Chapter 9
"Anong balak ng kapatid mo na kuning kurso sa college?" tanong ko kay Jaja.
Nandito kami sa labas ng bahay nila, sa madilim at maliit na hardin ng lola niya. Dahil gabi na, ang nagsisilbing liwanag na lang namin ay ang buwan at ang streetlight sa tapat ng gate nila. Nakaupo ako sa kahoy na upuan samantalang si Jaja, nakaupo sa malaking bato na nasa tapat ko lang.
Umangat ang tingin niya sa akin. "Sabi niya no'ng junior high school siya, engineering daw. Agricultural Biosystems din, kagaya ko. Pero ngayong senior high na siya, na-impress lang siya sa kwento ni Stefano, biglang nursing na ang gusto. Hindi ko alam sa taong 'yon, pabago-bago ng desisyon." Tumawa siya.
"Gano'n talaga," sambit ko. "Makakapag-decide din 'yan ng totoong gusto niya."
"Paano kapag hindi?"
"Oh, anong kinatatakot mo? Baka hindi mag-college?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Umiling siya sa akin. "May gusto naman siya, kaso nga hindi permanente. Baka pagtungtong ng kolehiyo, magpalipat-lipat bigla ng kurso..." nag-aalala niyang saad.
I let out a chuckle to reassure him and remind him not to take things too seriously.
"Ano naman kung gano'n? Kung doon niya makikilala ang sarili niya at kung ano talagang gusto niya?"
"Hindi ba siya mahihirapan do'n?"
I shrugged. "Hindi ko alam... Baka, siguro. Matatagalan pa siyang maka-graduate, pero 'di ba ang mahalaga naman, nagpapatuloy siya? And what matters is that he's making an effort to figure out what he truly wants."
Tumango siya. "Oo nga, pero kung may magagawa naman kami una pa lang para maiwasan niyang mahirapan, bakit hindi, 'di ba? Hindi naman ako nagkulang sa pagbibigay ng advice sa kaniya ngayon pa lang."
Napatango rin ako. Tama rin naman siya. Ramdam ko kung paano siya nag-iigat na hindi ma-pressure si Arjo, 'yong nakababata niyang kapatid.
"May girlfriend na ba 'yan?" I asked out of the blue.
"Ha?" Tinignan niya ako, halatang gulat sa tanong ko. "Sino? Si Arjo?"
"Oo."
"Gago. Wala pa."
Mas lumawak ang ngiti ko. "Bakit wala? Pinagbabawalan mo?"
He grimaced before shaking his head. "Hindi ah. Hindi naman na siya bata para pagbawalan ko pa. Hindi ko alam kung bakit wala pang pinapakilala sa'min..."
"Baka nahihiya?"
Muli siyang umiling. "Kanino naman? Sa amin? Malabo. Sobrang open namin sa isa't isa."
"Eh ikaw?"
Tinignan niya ako. "Hmm?"
"'Di ka pa nagpakilala sa kanila ng kahit na sino?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Ipapakilala nga sana kita ngayon."
"Ano?"
My heart hammered because of his answer. Hindi ko alam kung nagkakaintindihan ba kaming dalawa sa pinag-uusapan namin o hindi. Tangina niya talaga.
"Ibig k-kong sabihin, kasintahan, g-gano'n!" agad na agap ko, nauutal pa dahil sa kaba.
"Ah..." He chuckled. "Akala ko kahit sino eh..."
"Tangina mo," kalmado kong sabi at iniwas ang tingin, pilit na kinakalma ang sarili.
Sabi ko na nga ba, hindi kami nagkakaintindihan. Kinakabahan talaga ako sa mga sagot niya. Ang sarap niyang suntukin minsan dahil sa pagiging lutang niya.
"Wala pa," he answered after a moment. "Hindi dahil sa hindi pa ako ready o hindi ko priority. Wala pa talaga."
I smirked. Single and ready to mingle ka na pala.
"Hindi pa dumadating?" tukso ko.
Tumingin siya sa akin. Natigilan siya ng ilang segundo pero maya-maya ay umiling din siya.
"Bakit ba interesadong interesado ka sa love life ko?" tanong niya sa akin.
Umiwas ako ng tingin at nagkibit-balikat sa kaniya.
"Curious lang ako," saad ko naman. "Mukha kasing hindi ka marunong magka-shota."
He scoffed at my remarks before letting out a chuckle.
"Ikaw, bakit wala kang girlfriend?" he asked back.
