抖阴社区

First And Forever (COMPLETED)

By TheKnightQueen

320K 5K 783

Pheem and Chant have been married for six years. During that year, she never received love from Chant because... More

Chapter #1
Chapter #2
Chapter #3
Chapter #4
Chapter #5
Chapter #6
Chapter #7
Chapter #8
Chapter #9
Chapter #10
Chapter #11
Chapter #12
Chapter #13
Chapter #14
Chapter #15
Chapter #16
Chapter #17
Chapter #18
Chapter #19
Chapter #21
Chapter #22
Chapter #23
Chapter #24
Chapter #25
Chapter #26
Chapter #27
Chapter #28
Chapter #29
Chapter #30
Chapter #31
Chapter #32
Chapter #33
Chapter #34
Chapter #35
Chapter #36
Chapter #37
Chapter #38
Chapter #39
Chapter #40
Chapter #41
Chapter #42
Chapter #43
Chapter #44
Chapter #45
Chapter #46
Chapter #47
Chapter #48
Chapter #49
Chapter #50
Chapter #51
Chapter #52
Chapter #53
Chapter #54
Chapter #56
Chapter #55
Chapter #57
Chapter #58
LAST CHAPTER
EPILOGUE
Pasasalamat ni Author

Chapter #20

4.9K 88 7
By TheKnightQueen


PHEEM'S P.O.V

Pagkahinto ng kotse ay agad kong tinanggal ang pagkakasuot sa akin ng seatbelt. Pagkakuha ko ng bag ko ay napadako ang tingin ko kay Noryan kasi tinanggal niya rin ang seatbelt niya saka binuksan ang pinto at lumabas. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa marating niya ang nasa side kong pinto na binuksan niya.

Lumabas ako ng kotse. Pagkalabas ko ay isinara niya ang pinto at hinawakan niya ang kamay ko ang tinangay ako papasok sa loob ng hotel na aking papasukin.

Naiiling na napangiti na lang ako at hinayaan siyang ihatid ako hanggang sa pupuntahan ko.

Pagkatapos naming maihatid si Prescious ay ako naman ang hinatid niya rito. Niyaya kasi ako ni Narlyn na mag-attend sa isang tea party. Day off niya kasi sa hospital kaya naisipan niyang magdalo sa isang tea party at dinamay pa ako.

Pagkabukas ng elevator ay pumasok kaming dalawa. Hindi ko pa nasasabi ang floor na pupuntahan ko ay napindot na niya ito. Mukhang alam niya kung saan ako pupunta.

Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang pinto ng elevator. Mayr'ong mga pumasok din. Marami sila kaya napaatras ako. Sandali pa ay mayr'on ulit na sumakay kaya mas dumami ang taong nasa loob ng elevator.

Hinawakan ni Noryan ang baywang ko at walang hirap na inilagay niya ako sa kaniyang likuran at siya ang nasa harapan ko. Nakadikit na ang likod ko sa wall ng elevator. Iyong isang kamay niya ay nakatukod sa wall. He's protecting me from the crowds. Inihawak ko rin ang kamay ko sa baywang niya saka ningitian ko siya.

Natawa ako kasi nagawa niya pang magnakaw ng halik sa akin. Habang naghihintay kami na marating namin ang top floor. Unti-unti ring nababawasan ang mga tao hanggang sa kami na lang ulit ang natira.

At sa wakas! Narating na rin namin ang top floor. Magkahawak kamay kaming lumabas hanggang sa marating namin ang isang pinto. Tumigil kami sa tapat nito. Tumungo ako sa kaniyang harapan.

"We're here," ani ko,

"Call me if something happen." saad niya,

I nodded.

"And you don't have to worry about our little princess. Ako na magsusundo sa kaniya. Just enjoy your staying here." dagdag niya pa.

"Noted," tugon ko.

Hinalikan niya ang aking noo na ikinangiti ko.

"Go inside first," utos niya.

Humarap ako sa pinto. Pinagbuksan ako ng pinto ng dalawang guard na nagbabantay. Muli akong lumingon kay Noryan. Nakangiting kinawayan niya ako. Muli akong humarap sa papasukin ko pero tumigil din kaagad ako. Pagkatapos ay mabilis akong tumakbo pabalik sa kaniya at hinalikan siya sa labi sabay takbo papasok sa loob.

