Beyond Control (A Reckless De...

By ForbiddenAnna

5.8K 364 27

18+ She was only a quiet young woman who held onto her dreams... until the one she admired became her worst n... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
Chapter 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 3

216 21 0
By ForbiddenAnna

THE car smells of leather and something faintly masculine, like perfume. Ito ang pinakaunang pagkakataon na nakasakay sya sa isang Lamborghini Aventador, at ang pakiramdam ay malala pa sa malala.

Tila maninigas na si Chloe habang nakaupo sa passenger seat ng mamahaling kotse ni Melvin. Ang mga kamay nya ay nanlalamig na parang yelo dahil sa sobrang kaba at awkwardness, na pinalala rin na malamig na aircon ng kotse.

Nagsisisi na sya kung bakit pumayag pa sya sa paanyaya ng binata. Hindi nya lubos maisip na nakaupo sya ngayon sa tabi nito, na sila lang dalawa, na nakasakay sya sa magara nitong kotse, at higit sa lahat na ililibre sya nito ngayon.

Hindi sya kinikilig! Naiinis sya! Nahihiya at kinakabahan.

Tsaka, isa pa 'tong kahimikang bumabalot sa loob ng kotse na dumagdag sa awkwardness na nararamdaman nya. Simula ng pumasok sila sa kotse, ay hindi na sya nito kinausap. Talaga bang, wala itong planong kausapin sya? Tsk! Nahihiya din naman kasi syang mag-initiate ng conversation. Ang gusto nya lang naman eh mabasag ang awkwardness na sumasakal sa kanya.

Hayst! Ang dami nyang iniisip! Pakiramdam nya, sasabog na sya sa sari-saring emosyon- shyness, nervousness, and awkwardness. Ano ba kasi itong pinasok ko?!

Kasalanan ito ng tiyan nya! Kung hindi lang talaga sya nagugutom ay hindi talaga sya papayag sa paanyaya nito! Pero wala eh, nandito na sya.

Unti-unti nyang tinignan ang binata na kanina pa nakatuon ang pansin sa pagmamaneho.

He was undeniably handsome! His smooth skin a clear indication of his wealthy upbringing. His thick eyebrows were almost joined, creating a striking feature, and his lashes were long and dark. His nose was perfectly pointed, and his jawline was sharply defined, giving him a very masculine look. Bakit parang ang perpekto naman ng mukha nya? May lahi kaya ito?

Pero ang mas nagustuhan nya talaga sa itsura nito, ay ang mapupungay nitong mga mata. His tantalizing eyes, filled with mystery, definitely captivated her.

"Baka matunaw ako sa titig mo," pagsasalita ni Melvin na biglang bumasag sa katahimikan. Nakangisi ito na parang nanunuya.

Agaran naman syang umiwas ng tingin. Hayst! Nakakahiya! Kakaisip nya, hindi nya na pala namalayan ang sarili na labis na palang nakatitig sa binata.

Humugot sya ng malalim na hangin bago magsalita ng walang pag-aalinlangan na may pagmamadali. "Ibaba mo na ako!"

Wala na syang pakialam kung nasaan na sila ngayon, ang mahalaga sa kanya ay makahinga na sya ng mapayapa. At ang tanging paraan nun ay makababa na sya ng kotse.

Total, maaga pa naman ang gabi. Marami pang nakaantabay na mga sasakyan dyan para makauwi sya.

"Why? We're almost there," sagot nito.

"Just put me--"

Naputol ang pagsasalita nya ng buksan ni Melvin ang car radio. Napasinghap na lamang sya sa ginawa nito. Bastos! Medyo matatagalan pa naman silang makarating sa kanilang paroroonan, dahil sa traffic.

Hayst! Mabu-buwesit na ulit sana sya nang biglang tumugtug ang paborito nyang kanta.

Don't the water grow the trees?
Don't the moon pull the tide?
Don't the stars light the sky
Like you need to light my life?

