ถถา๕ษ็ว๘

Captivated by Your Introverte...

By WhenLoveIsForbidden

2.3K 135 30

Yeshua "Jesh" de Mevius, a very intelligent and a well known son of the richest and most influential family i... More

Captivated by Your Introverted Personality
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 13

71 6 1
By WhenLoveIsForbidden

KHARL

"Picturan mo kami rito, Kharl."

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at kaagad na ngumiti. Kinuhanan ko sila ng picture habang nakatayo sila sa tarpaulin kung saan nakasulat doon ang CRCYC First Training Session at ang date nito.

Today is Saturday and since hindi available si Stuart, ako ang photographer ngayong araw. Hindi pa nga nag-ststart 'yung event, sobrang dami ko ng nakuhang mga pictures.

Mas mauuna pa 'yata 'tong mag-full storage bago pa matapos ang event mamayang hapon eh.

I'm a Red Cross Youth volunteer since High School palang. This is the first organization na sinalihan ko ever since tumungtong ako sa campus na 'to that is why this one holds a special place in my heart.

I really wanted to help everyone who's life is at risk. After both my parents passed away when I was seven sa sunog, I promised to myself na tutulungan ko lahat ng mga nangangailangan sa abot ng makakaya ko.

In that way, kahit hindi ko nailigtas sina mama at papa noon, marami naman akong matutulungan na ibang tao ngayon and I know that they are proud of me.

"Hey, Kharl. Late na ba ako?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at kaagad akong napangiti.

"H-hi, Nat. Hindi pa naman, hehe."

"Kanina ka pa?"

Oh God! Ba't ang ganda mo Nathalie?

"Yup. Gusto mo kunan kita ng picture?"

Kaagad naman siyang ngumiti at tumango.

Waaah! Kompleto na araw ko guys.

"Tayo ka sa gitna ng tarpaulin. Show me your best pose."

Kaagad naman siyang pumunta sa pwesto na sinabi ko at nag-pose.

"1, 2, 3..."

*click!

*click!

*click!

Tiningnan ko ang mga kuha kong picture sa kanya at napangiti ako roon. Ang ganda ng pagkakakuha ko ng mga litrato na iyon. Sobrang ganda niya sa mga kuha ko.

Ipinakita ko naman iyon sa kanya at pati siya ay nagandahan rin.

"Thanks, Kharl! Anyway, punta muna ako roon sa mga kaibigan ko. I'm excited na sa training!"

"Enjoy!" I said bago niya ako talikuran.

Fast forward and it is 9:30 in the morning na and at exactly 10:00, magsisimula na 'yung program. I am currently standing sa entrance ng covered court ng campus kung saan gaganapin 'yung training at binabati 'yung mga bagong members na papasok palang.

15 minutes passed by...

"'Di ko pa siya nakikita. I wonder kung pupunta siya."

"Sino?"

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napaharap sa taong nagsalita.

"C-Clint!"

"Yes?"

"Anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong.

Hindi naman 'to member ng CRCYC ah? Paano nakapasok 'to rito?

"May kinuha lang. Aalis din naman ako kaagad. Ikaw ba, sinong hinihintay mo rito?"

"Wala! Umalis ka na nga rito!" sabi ko sabay tinulak siya papalabas ng gate.

"Teka lang naman! 'Di mo pa nga ako sinasagot eh."

"Wala nga! Alis na! Shoo!"

"Oo na! Oo na!"

Umalis naman siya kaagad pero bago pa siya nakasakay ng jeep ay sinamaan niya pa ako ng tingin. Natawa nalang ako sa inasta niya.

9:50. Still, no signs of him.

Teka nga! Ba't ko ba siya hinihintay? Eh ano naman kung 'di siya pupunta diba? As if naman may pake ako roon! 'Di nga kami magkaibigan eh! Well, according to him.

Mga ilang segundo lang ang nakalilipas ay biglang may humintong puting sasakyan sa harap ng gate. Napanganga ako kasi sobrang ganda nung sasakyan, halatang mayaman ang may-ari.

Biglang bumukas ang pinto ng driver's seat nung sasakyan at bumaba ang isang lalaking kasingtangkad ko lang at mukhang kaedad ko lang rin. Formal 'yung attire nito at nakasuot pa ng shades.