Napaisip ako. Yeah, damn. Ilang beses na akong nangialam sa kaniya, pero sarili ko mismo, hindi ko mapakialaman.
"Hindi ko alam."
"Hindi ka marunong?"
"I've never been in a serious relationship before," I answered in all honesty.
"Talaga?" he asked, his expression was filled with amusement. Parang gagamitin niya ang impormasyong iyon para asarin at gantihan ako. "Ano bang type mo?"
Muli akong hindi nakasagot. Tangina, pati type ko sa babae, hindi ko rin alam eh. Kailangan ba no'n? 'Di ba dapat kung kanino mo biglang naramdaman 'yong hudyat ng pagmamahal, 'yon na?
And in that moment, it hit me—that I'm actually not against homosexuality... or homo relationships. I mean, given that I have this belief that you should love whoever you feel that spark with, wouldn't it be contradictory for me to be homophobic? Because my belief doesn't just apply to heterosexuality.
"Ang tagal mong mag-isip," inip na utas ni Jaja. "Sobrang dami ba?"
I shook my head. "I'm thinking of nothing."
"Sus. Imposibleng wala kang type sa babae," pang-aasar niya.
"I don't have a type. I'll love whoever ignites that spark in me," I replied without hesitation.
Kumunot ang noo niya sa akin nang sulyapan niya ako. He was puzzled by my answer.
"Whoever, Jaja," I clarified.
Habang binabanggit ko 'yon ay malakas na kumakabog ang puso ko.
Did I just subtly admit to myself that I'm not limiting myself to loving women only? That I might be bisexual? Or am I just open to it?
Ah, putangina. I've never felt this way before. Kahit noong nasa Manila ako, hindi ako ganito.
It's not that I don't want to be bisexual... Kinakabahan lang ako kasi kung totoo nga, parang nabibigyan ko na rin ng rason kung bakit ako ganito tuwing nasa paligid si Jaja.
Putangina talaga! That... that is something I couldn't admit. 'Yong kay Jaja.
This is why I sometimes hate overthinking. Kung ano-ano ang nakukumpirma ko sa sarili ko.
"You seem nervous," he snapped. Bumalik ang atensyon ko sa kaniya. "I get your point."
Ako naman ang naguluhan.
"Hindi mo masabi nang maayos pero... naiintindihan ko. At alam ko kung anong gusto mong sabihin."
Tangina! Hindi ko nga maamin-amin sa sarili ko, tapos siya, naiintindihan niya?! Ganyan na ba siya kagaling?
"I'm just telling you how I feel," saad ko. "not what I feel. Naguguluhan pa ako."
"Oo nga. Gano'n talaga. May mali ba roon?"
"Hindi ko alam. May mali ba?" tanong ko pabalik.
"It's perfectly fine. You are free to love whoever you want to love, as long as you're not doing anything wrong."
Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Jaja. Para bang may gumaan sa dibdib ko. I don't know if it's because he understood me or because I needed someone to tell me that it's okay.
Tumango ako. "Salamat."
Bigla na lang kaming natahimik. Ilang segundo lang 'yon, pero parang ang tagal, at parang ang bigat. Hindi ko tuloy alam kung tama bang sa ganito napunta ang usapan namin. Mananahimik na lang ako.
"Ikaw ba?" tanong ko. "Na-confuse ka na ba sa sarili mo?"
Tangina. Kasasabi ko lang na mananahimik ako! Pero kasi hindi ko naman matiis na tahimik kaming dalawa dahil parang may kahulugan talaga 'yong katahimikan namin.
Napangiti siya, pero hindi 'yong nang-aasar o mapang-insulto. 'Yong parang... may inaalala.
"Siguro oo. Hindi ko rin alam noon. Alam mo 'yon? 'Yong nararamdaman mo na, pero hindi mo alam kung bakit. Tapos nakakabigla kasi ang bilis, hindi ko inaasahan."
Napako ang tingin ko sa kaniya. 'Yong mga salita niya ay parang salamin ng iniisip ko.
"Kailan mo nalaman?" tanong ko.
"Walang eksaktong araw, bigla na lang... hindi ko na kailangang tanungin 'yong sarili ko kung tama ba 'yong nararamdaman ko. Tinanggap ko na lang."
Napalunok ako at iniwasang paghimay-himayin ang sinabi niya. Ayoko nang isipin nang mabuti dahil kung ano-ano na naman ang nakukumpirma ko kapag masyado pa akong nag-isip.
"I wish it was that easy," bulong ko.
"Hindi naman siya madali," sagot niya. "Pero mas mahirap 'pag nilalabanan mo."
