抖阴社区

Ako, Hacker

By GeniusMonkey

7.5K 412 88

What if ang inakala mong boring na pamilya ay binubuo pala ng mga spies? Nalaman mong ang Papa mo ay dating e... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 - Trouble
Chapter 2 - Deal
Chapter 3 - Family
Chapter 4 - Black Site
Chapter 5 - Blast
Chapter 6 - Mess
Chapter 7 - Abnormal Family
Chapter 8 - Olympus Key
Chapter 10 - The Start
Special Chapter - Characters
Chapter 11 - Command Center

Chapter 9 - Relatives?

336 29 30
By GeniusMonkey

Mavericks:

“Ayaw mo pa ring magsalita ah!” sabi ko sa nakagapos na si yuri. Nakaupo siya sa isang bangko at nakapusas ang kanyang mga kamay. “You’re going to tell us or else!”

Isang araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagsasalita si Yuri. Makailang beses ko na siyang tinanong pero wala pa rin kaming nakuhang sagot mula sa kanya. Noong isang araw nga ay nasuntok ko pa siya dahil ngumiti pa siya sa akin ng tanungin ko siya kung saan niya dinala si Steph. Napagalitan pa nga ako dahil sa pangyayaring iyon.

Pero kaninang umaga ay pinahintulutan na rin kami ng Direktor na ipagpatuloy ang imbestigasyon kay Yuri. Kinuha namin siya sa kanyang selda at dinala dito sa second level interrogation room. Ito ang room kung saan pinapaamin namin sa pamamagitan ng torture ang mga nahuhuli naming nagmamatigas pa rin. Maraming paraan sa pagtotorture ang maiisip mo sa lugar na ito dahil maraming kasangkapan ang makikita mo sa buong paligid.

Ito ay sadyang ginawa para lang takutin ang mga suspek na hindi umaamin. Madalas nangyayari ang ganitong interrogation kung wala kaming nakuhang cooperation galing sa mga suspek.

“Again tell me kung nasaan ang kinuha mong babae kahapon!” sabay suntok sa kanyang pisngi. “Tell me where she is!” at nasuntok ko na naman siya sa kabilang pisngi dahil sa galit. Dumugo pa nga ang kanyang labi dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya pero lalo pa siyang ngumiti at nang-inis sa akin. Ito ang tinatawang nilang makalumang paraan ng pagtatanong pero sa tingin ko ay hindi rin ito gagana sa lalaking ito. Malaki ang katawan ni Yuri at di hamak na mas matangkad sa akin pero alam ko rin na bibigay rin siya kapag umabot na kami sa iba’t-ibang klase ng torture.

“Tama na ‘yan!” pag-awat sa akin ni Denver. “We’ll be in great trouble if nalaman ni Chief ang ginagawa mo!” kunwaring sabi ni Denver. Baka gumana kasi ang Good Cop-Bad Cop strategy sa taong ito. Pero sa tingin ko ay sanay itong si Yuri sa interrogation dahil si Chief nga ay walang nakuha sa kanya. Hindi talaga siya nagsasalita kahit alam namin na nakakapagsalita at nakakaintindi siya ng Tagalog.

“Wala akong pakialam!” at sinuntok ko na naman si Yuri na parang nasaktan na sa ginagawa ko. Ang lalaking ito lang ang tanging link namin sa pagsabog sa library at siya rin ang kumuha kay Steph habang nagkakagulo ang lahat.

Susuntukin ko na naman sana siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chief kasama ang isang babae.

“What the heck are you doing?!” galit na sigaw ni Chief sa akin. Ngumiti lang babae pero isa itong makahulugan at nakakatakot na ngiti. Napansin ko rin na pinagpapawisan si Chief na pumasok sa room. Alam na man niya kung anong ginagawa namin kaya bakit pa siya nagtatanong. Kinabahan ako nang tinignan ko sa mata ang babaeng kasama niya. Nakangiti lang ito pero ang mga tingin na ay nakakatakot na parang gusto na niya akong patayin sa pagkakataong iyon.

“Let our supect go,” nakakapanlumong sabi ni Chief sa amin.

“What?!” halos sabay naming sabi ni Denver. Anong pinagsasabi niya? Na pakawalan lang namin ang bihag namin? Baliw na ba siya?

Hindi maaari! Kinabahan ako nang ngumiti na naman ang babaeng kasama niya.

“I said pakawalan ninyo ang suspect natin!” sabi ni Chief. Bubunot na sana ako ng baril pero biglang lumabas sa likuran ng babae si Steph na may hawak na baril at nakatutok ito sa amin.

“Steph?” hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit nandito siya at may hawak na baril. Parang iba ang kanyang kilos at sa tingin ko ay napipilitan lang siya. Napansin ko kasing nanginginig pa ang kanyang mga kamay.

