staying together but sometimes, love is setting people free. Now, I am gladly to let go Oli, for him to be at peace in heaven right now and for me to finally get over and move on one step at a time.
" Hindi ko makikita ang sarili ko na magmahal pa ng iba." saad ko at niyakap ang sarili nang malakas na umihip ang hangin.
"Nagparamdam pa ang anak ko." natatawang ani ni Tita kaya tumawa kami ni mama.
Bumalik din kami kaagad pagkatapos ng pag-uusap namin. Tutungo na sana ako sa kwarto nang malingunan ang kwarto ni Oli madadaan ko pa bago ako makapunta sa akin.
Tumayo ako sa harapan at hinawakan ang doorknob. Nagdadalawang-isip pa ako na buksan ito ngunit sa huli ay pinihit ko rin.
Bumungad sa akin ang madilim na silid kaya kinapa ko muna ang switch sa gilid ko bago nagkaroon ng liwanag sa buong silid.
Hindi na ako nagulat nang makita ang buong silid niya na puno ng mga paintings in any sizes of canvas. My malaki, may maliit, meron din namang katamtaman lang. May nakasandig lang sa dingding pero karamihan ay nakasabit. Mayroon din siyang mga drawings lang na nakaguhit sa oslo papers na nakaframe.
Umupo ako sa kaniyang kama at niyakap ang unan na wari ko'y may pamilyar na amoy niya.
Nagtataka kong tiningnan ang isang malaking canvas sa sulok ng kaniyang kwarto. Hindi kaagad ito mapapansin dahil nasa likuran siya ng pinto. Nakatabon din ang isang puting tela kaya hindi ko makita kung ano ito.
Dahan-dahan kong kinuha ang tela hanggang sa tumambad sa akin ang isang babaeng nakangiti. Wala sa sarili kong pinalandas ang mga daliri ko rito at kusang napangiti.
Ang nakapintang babae ay walang iba kundi ako. Hindi ko alam kung may sinusundan siyang litrato o gamit niya lang ang kaniyang isipan. I'm very sure that Oli made this for me. At napatunayan ko iyon nang makita ang lagda niya sa ibaba nito.
Kinagat ko ang labi ko at lumunok. Muli ko iyong tiningnan at dumako naman sa kabinet ni Oli. Its upper part is made of glass kaya kita ang mga nakapaloob na sanina, polos, slacks, shirts, shorts niya. Kaya pinakielaman ko ang bottom part nito.
Binuksan ko ang unang drawer. Wala namang ibang gamit kundi ang isang malaking box kaya interesanteng kinuha ko ito.
Itinabi ko muna ang takip nito at ang mga ibang gamit na nakalagay dito. Sagol-sagol ang inilagay dito ngunit ang mas nakakuha ng aking pansin ay ang isang sobre at nakalagay ang pangalan ko.
Karamihan ay mga larawan ko noong pagkabata ko hanggang sa naging screenshot pictures ko na at mga mensahe namin sa isa't isa. " Maganda ka na simula pa pagkabata natin." basa ko sa nakasulat sa likod sa isang larawan ko.
Pagkatapos, sinunod ko ang isang maliit na papel na parang pinunit lang galing sa kwaderno. Kunot-noo ko itong binasa at umawang ang bibig ko nang mapagtanto na ito iyong ginawa namin ni Oli na 5 Things We Regret For and Thankful For.
Sumikip ang dibdib ko na mabasa ang mga sinulat niya.
Regret: I forgot her and my memories with her.
Thankful: I finally found her, my love of my life.
Panghuli kong tiningnan ang nakarolyong papel pero hindi gaya sa una ay espesyal ang papel na ito. Napasinghap ako at nanlabo agad ang paningin nang ang ginamit niyang pampigil upang hindi mawala ang pagkarolyo ng papel ay isang singsing.
A gold ,simple promise ring with a shape of infinity at the center made with small diamonds. Sinuot ko kaagad ito.
Tiningnan ko ang papel na isa palang sulat galing kay Oli. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang sulat-kamay niya. Malinis ito at mas maganda pa kaysa sa akin. Napailing ako.
Muli akong napasinghap nang maalala na ito ang sulat na resulta nang challenge ko sa kaniya na no english words.
Binasa ko ito at sa huli ay napahagulgol at tumatangis habang tinatawag ang pangalan niya. Humiga ako at mahigpit na niyakap ang sulat niya para sa akin.
_______________________________________
| end of chapter thirty-five ;) |