Napayuko ako. Ilang beses ko na bang sinubukang labanan ang nararamdaman ko? Tama siya. Ang hirap kapag nilalabanan. Pero tangina, mas mahirap kapag hinayaan ko lang.
Hindi ko alam kung paano ko nairaos ang gabing 'yon kasama si Jaja. Lahat ng mga bagay na pilit dumadapo sa isipan ko, pilit ko ring pinapagpag paalis. Ayoko nang may iniisip at lalong ayokong may bumabagabag sa akin tuwing gabi.
That was just a casual talk, Julian. Damn it. Not everything has to mean something, okay? Stop reading too much into it. Masyado na akong nerbyoso at malisyoso.
Sa sobrang gulo ng utak ko kinaumagahan, pati ang pangungulit ni Tita sa akin ay hindi ko nakayanan.
"Julian, sige na, tulungan mo na lang ako rito," patuloy na pangungulit niya.
Nakabihis na ako at handa nang pumasok sa bukid, pero gusto niyang tulungan ko siya sa paglalaba... at hindi ko alam kung bakit. Ako naman ang naglalaba ng sarili kong damit. Ni minsan ay hindi ako nagpatulong sa kaniya.
Pilit ko na lang iniisip na baka gusto niya lang akong makasama, mas makasundo pa, at makipagkwentuhan lang. Kaso 'yon na nga, hindi ako interesado.
"Tita, gusto ko pong magtrabaho sa bukid ngayon. Sorry."
"Eh, anak, halos araw-araw ka nang nagtatrabaho roon ah? Tulungan mo naman ako rito, wala kasi ang tito mo."
Inis akong bumaling sa kaniya. "Hindi ko naman po kasalanan na palaging wala si Tito Owen dito. Isa pa, pumunta ako rito sa Isabela para magtrabaho sa bukid ninyo, hindi para mamalagi na lang dito sa bahay at maging anak-anakan niyo. Lalo nang hindi para maging katulong niyo."
Napahinto siya sa sinabi ko at halata ko ang pagdaan ng gulat at lungkot sa mga mata niya pero inalis ko ang lahat ng iyon sa isipan ko.
"Hindi ko babawiin ang mga sinabi ko, kaya gaya ng ginagawa ninyo, isumbong niyo na lahat 'to sa tatay ko. Mauuna na po ako."
Tumalikod na ako at umalis ng bahay.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin lahat 'yon. Kung pwede nga lang sana ay hindi na nila ako patuluyin sa bahay nila dahil hindi ko naman 'yon hiniling.
Tangina, akala ko nga ay hahayaan ako ng tatay ko na maghanap ng matutuluyan ko at pakainin ang sarili ko habang nandito ako. Ano bang gusto nila? Tanawin kong utang na loob lahat? Para sa huli, kapag may nagawa akong mali, may isusumbat sila sa akin?
Pagdating ko sa bukid, wala akong sinayang na oras. Nagtrabaho ako nang mabuti.
Late ko na ngang napansin na wala pala si Jaja. Pinagtanong ko siya sa iba at sinabi nilang hindi raw siya pumasok. Hindi ko 'yon pinansin hanggang sa matapos ang isang buong araw.
Habang nagpapahinga ako at pinapanood silang mag-uwian isa-isa, nakaramdam ako ng matinding pagod. Kasabay na no'n ang biglang paghahanap ng sistema ko kay Jaja.
Napabuntong-hininga ako habang umiinom ng tubig. Kapag talaga distracted ako o busy, hindi ko naman siya naaalala. Kapag wala na akong ginagawa, doon ko siya hinahanap-hanap.
Julian:
bat wala ka
I texted him that multiple times. Sunod-sunod. Pero wala akong natanggap na reply. Hindi ko alam kung busy ba siya, kung may nangyari sa kaniya, o wala lang talaga siyang load.
Hapon na, pero dahil hindi ako mapakali kakaisip kay Jaja, imbes na magpahinga ay naligo ako agad at nagpasyang pumunta sa bahay nila.
Nag-arkila ako ulit ng tricycle papuntang Santiago. Sa sobrang mahal ng bayad, muntik pa akong kapusin. One-fifty pesos lang kasi ang dinala ko. Siguro magmamakaawa na lang ako kay Jaja mamaya na ihatid ako pauwi.
Kung ayaw niya, maglalakad na lang ako. Sakto pagdating ko rito sa San Isidro, madaling araw na.