Bigla itong naglakad papalapit sa akin kaya naman nagtaka ako. Pansin kong may hawak-hawak siyang paper bag sa kaliwang kamay niya.

"Uhm, hi. Do you know a person named Yeshua?" biglang tanong nito sa'kin.

"de Mevius?" I asked.

"Yes."

Tumango naman ako.

"Ah oo. Kilala ko siya."

"Can you hand this to him?" he said at inabot sa akin ang hawak-hawak niyang paper bag.

Kaagad kong naamoy ang laman nun. Pagkain.

Wait! Don't tell me, siya 'yung nagbigay ng pagkain kay introvert last time? Tapos akala naman ni introvert na ako 'yung nagbigay?

Sino ba 'to?

"If you don't mind, can I ask if sino ka and how are you related to him?"

"Johann," he said at kaagad akong tinalikuran.

Magsasalita pa sana ako kaso tumakbo na siya pabalik sa sasakyan niya. And after a few seconds ay kaagad niya itong pinaharurot paalis.

Okay?

Kaano-ano 'yun ni introvert? Kuya niya ba 'yun? Ah ewan! Ba't ba ako nangingialam? Pake ko?

Babalik na sana ako sa covered court nang makita ko si introvert na naglalakad. Nakasuot siya ng white t-shirt at nakayuko lang siyang naglalakad papunta sa gate which is ang kinatatayuan ko.

Paano ko ba 'to ibibigay sa kanya?

Parang kahapon lang ay sinabi kong 'di ko na siya guguluhin tapos ito ang mangyayari?

Eh kung maghahanap kaya ako ng mauutusan para ibigay sa kanya 'to?

Too late! Ayan na siya!

*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!

Teka nga! Ba't ba ako kinakabahan eh ibibigay ko lang naman 'tong hawak ko sa kanya?

Ayan na! Papalapit na siya sa akin!

*Ahem!

I cleared my throat and I took a deep breath.

"Pinapabi---"

Nahinto ako sa pagsasalita nang dinaanan lang niya ako bigla at kaagad na pumasok.

Anak ng?!

"Hoy!" pagtawag ko.

Huminto naman siya at nilingon ako.

Same blank expression.

"Pinapabigay sayo!" inis kong sabi sabay binigay sa kanya ang hawak-hawak kong paper bag.

'Di ko na siya hinintay na magsalita pa at kaagad siyang nilagpasan.

"You're waiting for me at the gate..."

Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan siya.

"Ha?"

"...just to hand me this?"

"Kakabigay lang niyan sa'kin, 'wag kang assuming," I said at kaagad siyang tinalikuran.

I should not be talking to him, right? Ayaw nga niya sa'kin diba? Well, pake ko ba? Bahala siya riyan!