Parang ang lahat ng mga bumabalisa sa kanya kanina, ay dagliang na lamang na wala.

We can do anything you like
I know we both can get it right tonight
You got your walls built up high
I can tell by looking in your eyes


Oo, nawala nga ang mga nakakainis nyang nararamdaman kanina. Pero napalitan naman ng ibang klaseng kaba. Tinignan nya ulit ang binata na nakatuon muli ang pansin sa pagmamaneho.

You don′t understand how much you really mean to me
I need you in my life, you're my necessity, yeah
But believe me, you′re everything that just makes my world complete
And my love is clear, the only thing that I'll ever see.

Inilayo nya ulit ang tingin sa binata, at sumilip sya sa bintana. Nakakainis, bakit parang na-i-inlove tuloy ako?

You're all I ever need, baby, you′re amazing
You′re my angel, come and save me, aah
You're all I ever need, baby, you′re amazing
You're my angel, come and save me, ooh

Ang ganda naman kasi ng musikang ito, bawat beat ng tugtug ay tila sumasabay din sa bawat pagtibok ng kanyang puso. The worst part was, it left my heart confused. Pero alam nya naman na epekto lang ito ng musika.

Kagyat, nakaramdam si Chloe ng isang mainit na paghaplos sa kanyang kandungan, dahilan upang tumindig ang lahat ng balahibo nya sa katawan. Nilingon nya kaagad ang binata at pinukol ito ng isang masamang tingin.

"Are you alright ?" tanong nito sa kanya, na parang wala man lang kamalay-malay sa tensyong ibinigay nito sa kanya.

Hindi na sya sumagot pa sa tanong ng binata, at agarang tinanggal ang kamay nito sa kanyang kandungan. Okay na sana sya eh! Bigla-bigla nalang kasing nanghahaplos!

"Ba't ang lamig ng kamay mo?" nakangising tanong nito na para bang gusto syang pagtawanan.

Humugot nalang sya ng malalim na hininga. Wala na syang maisip na sagot sa dami ng kanyang iniisip!

Melvin laughed. "You must have been nervous all along," panunukso nito sa kanya.

Pakiramdam nya'y unti-unti syang namumula sa sinabi nito. Hayst! Nevermind! Hindi nya na lamang siguro ito kakausapin.

"Don't worry, it's not your first time being with a guy, right?" dagdag pa nito.

Anong hindi? Ngayon nga lang ang unang beses na sumama ako sa lalaki na mag-isa lang. Gusto nya sanang sabihin iyon sa binata, kaso nahihiya naman sya, kaya minagaling nyang manahimik na lamang.

"By the way, I do love your writing skill," pag-iiba ni Melvin ng paksa.

Medyo nagulat sya sa sinabi nito, pero parang hindi rin sya makapaniwala. Mahilig ba itong magbasa?

"Hindi man halata but I'm a bookworm," pagpapatuloy nito. "I've read some books from the journalism club and even brought some home. Actually, my mom loves your articles too," paliwanag ng binata, habang may mga ngiti sa mga labi nito.

Her heart suddenly melted. Is he telling the truth? Bilang manunulat, napakalaking bagay na sa kanya na may maka-appreciate ng mga gawa nya.

"Thank you," she's a bit speechless. Liban sa 'thank you' ay wala na syang ibang maisip pa bilang tugon.

Bumaling ang tingin ng binata sa kanya. "And that's how I got to know you," pag-amin nito sa mahinahong boses.

Parang bumilis ng tibok ang puso nya dahil sa tuwa. Hindi lang tungkol sa nakilala sya nito dahil sa pagsusulat nya. But also realizing that she wasn't just a nobody after all.

She was about to ask of what article he was referring to when Melvin stopped the engine.

"We're here," he announced.

Lumabas muna ang binata sa kotse, at pinagbuksan sya ng pinto. Kaso hindi sya agad nakalabas. Medyo nalilito sya kung paano tanggalin ang kanyang seatbelt.