Nang makababa ako sa tapat ng bahay nila, nakahinga ako nang maluwag nang makita ang motor niyang nakaparada sa labas. Tumayo lang ako sa gate nila at walang lakas ng loob na kumatok. Sa sobrang hiya ko ay nag-text na lang ako sa kaniya.
Julian:
nasa labas ako.
Wala pa yatang limang minuto bago ko siya ma-text, nakita ko na siyang humahangos palapit sa gate. Napangiti ako pero agad ding napawi 'yon sa labi ko nang makita ang inis niyang ekspresyon.
"Bakit ka nandito?" marahas na tanong niya nang buksan niya ang gate.
"Hindi ka pumasok. Hindi ka pa nagre-reply sa akin," I answered.
"So that's why you came all the way here? Just to check on me?" inis pa rin niyang tanong.
Sasabihin ko ba ang totoo o magpapalusot ako na gusto ko lang makahingi ng bulaklak ng lola niya? Mukha siyang galit eh. Baka kapag sinabi ko ang totoo, sabihan niya akong parang tanga dahil sa babaw ng rason ko.
"Ano?" inip niyang pagmamadali sa sagot ko.
"Oo," mahinang sagot ko. I scratched my nape and looked away, feeling shy.
Bakit nga ba ako pumunta pa rito? Gumastos ako ng mahal para sa pamasahe at nagsayang ng halos trenta minutong byahe para lang tignan siya? Kung pwede namang hintayin ko na lang ang reply niya?
In the first place, hindi naman ako dapat ganito mag-alala.
"Bakit?" Kumalma ang tono ng boses niya kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumingin sa kaniya.
"Just..." I paused for a moment, trying to find a way to say it without sounding too cringe.
"Just what?" pagmamadali na naman niya.
Tangina naman. Pwede bang sandali lang?!
"Were you worried?" tanong niya.
I bit the inside of my cheek before slowly nodding, my eyes never leaving his face. I needed to see his reaction clearly.
"Bakit, Julian?" tanong niyang muli.
"Kailangan bang may rason lahat?"
"Hindi... pero kailangan ko ang rason mo ngayon."
His eyes looked like they were silently begging for my answer.
"Bakit ka nag-aalala?"
I shrugged everything off because it's starting to consume me. Kapag hinayaan ko ay baka manghina ako.
"Gago, ngayon ka lang kasi wala sa bukid. Tapos hindi ka pa nagre-reply. Wala ka bang load?! Gusto mong pahiraman kita?" singhal ko sa kaniya. Pilit kong binalik ang angas sa pananalita ko.
I hate this, what the fuck. Why are we suddenly being so soft and gentle with each other? Mas sanay ako sa away! Mas sanay ako na ayain siya ng suntukan kaysa 'yong ganito. Nakakapanghina ang itsura at boses niya.
Masyadong malambing.
Nakita ko ang munti niyang pag-iling na parang dismayado siya.
"Sumama kasi ang pakiramdam ni Lola kaya binantayan ko. May load ako... Sorry, hindi ako nakapag-reply agad. Ngayon ko lang nahawakan ang phone ko..." malumanay niyang sagot.
Fuck. Just... fuck it. Where's the rude, impolite, and snobbish Jaja I know? Putangina nito ah. Bakit nagiging ganito bigla?
"Ah. Sige." Tumango ako sa kaniya at tumapik sa balikat niya. "'Yon lang naman. Nag-alala lang ako. Baka kasi kung hindi, isipin mong hindi totoo na gusto kitang maging kaibigan." I made a fake laugh.
Kumunot ang noo niya sa akin.
"Sige, mauuna na ako."
Tumalikod ako at naglakad. Pinapanalangin ko na pigilan niya ako dahil hindi ko naman alam kung paano ako uuwi dahil una, hindi ko alam kung saan ako maghihintay ng masasakyan dito at pangalawa, wala na akong pera!
"Julian, sandali," tawag niya na agad kong nilingon. Yes, yes! Thank you, Lord.
"Bakit?" kaswal kong tanong.
"Nagluto ako... Kumain ka na ba?" he asked.
Umiling ako agad.
Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Halika na. Kumain muna tayo. Ipapakilala na rin kita kina Lola tapos... ako na ang maghahatid sa'yo pauwi. Wala ka nang maaabangang tricycle papuntang San Isidro ng ganitong oras."
Wala nang hiya hiya pa. Kung gusto kong makauwi nang ligtas, sasama na muna ako at susunod sa gusto niya.
