KHARL
It's already evening and we are all here sa dalampasigan at kumakain ng dinner habang may bonfire sa gitna namin. Naka-form kami ng circle sa paligid at sobrang ingay nila.
I can say that the first day was successful. Sobrang nag-enjoy sila sa first activity namin. Kahit kami ng mga 2nd year student council ay nag-enjoy rin sa paglalaro.
I wonder if the other members of the student council who's not here are also enjoying. 'Yung iba kasi ay third year at fourth year na at wala sila dito, nasa kanilang activity rin sila that was held at other places.
Nilibot ko ang tingin ko at napangiti ako. This is the last event that I'll be handling bago ako ma re-elect or 'di na manalo. And if hindi ako manalo this time, at least I've served the students and made my alma mater proud.
Kami lang ata sa school na 'to ang nag-eelection ng ganitong date. Most schools kasi, 'yung election nila ay malapit na magtapos ang academic year, sa amin naman 2 months after mag-start ng academic year. That's the Constitution and By-laws of the ELECOM eh so might as well follow that.
Anyway, kasama ko sa aking gilid ang mga ka-roommates ko. Wala kaming napanalunan kahit ni isang game kanina kasi obviously, kulang kami ng isa. Hindi talaga dumating si introvert, kahit ngayon ay wala siya rito.
He looks bothered kanina. That's the first time I've seen him in that expression. Parang may hinahanap siya kanina sa mini library but he can't find it. I even offered to help him para mapadali 'yung paghahanap pero parang wala naman siyang pake sa mga sinasabi ko.
Speaking of the mini library, I'm glad na nandun pa rin pala 'yung children's book na dinonate namin nina mama at papa noon. And when I say mama at papa, what I mean is my real mom and dad.
Luma na siya since napakatagal na 'nun but the fact that it is still there makes me smile already. It only means na naalagaan iyon nang mabuti rito.
"I wonder kung saan nagpunta si Jesh," Stephanie said.
"Baka nasa room natin," I said.
"Wala eh. Kakagaling ko lang doon pero wala naman siya roon."
"Baka may pinuntahan lang," sagot ko.
O baka nga siguro kasama na naman 'yung boyfriend niya eh.
"Siguro nga. Anyway, magkaaway ba kayong dalawa ni Jesh? Sabi niya kasi kanina na ayaw niyang pumatol sa pangit tapos nagalit ka," tanong niya.
'Di ako nagsalita. Baka kasi kapag sinabi ko 'yung kasamaan ng ugali 'nun tapos ipagsasabi lang rin naman niya kay introvert, edi nakatikim na naman ako ng suntok.
Ang sakit pa naman manuntok 'nun, bwiset! Hindi halata sa pangangatawan niya.
But I already said sorry naman kanina and I mean it. I just realized na may kasalananan rin naman ako.
"So, magkaaway kayo?" inulit niya pa.
"Hindi."
"Ah. Para kasing magkaaway kayong dalawa. Anyway, I hope na okay lang si Jesh. Kumain na kaya 'yun?"
"Kumain na siguro 'yun," sabat ko.
Dumating 'yung 10 PM at required na kaming bumalik sa aming room. Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa loob ng hotel kasama ng mga roommates namin.
Habang naglalakad sa lobby, napansin kong may mga pulis doon at parang may iniimbestigahan sila. Kausap rin nila 'yung mga staffs. 'Di ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nang makarating kami sa room namin, wala pa rin si introvert doon.
"Saan kaya nagpunta si Jesh? 10 na kaya. Kanina pang hapon natin siya last nakita," sabi ni Brien.
"Sino ba may number ni Jesh? Tawagan niyo kaya? Or i-chat niyo nalang kung mutual niyo siya from any of your social media accounts," suggestion ni Eloisa.
"I don't think may Facebook siya or Instagram. I searched for him once pero mga poser accounts lang naman ang nandun. Sikat pala si Jesh, ano? Ang daming poser, hahahaha," sabi ni Liam.
"Hintayin nalang natin. Babalik din iyon."
Pumasok na sila sa loob ng room. Papasok na rin sana ako nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko.
1 message received.