Hindi naman sa pagiging tanga, sadyang hindi lang talaga sya sanay sumakay ng kotse. She usually took the bus, jeep, or tricycle-none of which required seatbelts.

"Let me," Melvin offered, and carefully helping her unbuckled her seatbelt. Pagkatapos ay inilahad nito ang kamay sa kanya, at ginabayan syang bumaba ng sasakyan.

Char! Parang nawawala na yata lahat ng inis nya sa binata. He seemed more like a gentleman than she initially thought. Masyado lang siguro syang naging mapanghusga noong una. At tila hindi naman yata ganun kabig-deal ang pagsama nya rito. Total kakain lang naman sila, diba? Masama pa namang tumanggi sa grasya!

Well, speaking of big deal! A thought suddenly occurred to her mind.

"Don't you have a girlfriend?" she asked, a nervous tremor in her voice.

"Girlfriend? Sino?" he replied, looking genuinely confused.

"The girl you were kissing earlier," Chloe blurted out, without a filter.

Melvin threw back his head. "Si Francine?" and laughed. "No! She's just a fan!"

A fan? So, he was letting a fan to kiss him? Parang ayaw nyang maniwala sa pahayag nito!

Hinawakan ni Melvin ang kamay nya. "Stop overthinking, kakain lang naman tayo," he said, pulling her towards the Jollibee.

Nang makapasok na sila sa Jollibee, Melvin plopped down on a chair at an empty table.

Napakunot noo sya sa pagtataka. "Anong ginagawa mo?" tanong nya sa binata.

"Waiting," he replied simply.

Medyo natawa sya ng kunti. Ano to fancy restaurant para maghintay lang sya.

She grabbed his hand and pulled him to his feet. "Pipila pa tayo," bulong nyang sabi sa binata.

"Oh? Sorry, I forgot," anito na parang wala lang.

Dahan-dahan syang itinulak ni Melvin papaupo. "Sit here and I'll take order," sabi nito at naglakad na papuntang counter para pumila.

Medyo nagulat naman si Chloe na may halong tuwa sa ginawa ng binata. Sa totoo lang, 3rd year college student na sya pero unang beses nya palang ito na sumama sa isang lalaki para lumabas. May mga manliligaw naman sya, ngunit walang paligoy-ligoy nya naman itong binabasted kaagad. Hindi lang sa takot sya, ayaw nya rin ng mga distraction sa kanyang pag-aaral. Mataas ang pagkilala nya sa kanyang pangarap at ayaw nyang masira iyon, lalo na kung dahil lang sa lalaki.

Maaaring sabihin sa kanya ng iba na masyado lang syang nag-o-overthink, at pwede nya naman pagsabayin ang dalawang bagay. But for her, it's a NO! Sya ang mas higit na nakakakilala sa kanyang sarili. Hindi alam ng iba kung gaano nya na ka-ibig kumawala sa magulo nyang mundo. Lalo na sa tulad nyang may mahinang personalidad, ang tanging alam lang ay tumakbo at lumayo. She couldn't bear to stay in her harsh realities.

Simple lang naman ang kanyang pangarap, maging isang kilala at mahusay na manunulat. At makatakas sa magulo, masikip at maingay nyang mundo, at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang magiging pamilya sa darating. Ayaw nyang matulad sa buhay nya ngayon, na halos araw-araw nalang nag-aaway nang dahil lamang sa pera.

Umupo si Melvin sa harapan nya, dala-dala ang mga inorder nito. Grabe! Nanlaki ang mga mata ni nya sa sobrang dami ng inorder ng binata.

"Enjoy," nakangiting sabi ni Melvin.

Gusto nya sanang itanong kung bakit ang daming inorder nito, pero naisip nya rin na hwag na lamang. Baka sadyang malakas lang talaga ito kumain.

Chloe closed her eyes and offered a silent prayer before grabbing the fried chicken.

Pagkatapos nyang manalangin, sinunggaban nya agad ang fried chicken at kumuha ng dalawang piraso sa bucket. Pero hindi magiging kompleto ang ulam kung walang kanin kaya kumuha din sya ng dalawang kanin.