Pagpasok namin sa loob, nadatnan ko si Arjo na abala sa paghahain sa mesa. Dinapuan ako ng munting kaba nang matanaw ko ang lolo at lola niya na nakaupo sa sala. Ang lola niya ay nakahiga sa sofa, at ang lolo niya, inaalalayan siyang makaupo nang maayos.
My heart warmed. Kaya pala gano'n si Jaja dahil sa loob mismo ng bahay nila, punong-puno sila ng pag-aalaga at pagmamahal sa isa't isa.
"Si Julian, kaibigan ko," agad na pakilala ni Jaja sa akin.
Gusto kong matawa. Tanginang 'yan! Ang bilis ah?! Hindi yata marunong magpakilala ng kaibigan! Walang spirit 'yong pagpapakilala, parang madaling-madali.
"Nag-alala sa'kin kaya pumunta rito sa bahay. Hindi ako pumasok sa bukid, 'di ba? Galing pa siyang San Isidro," he added.
Gusto ko siyang sapakin bigla. Kung hindi lang kami nakaharap sa pamilya niya, nabugbog ko na talaga. Kailangan pa ba niyang sabihin 'yon?!
"Naku, hijo, gabing-gabi na, nagbyahe ka pa?" tanong ng lola niya habang bumabangon. "Sakto at nakapagluto na. Kumain tayo."
Lumapit ako sa kanilang dalawa para magmano. Malawak ang ngiti nila sa akin habang ginagawa ko 'yon.
"Pasensya na po sa biglaan kong pagpunta. Hindi po kasi nawawala si Jaja sa bukid, kaya nagtaka lang ako kung bakit wala siya ngayong araw. Hindi rin po kasi sumasagot sa mga text ko."
Tumawa ang lola niya pero halatang nanghihina pa. "Sumama kasi ang pakiramdam ko kaya hindi na pumasok. Ang sabi ko naman sa kaniya, ayos lang ako dahil nandito naman si Arjo at Gonzalo... Hindi pa rin pumasok."
Agad na dumalo si Jaja kay lola at inalalayan siyang maglakad papunta sa kusina.
"Kay gwapong bata," puri sa akin nang lolo niya nang malapitan ako.
"Nahawa lang po ako kay Jaja."
Tumawa siya. "At syempre, sa akin nahawa ang apo kong 'yan."
Napangiti ako sa sagot niya. Narinig ko ang hagalpak ng kapatid ni Jaja sa kusina.
"Pumapangit na nga 'yan, puro pagsusungit kasi ang alam," singit niya na ikinatawa ko.
Tinuro siya ni Jaja. "Kumuha ka na ng plato. Walang humihingi ng opinyon mo," bulalas niya sa kapatid.
Tatawa-tawang tumalikod si Arjo para manguha ng mga plato.
"Taga saan ka pala, hijo? Ngayon lang kita nakita... Ngayon lang nagdala ng kaibigan 'yan dito sa bahay. Akala ko nga kinakahiya niya ang bahay naming maliit..."
"La, upo na," inip na sabi ni Jaja pero maingat pa ring nakaalalay sa lola niya.
"Taga-Manila po ako. Nandito lang po ako para magtrabaho rin sa bukid."
"Pamangkin 'yan no'ng may-ari ng bukid na pinagtatrabahuan ko," sambit ni Jaja.
"Gano'n ba? Eh bakit kailangan mong magtrabaho roon?" nagtatakang tanong ng lolo niya.
"Mahabang kwento po eh... Sa madaling salita, pinarusahan ako ng tatay ko," natatawa kong sagot.
"Lo, baka hindi komportable si Julian na pag-usapan 'yan," sita ni Jaja sa kanila.
"Okay lang," agad na agap ko. Baka isipin nila maarte ako.
"Jadiel, palitan mo nga ang mga plato. Kunin mo sa aparador ang mga bago. May bisita tayo, ang kinuha nitong si Elardio, mga luma..." reklamo ni Lola.
"Arjo, palitan mo," utos ni Jaja pabalik sa kapatid.
"Ikaw ang inutusan, ipapasa mo sa'kin," reklamo ni Arjo.
"Ikaw ang mali, ikaw ang kumilos."
Habang nag-aasikaso sila, hindi ko maiwasang mapangiti sa sarili.
Jadiel.
Tangina. Pati pangalan, gwapo.
Masaya ako habang kumakain kami. Wala akong naramdamang hiya o kaba. Magaan ang pakiramdam ko.
Parang mas gusto ko pang dito na lang tumira.
"Kuya Julian, college ka na rin 'no? Anong course mo?" tanong ni Arjo habang nagliligpit kami ng pinagkainan. Sina Lolo at Lola, nasa balcony, nagpapahangin.