Paglingon ko ulit sa pinto ay nakasara na ito kaya hindi ko na siya ulit nakita pa. Bumaling ako sa mga taong narito. Ang sabi sa akin ni Narlyn isang simpleng Tea Party lang ito pero bakit ang daming mga narito?

Speaking of witch!

Nasaan ba ang babaeng 'yon?

"Sister-in-law," Isang boses ang siyang tumawag sa akin at walang iba kun'di si Narlyn.

Malakas iyong pagkakatawag niya sa akin kaya halos lahat ay napabaling sa aking kinaroroonan.

"Kailangan talaga isigaw ang pagtawag sa akin?" ani ko,

Humagikhik lang siya ng tawa.

"Where's Kuya?" tanong niya pagkahatak niya sa akin saka pinaupo niya ako with a circle of her friends.

"Umalis na siya," simpleng tugon.

"Ow! Hinatid ka lang dito?" dagdag niya pang tanong.

"Yeah," casual na sagot ko.

Ramdam ko ang mga tingin sa akin ng mga narito sa table na pinuntahan namin.

"New?" tanong ng isa sa kanila.

"Married or single?" segunda naman ng isa pa.

"Yup! She's new here." Si Narlyn ang siyang sumagot sa kanilang tanong.

Nagulat ako ng biglang itinaas ni Narlyn ang kamay kong mayr'ong singsing saka pinakita sa kanila.

"And she's my sister-in-law, so don't dare bully her." banta ni Narlyn sa kanila.

Tiningnan ko si Narlyn. Kinindatan niya lang ako saka nginitian ang mga narito.

Ngayon lang kasi ako pumunta rito. Actually, ang Tea Party na ito ay kagagawan nitong katabi ko. Nagiging iba siya tuwing day off niya. Mapagkakamalan mong hindi siya isang doktor. Mga kababaihan lang ang mga narito, single man o may asawa na ay puwede rito.

Kaya lang ang mga narito ay hindi lang simpleng babae lang. Mga mayayaman silang lahat. Mayr'ong mga malalaking status sa buhay, kaya hindi talaga ako pumupunta rito. Ngayon lang ako natangay ni Narlyn. Hindi ba naman ako tinigilan kagabi. Kung hindi ako pumayag ay hindi niya ako patutulugin.

"You can do whatever you want. Maglilibot lang ako," saad niya sabay tayo.

"Let's go girls. Let's have some fun today." aya niya sa mga kasama namin sa table.

Lahat sila tumayo at sumunod kay Narlyn. Naiiling na sinundan ko sila ng tingin. Ang purpose ng party na ito ay para maka-chismis sa mga kaganapan ng bawat babaeng narito.

Ewan ko ba sa kaniya. Sa dami-raming puwede niyang maging hobby. Ang pagiging chismosa pa ang napili niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Panay lang ang tingin ko sa paligid ko. Sa paglilibot ko ay mayr'on akong napansin na isang babae. Inilibot ko muli ang tingin ko sa paligid tapos muling tumigil sa kaniya.

Napansin ko kasing katulad ko ay nag-iisa lang din siya sa table. Bakas sa mukha niya ang pagiging malungkot niya. Ang lahat ng narito ay masaya ang kanilang mga mukha pero siya hindi.

"She's Torrie," Napalingon ako sa biglang nagsalita sa tabi ko.

Bumalik si Narlyn saka nilapag niya ang dala niyang pagkain sa harap ko. Tiningnan ko ang nilapag niya.

"Don't worry, it's safe. Kuya personally made them for you. He's worried that you might not touch any food here." she explained.

Kaagad ginalaw ko ang pagkain at kumain kaagad ako pero bumalik kaagad ang tingin ko sa babae.

"What's with her?" I asked.

"Her child died after she gives birth to it." sagot ni Narlyn.

"And until now, she's still can't move on from it." Narlyn's added.

"That's not only her issue," Bumaling ako ng tingin sa kaniya.