From: Anne
Kharl, bumaba ka rito ngayon din sa lobby.
Ewan pero bigla akong kinabahan sa natanggap ko na message galing kay Anne.
Dali-dali akong sumakay ng elevator at nang makababa ako sa ground floor, kaagad kong nakita si Anne na nakatayo habang kausap 'yung mga staffs.
Kaagad naman akong lumapit sa kanila.
"Magandang gabi po," bati ko sa pulis na kausap ni Anne.
"Anong meron?" taka kong tanong kay Anne.
"Sir, ikaw po ba ang President at nagmamanage sa mga activity ninyo?" tanong nung pulis sa akin.
"Y-yes, po."
"Did you know that one of the student na kasama niyo ay nawawala?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"P-po? Sino po?"
"Si Mr. de Mevius po, sir."
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
Bigla akong nanghina sa narinig ko. Sobrang lakas rin ng kabog ng dibdib ko. 'Di ko alam kung anong sasabihin.
Ba't nawawala si introvert? I thought magkasama sila ng Danier na 'yun? At tsaka kausap ko pa 'yun kanina ah? Saan naman 'yun nagpunta?
"May nakalap kaming CCTV footage sir and I think you should see this."
Sumunod naman ako sa kanya at tiningnan ang CCTV footage na nakaplay sa screen ng computer.
Tiningnan ko ang time, 5:14 ng hapon. Footage iyon sa likod ng resort kung saan kita na ang kagubatan.
There's a dense forest sa likod ng resort and you might get lost in there easily if you're not familiar with the routes.
5:15, 1 minute passed by, nanlaki ang mga mata ko nang makita si introvert na mag-iisang naglalakad papunta roon. Tapos may dala-dala siya sa kanang kamay niya. Are those children's books?
Kaagad din nag-end 'yung video.
"Pumasok siya sa masukal na gubat at 5:15 PM, sir. We got notified by Mr. Maulive around 6 PM. It seems like he has been gone for almost 5 hours now. We searched and searched inside the forest yet we still couldn't find him."
Kanina pa pala nawawala si introvert? At hindi sila magkasama ng lalaking iyon?!
"Kharl, anong problema?"
Napalingon ako sa likod at nakita ko ang mga kasamahan ko sa student council.
"Nawawala si Yeshua," sabi ni Anne
"What?!" gulat na sigaw ni Fenrir.
"Hinaan mo muna 'yang boses mo. We don't want to make a scene here. Much better if we all keep this as a secret muna until mahanap natin siya because that will might affect our activities here," sabi ni Anne.
"Sir, kaya ka po namin pinapatawag rito kasi merong nakapagsasabi na ikaw raw ang huling kausap ni Mr. de Mevius sa mini library before siya pumunta roon sa gubat."
"K-kausap ko po siya mga around 3 po."
"Wala ba siyang sinabi sayo sir na kahit ano na pwedeng makakatulong sa imbestigasyon natin?"
"Wala po eh. But I remembered he looked really bothered po kanina. Parang may gumugulo sa isipan niya. Hindi rin siya nag-join sa mga activities namin because he's busy browsing the books at the mini library. Parang may hinahanap siya roon."
"'Yun lang po ba?"
"'Yun lang po, sir. "
"Noted, sir. Makakabalik ka na po sa room niyo. Pasenya na po sa abala."
"Can I stay here, sir? Gusto ko pong tumulong sa paghahanap."
"Sige po."
Hindi ako babalik hangga't hindi pa nahahanap si introvert! We need to find him at baka napano na 'yun!
"Do you have any informations or leads that could help us para mahanap siya?" tanong ko.
"Unfortunately, none sir. Sobrang dilim na rin kasi sa loob ng gubat kaya 'di namin siya mahanap. Bukas pa namin ipagpapatuloy ang paghahanap. But, we are still waiting for the other CCTV footages around the city, sir. As we all know, connected po 'yung forest part ng resort sa city proper, or he might stumbled upon sa dating campus na nasunog way back 2011."
"What if nandoon siya?"