Tumango ako habang pinagpapatong-patong ko ang mga plato. "Oo. Film major ako."
Nakita ko ang paglaki ng mata niya. "Film? May gano'n ba?"
Natatawa akong tumango. "Oo, mayro'n sa Manila. Kung gusto mong mag-aral doon, sa UP ka mag-enroll. Marami kang matututunan."
"Masyadong malayo sa Manila eh. Dito ko lang balak mag-college sa Isabela. Siguro, sa ISU na rin, kung saan nag-aaral si Kuya. Kaso wala yatang film doon eh."
Kita ko ang nakakunot na noo ni Jaja sa gilid.
"Hoy. Ba't ganyan ka makatingin sa kapatid mo?" sita ko sa kaniya kaya bumaling siya sa akin.
"Bukas, film na ang gusto niyan," kumento niya at tinuloy ang paghuhugas.
"Ano naman? Hayaan mo siya. Masaya kaya." Bumaling ako kay Arjo at binuksan ang phone ko. "Tignan mo 'tong mga film projects ko dati."
Isa-isa kong pinakita sa kaniya ang mga gawa ko at wala akong ibang natanggap kundi puri at pagkamangha mula sa kaniya.
"Malakas na ang kapit ng puso ko sa nursing eh! Pero ewan, naiintriga ako sa film," saad niya kaya natawa ako.
"Baka naman balak din mag-nursing ng pinopormahan mo kaya hindi nabago ang isip mo ngayon? Indecisive ka pa naman. Ngayon lang hindi," pang-aasar pa ni Jaja.
"Wala akong pinopormahan." Sumama ang tingin ni Arjo sa kuya niya. "Baka ikaw."
"Wala," simpleng sagot ni Jaja sa kaniya.
Binalik ni Arjo ang phone sa akin para makasagot nang maayos sa kapatid.
"Ano ba kasing trip mo? Magaling ako maghanap, baka gusto mong i-assist na kita?"
Napailing-iling ako sa kanilang dalawa. Ang ligalig nitong si Arjo, sobrang layo sa kuya eh. Mukhang pati ang lolo at lola, gano'n din. Hindi ko alam kung saan namana ni Jaja ang ugali niya.
"Ah, sabi sa'min ng teacher namin sa Philosophy noon, majority raw sa minimithi ng isang tao, eh reflection ng pagkatao nila. Ibig sabihin, kung ano ka, 'yon din ang gusto mo. Base sa observation ko sa'yo Kuya, masyado mong iniisip ang future. Kaya siguro ang bagay sa'yo, 'yong mahusay ang imagination!" masigla niyang sabi kaya napahalakhak ako.
Napatingin siya sa akin. "Parang mga film majors, malawak ang imagination. 'Di ba, Kuya Julian?" tatawa-tawa niyang sambit bago umalis sa kusina, iniwan kaming dalawa ni Jaja.
Gago. Ang lakas ng tama. Anong ibig niyang sabihin? Parang tanga amputa. 'Yon ang namana niya sa kuya niya, hindi mo aasahan ang mga isasagot nila sa'yo.
Pagkatapos naming maglinis ni Jaja, sumama kami sa balcony kasama ang lolo at lola niya. Si Arjo, nasa kwarto na raw dahil maglalaro na sila ng mobile games ng mga kaibigan niya. Buti na lang, hindi masyadong inisip ni Jaja ang sinabi ni Arjo kanina kaya kinalimutan ko na lang din.
"Julian, alam mo ba, noong bata itong si Jadiel, sobrang likot niyan. Hindi ko alam kung bakit ngayon, sobrang tahimik na," biglang kwento ni Lola sa akin kaya napangiti ako.
Nilingon ko si Jaja sa gilid ko na tahimik lang na nakikinig, hindi umaangal o nagrereklamo.
Natawa si Lolo Gonzalo. "Ikaw naman... Syempre, nag-mature na ang apo mo."
Maya-maya ay pilit na tumayo si Lola kaya napatayo rin si Jaja.
"Saan ka pupunta, La?"
"Kukunin ko lang ang juice sa ref..."
"Ako na," sabi ni Jaja.
"Ako na. Dito ka na lang," pamimilit ni Lola.
Napakamot sa ulo si Jaja. "Baka kung ano na namang mangyari sa inyo eh."
Tumayo si Lolo Gonzalo. "Nagpilitan pa kayo. Ako na lang ang sasama. Hindi mo 'yan mapipilit na umupo lang, gusto niyan, siya mismo ang kukuha. Samahan mo na lang si Julian dito."