Wala ng hiya-hiya pa, gutom na gutom na sya. She devoured her meal, completely absorbed in the deliciousness. Wow, namiss ko to!

"You must be absolutely starving," Melvin commented, watching her with amusement.

Sa sobrang ganado ng kanyang pagkain, halos makalimutan nya na pala na kaharap nya si Melvin. Tiningnan nya ang binata. Nakahalukipkip lang ito habang pinagmamasdan sya, na tila wala pang nagagalaw na pagkain.

Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata ng mapansing hindi pa pala ito kumakain. "Akala ko ba gutom kana?!"

"Nuh! I'm full just watching you eat," tugon nito, at ngumiti ito sandali ng mapakla.

Hindi man sya sanay gawin ito, pero hindi nya napigilan na irapan ang binata sa halatang pilit na ka-corny-han nito. "Niyaya mo akong kumain, tapos hindi ka pala kakain?" aniya na parang nawalan na din ng ganang kumain.

"I'm good," mabilis na tugon nito na parang walang emosyon.

Bumuntong hininga muna sya at kinuha ang spaghetti. And then held a forkful towards him. "Try this," sinubukan nyang subuan ito, at binigyan ng isang mapaklang ngiti.

Kapag nagmatigas pa ito, aalis talaga sya!

Melvin shook his head. "Actually, I'm not a fan of--"

Walang pag-aalinlangang ibinaba nya ang tinidor na may spaghetti at pinutol ang pagsasalita nito. "Not a fan? Or you just don't eat fast food?"

"How can you say so?" he countered her question with another question.

Parang mauubos yata ang hangin nya rito. Humugot na naman sya ng isang malalim na hininga bago magsalita. "You're wealthy, so I'm guessing you only dine at fancy restaurants."

Hindi ito nagsalita, bagkus tinitigan lang sya nito sa isang payak na tingin. A gaze that was unreadable, cold, and shrouded in mystery.

Tumayo sya. "Salamat sa libre, pero sana naman, hwag kana magyaya kung ikaw mismo ayaw mo!" aniya sa isang mapaklang ngiti, sinusubukang itago ang namumuong inis nya para rito.

Akmang aalis na sana si Chloe nang hawakan ni Melvin ang kamay nya, at hatakin sya paupo sa tabi nito.

"I'm sorry," bulong ng binata. He then reached a piece of fried chicken from the bucket, and took a bite.

Chloe watched him, a flicker of amusement in her eyes. Sa araw na ito, ilang beses nyang sinubukang lumayo sa binata, katumbas nyan ay ang ilang beses din nitong paghawak sa kanyang kamay upang pigilan sya.

Okay! Medyo na-a-appreciate nya na ang binata. Hindi nya akalain na sa kabila ng katayuan nito, he remained humble and knew how to apologize. She realized she was just overreacting all along towards this young man.

"Melvin Dhalgen?" isang malakas na tinig mula sa isang magandang dalaga ang pumukaw sa kanila.

Pareho naman silang agad na napatingin. She was wearing a crisp white cropped t-shirt, paired with loose-fitting, light beige cargo pants that fall straight to her ankles. May mga accessories din ito, malinis at aesthetic ang dating.

Dahan-dahan syang yumuko at tiningnan ang sarili. She was only wearing uniform. Wala din syang suot na mga accessories, at walang make-up. Medyo nakaramdam sya ng kaunting insecurities sa sarili.

"By the way, I'm a fan! I-I never expected you to see here! Pwede po bang pa-picture?" she said, her voice laced with full excitement.

"Oh, sure," mabilis na tugon ni Melvin.

Kinuha ng dalaga ang Iphone nito sa bag, tsaka bahagyang tumagilid ng tayo, para makipag-selfie sa nakaupong binata.

Umusog naman sya ng kaunti para hindi sya maisali sa litrato, pero napigilan sya ng hawakan ni Melvin ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa.