"That is a restricted place po, sir. Besides, 'di naman po basta-bastang makakapasok ang mga tao roon kasi sobrang taas ng harang ang nakapalibot. We're guessing na dinaanan niya lang iyon at dumeretso mismo sa main part ng city proper."
"May nasunog na campus dito noon?" bulong ni Fenrir sa'kin.
Tumango ako. "'Yung dati kong school nung bata pa ako. Doon rin namatay 'yung parents ko."
"Oh! I'm sorry for asking, Pres."
"No, it's okay. Matagal naman na 'yun."
Nilingon ko ang mga kasamahan ko.
"Guys, magpahinga na kayo. Ako na bahala rito. I might not be able to attend the activities tomorrow if hindi pa rin siya nahahanap. Kayo na muna ang magpatuloy ha? Just keep this as a secret to everybody at baka masira ang activity natin."
"I'll handle it, Kharl," sabi ni Anne.
"Thank you. You'll be in charge muna until mahanap namin siya."
"Sige. Just ask me if you need help, okay?"
Tumango naman ako.
Umalis na silang lahat at ako naman ay naiwan sa lobby.
Pinanuod lang namin ang ibang CCTV footages doon hanggang sa bigla nalang pumasok si Danier na sobrang hingal na hingal.
Kaagad akong napatayo at kaagad siyang nilapitan.
"Did you find him?" tanong ko sa kanya.
Instead na sagutin ako, nilampasan niya lang ako.
Anak ng?! Sa inis ko ay hinawakan ko ang likod ng kwelyo niya at pinaharap siya sa'kin.
"Sir, 'wag kayong mag-away rito," awat sa amin nung guard ng hotel.
"Dude, get your hands off me!"
"Jowa ka niya diba? Bakit hinayaan mo siyang mag-isa, ha?! Nasaan siya ngayon?!"
"I'm looking for him, okay?! Don't you dare raise your voice at me at baka hindi ako makapagpigil at masuntok kita!"
Binitawan ko naman siya at kinalma ang sarili.
After mga ilang minuto lang, may pumasok na dalawang pulis at kaagad na lumapit kay Dan.
"Any updates?" tanong ni Dan doon sa dalawang pulis.
"Sir, na hanap po namin itong dalawang children's book malapit sa nasunog na campus."
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
The fuck?! Akin 'yang isa ah?!
"Akin 'yan ah?" sabi ko.
"Ikaw po ba si Kharl Jakito Kobayashi Fujimoto?" tanong 'nung unang pulis.
"Yes po. 'Yan po 'yung apelyido ko noon before ako inampon ng kasalukuyan ko pong nanay at tatay."
"Nakita namin 'to sa harap ng nasunog na campus dati. Doon ka ba nag-aaral?"
Tumango ako.
Kinuha ko 'yung children's book ko at tiningnan iyon. Akin nga 'to. Nasa mini library lang naman 'to ah? Paano napunta doon? Ito ba 'yung dinala ni introvert doon?
"So magkaparehas kayo ng pinapasukan ni Mr. de Mevius noon?" tanong nung pangalawang pulis.
Kaagad na kumunot ang noo ko.
"P-po?"
Pinakita niya sa'kin ang isa pang children's book na hawak-hawak niya.
Kinuha ko naman iyon at binuksan.
Name: Yeshua Fernandez de Mevius
Age: 4
School: Académie Royale de Davao
Father: Richard Alvarez de Mevius
Mother: Sienna Fernandez de Mevius
DONATED IN 2010 BY MRS. DE MEVIUS AND HER SON YESHUA.
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
"H-hindi ko po alam na parehas pala kami ng pinapasukan noon."
"Kilala niyo po ba si Mr. de Mevius noon pa?"
Umiling ako.
But I find the name Jesh familiar so maybe that's the reason.
"Sir, galing po ito sa mini library namin. If napunta ito roon, that means nakarating si Mr. de Mevius sa nasunog na campus," sabi nung guard ng hotel.
"Yes, sir. Kaso naiwan lang ito sa harap ng malaking pader na nagsisilbing harang sa campus na iyon. There's a big possibility na pumasok siya roon kahit ipinagbabawal."
Ano naman ang gagawin niya roon?
