The Phantom’s Blade
SABRINA LUNA CALYPSO / SOLANA BLAIRE OCAMPO
Midnight.
Ang katahimikan ng palasyo ay parang isang patalim—matalas, mapanganib, at puno ng lihim. Sa unang tingin, lahat ay tila payapa. Pero sa mundo ng mga gaya kong nabubuhay sa dilim, ang katahimikan ay hudyat ng bagyo.
---
QUEEN'S CHAMBERS
CLANG.
Isang mahina, halos di marinig na tunog ng metal ang gumising sa akin. Agad akong bumangon, walang ingay, parang multo. Ang reflex ko ay parang natural na kalamnan—hindi na kailangan ng utos.
Kinuha ko ang hairpin na may talim—isang paborito kong weapon, kahit noon pa. Kailangan kong gumawa ng sandata mula sa kahit ano.
Huminga ako ng malalim. Nasa kwarto ko ang kalaban. I felt it. Someone is here.
Mula sa dilim, may umalimbukay na anino. Isang lalaki—nakasuot ng itim mula ulo hanggang paa. May maskara sa mukha, at may hawak na kutsilyong may baligtad na hawakan—isang assassin’s blade.
> Hindi ito ordinaryong magnanakaw. This one knows how to kill.
"Magandang gabi rin sa’yo," malamig kong bati habang pa-simpleng umatras palapit sa dingding.
Nag-atubili siya. Halatang hindi niya inaasahan na gising ako—at mas lalong hindi niya alam na hindi ako takot.
Tumalon siya palapit. Mabilis. Matalim.
Pero mas mabilis ako.
WHACK!
Umilag ako pakanan at ginamit ang hairpin ko para gasgasan ang gilid ng leeg niya. Hindi malalim—pero sapat para mailang siya. Tumalbog siya palayo, napansin ang dugo niya.
"Queen, huh?" sabi niya sa malamig na boses. "I heard you were weak. Frail. A lamb in royal robes."
"Then you heard wrong," sagot ko. "I’m the wolf wearing her crown."
---
THE FIGHT
Mabilis ang palitan ng galaw. Sipa, iwas, suntok, talon. Para kaming dalawang anino na nagsasayaw sa ilalim ng buwan.
Kahit wala akong saplot kundi silk nightgown, hindi ito naging hadlang. Sanay akong lumaban ng walang armas, walang proteksyon, walang awa.
THUD.
Tinamaan niya ang balikat ko gamit ang hawakan ng blade. Napaatras ako. Dumugo. Pero hindi ako nadapa.
Pain is weakness leaving the body.
And I’ve had enough pain to be invincible.
Tumalon ako sa likod niya, sinunggaban ang maskara—at doon ako napahinto.
Ang mga mata niya. Yung hugis. Yung galaw ng katawan niya.
Impossible…
"A-Ace?" tanong ko sa hangin.
Napatigil siya.
Tumitig siya sa’kin—at kahit hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya, alam ko.
Kilalang-kilala ko ang istilo ng galaw na ‘yon. Fluid. Ruthless. Predictable only to someone who trained with him for years.
Si Ace Dela Rosa. Ang partner ko noon sa Black Sun Syndicate.
Pero patay na siya… di ba?
---
FLASHBACK - YEARS AGO
"Sol, kapag may misyon ka at natuklasan mo na ang target ay isang taong minahal mo… anong gagawin mo?"
"Simple," sagot ko noon. "I pull the trigger anyway. Kasi mahalaga ang prinsipyo kaysa sa emosyon."
"Prinsipyo? O survival instinct?"
Ngumiti siya. “I hope one day, you choose something more than survival.”
---
BACK TO PRESENT
"Solana?" mahina niyang bulong.
Sapat na ‘yon.
Sinugod ko siya muli—this time, hindi para patayin. Gusto ko ng sagot. Bakit siya buhay?
Pero bago pa man ako makalapit, isang maliit na usok ang kumalat sa kwarto. Smoke bomb.
No!
“ACE!” sigaw ko.
Pero sa loob ng ilang segundo, naglaho na siya sa dilim. Naiwan akong mag-isa, hinihingal, duguan, nanginginig—hindi sa takot, kundi sa gulat.
---
MORNING AFTER
Hindi ako nakatulog. Pinatawag ko agad si Captain Elior, ang bagong hepe ng Royal Guard.
"Ano ang ginagawa ng bantay sa labas ng silid ko? Natutulog?"
"Your Majesty, wala po kaming nakita. Wala pong senyales ng forced entry."
"Because he didn’t enter. He appeared. Parang multo."
Sinuntok ko ang mesa.
"I want all the guards replaced. Lahat. Effective today."
"Yes, Your Majesty."
At bago siya lumabas, tinapunan ko siya ng matalim na tingin.
"At kung hindi mo kayang protektahan ako, Captain... ako mismo ang magliligtas sa sarili ko. Tandaan mo yan."
---
ROYAL GARDEN - LATE MORNING
Naglakad ako sa hardin, kahit may sugat pa ang balikat ko. Doon ko naramdaman ang presensya ng isang pamilyar.
Si Kael. Nakaupo sa may fountain, hawak ang isang basang panyo.
“I heard... someone broke into your room,” ani Kael. “Buhay ka pa rin. Impressive.”
“I always survive,” sagot ko. “Unlike most of your allies.”
“Are you accusing me again?”
“Am I wrong?”
Tahimik.
Pagkatapos ng ilang segundo, tumayo siya at lumapit sa akin.
“Sabrina…” bulong niya. “May tinatago ka. Hindi ka lang basta nagbago—ibang tao ka na.”
“Maybe that’s a good thing,” sagot ko. “Kasi ang dating Sabrina, inutil at mahina. Ako? I’m a threat.”
Tinitigan niya ako ng matagal.
Then he said something I didn’t
expect.
“I liked the weak Sabrina.”
Napangiti ako—hindi sa tuwa, kundi sa paghamak.
“She was easier to control, wasn’t she?”
---
THAT NIGHT - SECRET CHAMBER
Bumaba ako sa lumang library ng palasyo, gamit ang lihim na daan. Isa ito sa mga natuklasan kong sikreto ng palasyo. Sa ilalim nito, may isang chamber na puno ng mga antigong kasulatan, armas, at... scrolls ng mahika.
Oo. Magic. Isang bagay na hindi ko pinaniniwalaan dati. Pero ngayon, kailangan kong buksan ang isip ko.
Kinuha ko ang isang scroll na may selyong dragon. Sabi sa mga lumang tala, ito raw ay Binding Pact of the Phantom Queen—isang ancient power ng mga naunang reyna.
Binasa ko ang unang linya.
> “Ang dugo ng reyna ay susi sa pagbubukas ng landas ng dilim at liwanag...”
Bago ko pa man matapos, may naramdaman akong kakaiba. Umiinit ang kwarto. Pumupula ang mga gilid ng scroll.
Shit. It's reacting to me.
Kagat labi, kinaskas ko ang sugat sa balikat at pinatakan ng dugo ang scroll.
BOOM.
Isang liwanag ang pumulupot sa buong silid. Umiikot. Bumubulong.
At isang boses ang lumabas.
“Welcome back… Sabrina Luna, Reincarnated Queen of Esperanza