Wala nang nang nagawa si Jaja sa sinabi ng lolo niya kaya bumalik na lang siya sa pagkakaupo sa tabi ko.
"Ang sweet ng lolo mo," sabi ko sabay siko sa braso ni Jaja.
Nilingon niya ako.
"Hmm?"
"Ang sweet ng lolo mo, kako," pag-ulit ko.
Napangiti siya at tumango. "Ganyan talaga 'yan."
"Hindi ako sanay eh," saad ko. "Ngayon lang ako nakakita ng ganyan, kahit matanda na."
"Nasaan ba ang lolo at lola mo?"
"Hindi ko alam. Hindi ko kilala."
Tumango siya sa akin at nag-iwas ng tingin.
"Si Lolo Gonzalo at Lola Janeth ang pinakamabait na lolo at lola na nakilala ko. 'Yong grandparents ko sa father side, nakilala ko sila noong bata ako, pero hindi ko sila nakasundo. Hindi maganda ang ugali."
"Ah." Napatango-tango ako. "Doon mo siguro namana ang ugali mo."
"Gago," sambit niya at marahan akong tinulak sa braso. "Pwede mo rin silang maging lolo at lola... sina Lolo Gonzalo at Lola Janeth, habang nandito ka sa Isabela. Ituturing kang parang apo ng mga 'yon."
"Tangina ka," sabi ko at natawa. "Sabihin mo lang kung gusto mo akong mapangasawa," I joked.
"Tanga." Tinulak niya ako ulit sa braso, mas malakas ngayon kaya muntik akong tumumba sa inuupuan ko. "Kapatid lang ang turing ko sa'yo," habol niya pa. Gago 'to ah.
"Tangina mo talaga," inis na sabi ko at sinamaan siya ng tingin.
"Joke lang."
Namilog ang mata ko.
"Anong joke? Ibig sabihin—"
He heaved a deep sigh. "Julian, you think too much."
"Kasi masyado ka ring maraming sinasabi!"
Mabuti na lang, hindi niya iyon sineryoso at inibahan na ang usapan namin nang makabalik sila Lola. Pero ako, tumatakbo pa rin 'yon sa isip ko.
Grabe na 'yong mga biruan naming dalawa. Hindi na nakakatawa. Nakakapagpabagabag na ng damdamin.
"Jadiel, ihatid mo si Julian pauwi, ha? Wala nang masasakyan ngayon. Lalo na't baka hanapin 'yan sa kanila," bilin ni Lola Janeth kay Jaja habang papasok sila sa kwarto nila.
Natapos na ang kwentuhan namin sa balcony, halos alas diez na ng gabi.
"Opo," magalang na sagot ni Jaja habang hinihiga siya sa kama. Nakaalalay pa rin si Lolo Gonzalo.
Nang masigurong maayos na silang dalawa, hinila ako ni Jaja palabas ng kwarto nila.
"Puta," I muttered and glared at him. "Kung makahila ka, akala mo naman binabalak kong makihiga sa kanila."
"Hindi ba? Akala ko oo eh," sabi niya at tumawa. Maya-maya tumuro siya sa akin. "Tinatamad na akong magmaneho para ihatid ka."
Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya. "Gago ka talaga. Sabi ng lola mo ihatid mo ako nang maayos. Tapos hahayaan mo ako?"
Iniwan niya ako roon na parang hindi nakikinig sa sinasabi ko kaya hinabol ko siya.
"Ihatid mo ako," inis na pilit ko, kinakalma ang boses dahil baka isipin nilang nag-aaway kami.
Inilingan niya ako ng isang beses. "Dito ka matutulog."
It wasn't a question. He wasn't even asking for my permission. Sinabi niya sa akin. At hindi lang basta sinabi, parang nagmamando pa.
"Halika na," tawag niya at naglakad nang muli.
Parang natahi ang bibig ko habag sumusunod sa kaniya. Gusto niyang dito ako matulog? Dahil tinatamad na siyang ihatid ako sa San Isidro?
Nang makapasok kami sa kwarto niya, agad siyang lumapit sa malaki niyang kama at inayos ang mga unan doon. Habang nangunguha siya ng panibagong punda ng unan, kobre-kama, at kumot sa kabinet, nilibot ko ang tingin ko sa kabuoan ng silid.