"Is she you're girlfriend?" tanong ng dalaga kay Melvin.

"Yes," mabilis na sagot ng binata na walang pagdadalawang isip.

Nagulat naman sya sa naging tugon nito, pero hindi na sya nakapag-react pa nang magsalita ulit ang dalaga.

"Oh, really? You're so lucky, girl!" the young woman said in amusement. "Sama ka sa picture! Dali!" and then took another shot together.

Pagkatapos nitong magpapicture, agad itong nagpasalamat at nagtanong. "Thanks guys! By the way, hindi ba kayo manonood ng pageant?"

"We'll see," matipid na sagot ni Melvin.

"Ahh, okay! Mauna na ako sa inyo ha. Thank you ulit, bye!" pamamaalam nito.

Nang makalayo-layo na ang dalaga, agad na napakunot noo si Chloe at binawi ni ang kanyang kamay na hawak ni Melvin. "Ba't ka nagsinungaling?" naiinis nyang sabi.

Melvin was a popular person. Kaya kapag nagkaroon sya ng maling issue na girlfriend sya nito, baka marami pang magalit sa kanya. Natatakot sya! Ayaw nya ng gulo at pinag-uusapan!

Napaasinghap ang binata bago ito magsalita. "If I didn't lie, she might ask a lot of questions," pahayag nito na tila biglang naging seryoso.

Hindi nalang sya nagsalita pa. Parang nakaramdam sya nang biglaang pagbabago ng mood nito. But she was still unsure what was going on, though. Hindi nya naman lubos na kilala ang binata, kaya hindi nya mahulaan kung anong tumatakbo sa utak nito.

Kinuha nya ang sundae at kinain ito, habang ninanakawan ng tingin ang binata. Kumakain lamang ito ng mapayapa, habang sya ay tila nagmistulang hangin sa tabi nito.

Did I say something wrong? O baka napuno na nga talaga sya sa akin?

Mga ilang sandali, bigla itong nagsalita. "Hindi ka pa ba tapos?" anito.

Mukhang tama nga sya ng hinala. Naiinis na nga siguro si Melvin sa akin. Agad syang tumayo bago sumagot. "Tapos na, salamat!"

Parang kanina lang, sya ang mukhang masungit. Pero parang ngayon ay bumaliktad ang situation.

Tumayo si Melvin, at dahan-dahang naglakad palabas ng Jollibee. Sya naman ay sumunod na lamang rito.

"Manonood kaba ng pageant?" he asked as they reached his car, which was parked nearby.

Pinilit nyang ngumiti para itago ang hindi nya pagiging komportable sa sitwasyon. "Hindi na, uuwi na ako!"

"Should I take you home?" he asked with empty expression.

Chloe shook her head. "Hwag na! Maaga pa naman, kaya ko na ang sarili ko." Walang pagdadalawang-isip nyang pagtanggi.

He asked me if he should, but he didn't ask if he may. This makes it clearer that he hesitated to drive me home. And ... and it's alright.

"Okay, ingat ka!" he responded simply and plain.

"Ingat ka rin. Salamat, Melvin!" pagtugon nya sa mahinahong boses.

Pero parang hindi na iyon narinig pa ng binata, dahil agad na itong pumasok ng kotse at pinaandar. Sya naman ay naiwang nakatayo roon habang pinagmamasdan ang unti-unting paglayo ng kotse. Bakit parang ang sakit?

-- ××× --

(

Author: Don't forget to VOTE! Thanks a bunch! 💋✨🥀 )


F.ANNA

Continue Reading

You'll Also Like

91.3K 829 37
SPG. A series of sinful affairs and temptations you couldn't escape, would you mind getting involved in such psychotic romances? Published on May 27...
559K 8.1K 42
Warning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your own risks! P.S. This is my first ever st...
23.7K 445 23
"Stop pestering my life, Twilight." WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS. [LA CRESZA SERIES #2]
3.5M 25.7K 44
Do you dare to be Mr. Sex God's better half? ©️ 2013