"She and her husband got divorced." sagot niya sa kyuryusity ko.

"Why? Because of the baby?" I asked.

Umiling siya, "Mistress," pagtatama niya.

Napatango-tango na lang ako ng makuha ko ang kaniyang ibig sabihin. Her husband cheated on her. Hindi na rin naman ito bago sa lipunan.

Muli ko siyang tiningnan, mas masakit pa rin ang mamatayan ng anak kaysa ang makipag-divorce sa asawa.

"And speaking of mistress," singit ng bagong dating ng isang babae na ikinabaling ng tingin ko sa kaniya.

"Did you invite her, Narlyn?" segunda naman ng isa pa na kakaupo lang.

"Of course not," mabilis na tugon ni Narlyn.

"Hay naku! The mistress of the country is here," naiirita naman na saad ng isa pang babae na kararating lang din.

Sila iyong mga kasama ko kanina. Mga bumalik na rin sila. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila.

"Pardon, but who is that person you are talking about?" pagkuha ko ng atensiyon sa kanila.

May itinuro ang babaeng nasa tapat ko. Sinundan ko ang kaniyang tinuturo.

"That's her. Her name is Alerya Huntsman-Ellison. The famous mistress of the country." sambit niya,

Wow! She has a title. A mistress of the country. Nice!

"Stay away from her." banta sa akin ng katabi ng babaeng itinuturo si Alerya.

"Don't ever be friend with her." dagdag pa ng katabi nito.

"Why?" I asked.

"Dahil hindi pagiging kaibigan sa'yo ang target niya kun'di ang iyong asawa. Bait-baitan sa harap mo pero kapag nakatalikod ka na sa kaniya. Nilalandi na pala niya ang asawa mo. Next thing you knew, nakikipag-divorce na sa'yo ang asawa mo." mahabang sagot niya.

Tiningnan ko ang bawat isa sa kanila.

"Don't tell me," Hindi ko tinuloy ang aking sasabihin.

"Exactly! Lahat kami biktima niya. Kaya kung ayaw mong maranasan mo ang nangyari sa amin. Ngayon pa lang, iwasan mo na siya." pagsang-ayon ng katabi ni Narlyn.

"Hi, my friends!" Isang malakas na boses ang siyang papalapit sa amin.

"There she is," nauuyam ng katapat kong wika sabay kuha at inom ng wine na nasa gilid ng plate niya.

Umupo sa vacant seat si Alerya. Tiningnan niya ang bawat isa sa amin.

"Hey! Why so mean to me? Why didn't you invite me here? We are friends, right? Buti na lang may kakilala akong niyaya ako rito kaya napasama ako." saad niya na tila nagtatampo pa.

"We don't invite you here, because you don't belong here." walang emeng sagot ng isa sa amin.

"Oooo!" Rinig kong react ni Narlyn.

"Anya, are you still mad at me? I told you, it's not my fault that your husband likes me. Oppss! Sorry, it's ex-husband now." wika ni Alerya.

Paggalaw ng kaniyang ulo ay saktong ako ang nakita niya. Pekeng gulat ang binigay niya expression ng kaniyang mukha.

"Oh my! You're here too." hindi makapaniwalang saad niya.

"Here we go," Rinig kong muli ni Narlyn na pasimple pang bumulong sa akin.

"Your here, my sister." Napabaling ng tingin sa akin ang mga babaeng kasama namin.

Nginitian ko siya, "Excuse me, I am not your sister." tugon ko,

"And pardon, do I know you?" nakangising dagdag ko, mukhang nabigla at nagulat siya sa sinabi ko.

TheKnightQueen 🍀

Continue Reading

You'll Also Like

31.8K 132 14
(COMPLETED) (UNDER REVISION) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it...
25.8K 330 41
Akisha Cruz set in an arranged marriage due to their company, but she never thought that the man she's going marry is her long time crush. Even thoug...
2.1M 29.8K 53
(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. 掳掳掳掳掳 "Suddenly, I felt the si...
4.5K 50 14
"For richer, for poorer, in sickness and health, till death do us part. Please wear this ring and promise me that you will not remove this because th...