Basta last na talaga 'yung pagbigay ko sa kanya ng paper bag. I swear to God! 'Di ko na talaga siya papansinin. Grrr!

~~~

"Did you understand the steps?" tanong ng CRCYC adviser namin through the microphone.

"Yes sir!" they all answered in unison.

"Pretty simple right? All right! Tumayo na kayong lahat at pumunta na sa mga partner niyo."

Nagsitayuan naman ang mga bagong members at nagsilapitan sa mga partners nila na old members.

Ako naman ay nagsimula nang kumuha ng mga pictures.

Basically, ang mga new members ay magpeperform ng CPR at gagawin nila iyon sa mga old members na nakahiga sa sahig.

"Sir, walang partner si Yeshua!" rinig kong sigaw nung isang kasama namin kaya napahinto ako sa pagkukuha ng pictures.

Malamang, wala talaga 'yang partner. Exactly 10:00 ba naman dumating. 'Yung calltime is 9:30 pa naman at doon kami nag-assign ng mga magiging pares ng mga new members.

"Wala na bang available na old members?" tanong ng adviser namin.

"Wala na, sir. May pares na lahat."

"How about you, Mr. Seran?"

Wait what?! Ako?! Ba't ako?!

Hell no!

*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!

"P-photographer po ako, sir!" sagot ko.

Ba't ba ako kinakabahan?!

"Akin na 'yang camera. Ikaw na muna ang magiging partner ni Mr. de Mevius."

No!!!

Ayoko! Huhu!

"Faster, Mr. Seran!"

Fine! As if naman may magagawa pa ako.

Naglakad ako papalapit sa adviser namin at binigay ang camera. Pagkatapos nun ay naglakad ako papalapit kay introvert at kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya ako tingnan. Tinging nakakaasar, 'yun yon!

Siya pa ang may ganang maasar, diba? Dapat ako nga 'yung maasar eh, bwiset!

'Di ko siya kinausap at bigla nalang humiga sa place mat na nasa sahig.

Ba't ba kasi hindi nalang manikin 'yung ginamit dito? Eh 'yung training nga namin noon, manikin naman 'yung ginamit.

"All right. Assume that Steps 1-3 are all done and the person is unresponsive, proceed to step 4. Kneel beside the person. Place the person on their back on a firm, flat surface."

Kaagad namang lumuhod si introvert sa gilid ko.

"Close your eyes."

Ha? Anong sabi niya? Close my eyes? At bakit?

"At sino ka para utusan ako?" angal ko.

"For a person who should be pretending to be unresponsive, you seem to talk too much."

Natahimik naman ako.

Bwiset talaga!

Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Bahala na si Batman.

"Step 5 is to give chest compressions. Now place your hands centered on the chest."

Naramdaman ko ang kamay ni introvert sa dibdib ko.

*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!

Ba't ba ako kinakabahan?

"Make sure your shoulders are directly over hands, elbows being locked. Depth, at least 2 inches."

Kahit wala akong nakikita, alam kong kapag binuksan ko ang mga mata ko, magtatama ang paningin namin.

"Rate must be 100-120 compressions per minute. Always remember to allow chest to return to normal position after each compression. Is that clear?"

"Yes, sir!"

"Alright, on the count of three, you will start to do 30 chest compressions. 1, 2,.... 3!"

Kaagad kong naramdaman ang pagdiin ng mga kamay ni introvert sa dibdib ko. Tahimik kong binilang ang chest compression niya para malaman ko kung 'di ba siya nagkulang o sumobra.

Nang matapos siya ay kaagad niyang tinanggal ang pagkakadiin ng kamay niya sa dibdib ko.

I must say, he knows chest compression really well. Pasok na pasok sa 100-120 'yung rate niya.

"Very good! Now, I must say na meron na sa inyo rito ang mukhang sanay na sanay na in doing CPR. I can say this based sa performance na ipinakita niyo. For example, Mr. de Mevius, right?"

Naimulat ko ang mga mata ko nang tawagin si introvert.

Nakita ko naman siyang tumango.

"I'm observing you kanina pa and I can see that you are doing very well in performing CPR. May experience ka na ba rito?"

Tumango ulit si introvert.

"Really? Do you know how many chest compressions followed by rescue breaths are needed if you have to perform the traditional CPR?"

"30 c-compressions f-followed by 2 rescue breaths, s-sir."