Nothing special. It looked pretty simple yet comfortable. Malaki ang kama niya na nasa tapat ng bintana. May mesa sa gilid at sa tabi no'n, may maliit na estante para sa mga libro niya. Puro mga libro ng engineering at agriculture kaya hindi ko na pinakialaman.
Pagbalik ko ng tingin sa kaniya, abala na siya sa pagpapalit ng punda ng unan.
"Bakit pinapalitan mo pa? Hindi naman ako maarte," sabi ko at nilapitan siya.
"Ako oo," aniya.
"Hayop ka talaga," angal ko sa kaniya at humalukipkip. "Huwag mo sabihing magtatabi tayo."
"Hindi naman. Assuming." He gave me an amused smile. "Dito ka na sa kama ko. Maglalatag pa ako ng foam sa baba. Doon na ako."
Tumango ako at hindi na umangal. Siya ang namilit sa'king matulog dito kaya dapat lang na dito ako sa kama niya.
Lumabas siya ng kwarto pagkatapos mag-ayos kaya umupo muna ako sa kama niya. Siguro ay kukunin niya ang isa pang foam.
I texted Tita Maya that I won't be coming home tonight and just turned my phone off. Nang makabalik si Jaja, nilatag niya agad ang kama sa sahig at hinagisan ako ng isang damit.
"Magbihis ka. Hiramin mo muna 'yan."
Pairap kong iniwas ang tingin sa kaniya at hinubad ang suot na shirt saka pinalit ang bigay niya. Nang matapos ako, sumulyap ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin kaya tumaas ang kilay ko.
"Ano?"
Umiling siya at inagaw ang dalawang unan sa akin at ang kumot niya. Lima ang unan niya, hindi ko alam kung bakit gano'n karami. Tinira niya sa akin ang tatlo. Nang maayos niya ang higaan, pinatay niya ang ilaw sa kwarto at dinampot ang nakasabit na tuwalya sa upuan.
"Matulog ka na. Maliligo lang ako," paalam niya at umalis.
I sighed and lay down. Malambot ang kama niya kaya napapikit ako. Pagod na pagod ang katawan ko pero hindi ang puso at isip ko.
I felt... safe. Comfortable. At peace.
My mind's been a mess lately, confused by everything I'm feeling, yet somehow, I still feel this strange sense of calm.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit pero hindi ako dinadapuan ng antok. Naramdaman ko na lang ang tahimik at dahan-dahang pagbalik ni Jaja sa kwarto.
Hindi niya sinindi ang ilaw. Naramdaman ko ang bahagyang paglubog ng kama sa gilid ko kaya minulat ko ang mata ko.
Nagulat ako nang makita siyang nakatingin sa akin pero hindi ako umigtad. Nakikita ko ang mukha niya kahit madilim dahil sa liwanag ng buwan sa labas na tumatagos sa bintana niya at dumadampi sa mukha niya.
"Pucha," he murmured. "Akala ko tulog ka na."
His right knee rested on the bed, and his arms were propped up to support his weight as he looked at me. Wala siyang suot na shirt, tanging ang gray sweat pants niya lang. Basa pa ang buhok niya dahil katatapos lang maligo.
"Patulog na. Papansin ka pa kasi eh," kalmado kong reklamo habang nilalabanan ang titig niya sa akin.
Dahan-dahang umarko ang labi niya at ngumiti sa akin. Hindi kami gumagalaw. Nakahiga pa rin ako sa kama niya habang siya, gano'n pa rin. Magkatapat ang mga ulo namin, pero sapat ang distansya para hindi ako makaramdam ng pagkailang.
"Matulog ka na..." marahan kong sabi sa kaniya at tumagilid.
Inayos niya ang sarili at umupo sa kama, nakaharap pa rin sa akin. Nakatukod ang kaliwang kamay niya sa gilid habang ang isa ay sinusuklay ang basang buhok gamit ang mga daliri.
Tanginang mukha 'yan. Ang sarap suntukin para hindi masyadong perpekto.
"Komportable ba?" he asked.
Tumango ako.
Hindi namin inaalis ang tingin namin sa isa't isa. Nakatitig lang. Banayad ang bawat paghinga namin, parang tinatantsa ang nararamdaman ng bawat isa.
He gently lifted his hand and touched the upper part of my left cheek. I flinched at first, but then realized he was just touching my mole.
"Ngayon ko lang 'yan napansin," he muttered.
Pinipigilan ko ang paghinga ko habang patuloy niyang hinahawakan ang pisngi ko. Wala na akong ibang marinig kundi ang malakas na kalabog ng puso ko.
How the hell can he make me feel uneasy and safe at the same time?