"Puntahan kaya natin siya roon?" sabi ko naman.
"Kaso sir, paano naman siya makakapasok roon eh sobrang taas ng harang? Tapos abandonado naman na iyon, diba?" sabi ni Dan.
"'Yan rin ang iniisip ko. Kung nandoon siya sa loob, paano naman siya nakapasok? Wala namang daanan papasok," sabi nung pulis.
"Puntahan nalang kaya natin? Maghanap nalang tayo ng pwedeng madaanan papasok. Baka nandoon nga siya," sabi ko naman.
"Sir, sobrang delekado roon. Maaaring mag-collapse 'yung mga building doon anytime. Wala ring ilaw kaya mahihirapan talaga tayo."
"Eh ano naman, ha?! Hahayaan nalang ba natin siya?!" maiyak-iyak na tanong ko.
Hindi pwedeng may mangyaring masama kay introvert! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag magkataon.
"Sir, ipagpapabukas nalang---"
"No!" sigaw ko at kaagad na tumakbo papalabas ng hotel.
Damn it! Kailangan ko siyang mahanap ngayong gabi or else, hindi mapapalagay ang sarili ko.
"Sir, teka lang!" sigaw nung mga pulis habang nakasunod sa'kin. Pati ang mga staffs, ang guard, at si Dan ay nakasunod na rin sa'kin sa pagtakbo.
Dapat naming hanapin si introvert ngayon din. Hindi natutulog 'yung oras. Anytime, may mangyayaring masama sa kanya, panghabangbuhay ko talaga 'tong pagsisisihan.
Shit! Sobrang dilim!
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at 'yun ang ginamit kong ilaw. Lakad-takbo ang ginawa ko papasok ng gubat.
"You like him, don't you?"
Napalingon ako sa gilid ko and it was Dan. May dala-dala siyang flashlight na nagsisilbing ilaw niya.
"'Di ako napatol sa may jowa. And I'm also the President, so I'll be the one held accountable if anything happens to him," sagot ko.
Natawa naman siya.
"You really think na jowa ko si Jesh?"
"Bakit, hindi ba?"
Ngumiti lang siya.
"Nagawa mo pang ngumiti eh nawawala nga 'yung jowa mo diba?"
"He's smart and he's strong. I'm sure he's safe kung nasaan man siya ngayon. We just have to find him."
"'Di ka man lang nag-aalala?"
"Dude, I've been searching for him kanina pa. You think I'll search for him this long if hindi ako nag-aalala?"
Yeah, he has a point.
"This is the abandoned campus, sir," sabi nung isang pulis.
Inilawan ko iyon gamit ang flashlight ng cellphone ko at tanging malaking pader lang ang nakikita ko na nagsisilbing harang.
Ngayon nalang ulit ako nakabalik rito.
"Search around the wall. Baka may makita tayong daanan papasok," sabi ko.
Sumunod naman silang lahat.
"Sir, saan niyo po nahanap ang mga libro?" tanong ko roon sa isang pulis.
"Diyan po sir, sa harap mismo."
Inilawan ko iyon ngunit wala namang daanan papasok.
I'm thinking na iniwan niya 'yung libro sa lupa at pumasok sa loob. But that might not be the case at all.
"Bullet! Shit!"
Napalingon ako kay Dan nang sabihin niya iyon.
Nakita kong may iniilawan siya sa lupa.
Isa iyong bala! What the hell is that supposed to mean?!
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
"Wala 'to kanina rito ah? And it's still hot."
Wait what?!
Kaagad na lumapit ang pulis roon at in-examine ang bala.
"This is a bullet from a pistol, sir. Based sa init nito, probably, the gun was fired just seconds ago."
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
Holy shit! Why didn't we hear a gunshot, then?!
"This is a .357 SIG, a bullet from SIG Saucer P226 Tactical equipped with a suppressor. Was Jesh abducted?" sabi ni Dan.
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
*dugdug! *dugdug!
Biglang nanghina ang tuhod ko. Wala akong ibang marinig kundi ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Quick! 'Di pa sila nakakalayo!" sigaw ko.
To be continued...