"Do you know how to perform it?"

Tumango ulit si introvert.

"Can you show us how to do that here in front?"

"P-po?"

Wait what?! Tama ba 'yung narinig ko? He's performing the traditional CPR?

"You heard me. Do it here in front and show the other members how it is done, as they are only allowed to do Hands-only CPR. Why don't you bring Mr. Seran with you?"

Oh hell no! Ayoko nga! There's no way na sa'kin siya magpeperform ng traditional CPR!

There's no way in hell!

*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!

"S-sir, iba nalang po." Pag-angal ko.

Mama! Ayoko nito!

Tapos sa harap pa nilang lahat?!

Tiningnan ko si introvert at ang kumag, hindi man lang kinakabahan o pinagpapawisan sa ipapagawa ng adviser sa kanya.

Okay lang sa kanyang magperform ng traditional CPR?

"Bakit? Marunong ka rin naman ah?"

Oo sir, marunong ako pero hindi ko naman sinabi na sa'kin niya gagawin iyan. Photographer lang naman ako rito. Ba't ako napunta sa ganitong sitwasyon?

"Sir, iba nalang po."

Huhuhu. Ayoko, ayoko, ayoko!

"Is it okay if we choose from other members? Who would like to volunteer na palitan si Mr. Seran?"

Walang nagtaas ng kamay.

Waaaah!!!

"Ikaw nalang, Mr. Seran. Hihiga ka lang naman."

Hihiga lang tapos maglalapat 'yung labi namin sir! Ayoko nun!

Asdfghjkl! Bwiset! Bwiset! Bwiset!

I should be professional pero 'di ko talaga maiwasan. Hindi na bago sa'kin ito because I've done the traditional CPR a couple of times pero kung siya lang rin naman ang gagawa sa'kin 'nun, mas mabuti pang kainin nalang ako ng lupa.

Buti sana kung ako ang gagawa tapos unconscious siya or ako 'yung unconscious, eh nagpapanggap lang naman ako.

Sana naintindihan niyo ako sa sitwasyon ko. Sino ba naman kasi ang masisiyahan kapag ikaw at ang taong kinaiinisan mo ay bigla nalang napunta sa ganitong sitwasyon, diba?

"'Wag mong bigyan ng malisya," rinig kong sabi niya at naunang naglakad sa harap.

Anak ng?!

At ba't ko naman bibigyan ng malisya?! Porket ba ayaw ko, iniisip niya na baka bibigyan ko ng malisya? Eh kung sipain ko siya riyan eh!

Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang. Humiga ako sa harap at ramdam na ramdam ko kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.

"Relax, you look nervous."

Relax?! 'Di na nga ako makahinga sa kaba, relax?!

"Alright, Mr. de Mevius. Show us how to perform the traditional CPR. Start."

"Close your eyes," sabi niya.

Kaagad kong ipinikit ang mga mata ko.

Bahala na si Batman.

Naramdaman kong nilagay niya 'yung dalawang daliri niya sa gilid ng leeg ko. He's checking my carotid pulse.

"1001, 1002, 1003,...," bulong niya but enough for me to hear it.

He knows the proper counting, eh?

Kaagad kong naramdaman ang kamay niya sa dibdib ko. He puts pressure in it and suddenly starts doing the compression.

Nang matapos, he suddenly tilts my head and lifts my chin. He pinches my nose and opens my mouth, and the next thing I know, my lips is sealed with his lips..

...his soft lips.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 66.4K 49
แ€”แ€พแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€€แ€ผแ€ญแ€ฏแ€ธแ€•แ€ฒแ€›แ€พแ€ญแ€›แ€พแ€ญ แ€™แ€ญแ€ฏแ€ธแ€žแ€€แ€บแ€™แ€ฏแ€”แ€บแ€แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€•แ€ฒแ€›แ€พแ€ญแ€›แ€พแ€ญ แ€„แ€พแ€€แ€บแ€แ€…แ€บแ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€žแ€ฌแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€แ€ฝแ€„แ€บแ€ทแ€•แ€ฑแ€ธแ€•แ€ซ.... แ€™แ€„แ€บแ€ธแ€†แ€ฎ แ€€แ€ญแ€ฏแ€šแ€บ แ€กแ€›แ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€œแ€ฌแ€แ€ฒแ€ทแ€™แ€พแ€ฌแ€•แ€ซ.......
1.1M 88.6K 72
๐„๐ช๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐Ž๐Ÿ ๐‹๐จ๐ฏ๐ž ~๐‘จ ๐‘ฏ๐’Š๐’ˆ๐’‰๐’”๐’„๐’‰๐’๐’๐’ ๐‘น๐’๐’Ž๐’‚๐’๐’„๐’† ๐‘บ๐’•๐’๐’“๐’š โ€ขโ‹†ยฐ.โ˜พโ‹†.เณƒเฟ”*:โ‹†๐™š ๐•๐ˆ๐‡๐€๐€๐ โ™ก ๐‘๐”๐‡๐€๐๐ˆ๐Š๐€ Ruhanika, a quiet...
2.4M 90.9K 57
Warning: RWB spoilers ahead. Some say the best love stories often take time. Emery Chernychevsky has had a crush on Cameron Brooks since he can reme...
200M 4.7M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...