Napansin ko rin na meron rin palang hawak na baril ang babae na nasa tabi ni Chief at nakatutok ito sa kanya. Kasama kaya nila si Yuri? Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit nandito si Steph at naglalakad siya papalapit sa amin. Kaya ko namang hatakin siya at agawin ang baril mula sa kanya pero wala akong ginawa. Hinayaan ko lang siya na makalapit kay Yuri. Ayokong madamay pa siya sa gulong ito. Masaya rin ako dahil nasa mabuti siyang kalagayan pero hanggang kailan?

“Ibigay mo sa kanya ang susi,” sabi ko kay Denver na hindi rin makapaniwala sa mga pangyayari. Bihag rin pala nila si Chief kaya isang maling kilos lang namin ni Denver ay siguradong merong mangyayaring masama. Hinagis niya ang susi kay Steph at pagkatapos ay itinaas namin ang mga kamay namin. Mahirap rin kasing makipaglaban dahil hindi kami nagdadala ng baril lalo na kapag nasa loob kami ng interrogation room.

“Why are you doing this?” narinig kong sabi ni Chief sa babae. Sa tingin ko ay magkakilala silang dalawa. Pero hindi naman sumagot ang babae at nakatingin lang ito kay Steph at Yuri na pumunta sa kinatatayuan nila. Nakatayo naman si Yuri na parang walang nangyari at pagkatapos ay binalikan pa niya ako ng tingin at ngumiti pa siya nang makalampas na sila sa babae. Inakbayan pa niya si Steph habang papalayo sila.

Nagpaiwan muna ang babae at sinigurong malayo na sina Steph at Yuri. “Don’t trust anybody,” sabi niya kay Chief at sabay tulak nito sa sahig. Pagkatapos ay nagtapon siya ng flashbang sa harap namin at tumunog na ang alarm ng school.

Matagal bago kami nakatayo dahil sa pagkahilo. Masakit pa nga ang tenga at mga mata ko pero pinilit ko pa ring tumayo.

Hinabol namin ang babae pero nang makalabas na kami ni Denver ay nagkakagulo na ang mga estudyante. Tumunog rin kasi ang fire alarm kaya nagsilabasan sila sa labas ng kanilang mga classroom. Mabilis ang naging kilos ng babae at hindi na namin siya nahabol pa dahil humalo siya sa mga estudyante.

Nakita rin namin si Chief na pinaghahanap ang babae pero mabilis itong nakatakas.

“Chief?” sabi ko sa kanya. “Kilala nyo po ba ang babaeng iyon?”

Matagal muna siyang tumingin sa mataas na totok ng building dahil parang meron siyang nakita doon. Nang lumingon ako ay wala na akong nakita.

“If I’m not mistaken that girl would be Natalia Kursikov, isang Russian Assassin na matagal nang patay. Bakit kaya siya nandito?”

Napaispip muna ako sandali. Isang patay na muling nabuhay? Ano kaya ang kinalaman ng babaeng iyon sa naganap na pagsabog dito sa school. Russian assassin? Hindi ko na mawala sa isipan ang mukha ng babaeng iyon. Talagang tinitigan ko siyang mabuti. At least kahit papaano ay meron pa rin kaming mga leads sa pangyayari.

Sa tingin ko ay Russian rin si Yuri at magkasabwat sila. Si Steph naman ay hostage ng grupo nila kaya alam ko rin na napipilitan lang siyang sumunod sa mga utos.

Sinabihan kami ni Chief na panatilihing lihim ang mga kaganapang iyon dahil isang mahalagang asset ang babaeng iyon kung mahuhuli namin siya ng buhay. At maraming bansa ang interesado sa kanya kaya mas mabuting mauna ang Pilipinas na makahuli sa kanya.

Agad kong pinuntahan si Denver kung meron siyang kuha sa CCTV footage para meron kaming reference pero sinabi niyang sira daw lahat ng mga footage.

Mabuti nalang at medyo photographic ang memory ko kaya nakatatak na talaga ang mukha niya sa isip ko. Nasa mga 30-35 taong gulang, mga 5’10” ang taas at medyo reddish ang mahaba nitong buhok. Masyadong maputi ang babae at naalala ko pa na medyo kulay asul ang kanyang mga mata.

Pinaguhit namin ni Denver ang description na iyon sa sketch artist namin sa NBI. Parang namukhaan ko agad ang ginuhit ng sketch artist. Hindi ako maaaring magkamali… siya ang babaeng tumulong para makatakas si Yuri.

Iniabot ng sketch artist namin ang larawan sa amin ni Denver.

“Mavz, parang merong kamukha ang babaeng ito, tingin mo?”

Alam ko na ang gustong sabihin ni Denver. Halos magkamukha nga sila… ang babaeng ito at si… si Stepheniele. Nakatulala lang akong pinagmasdan ang larawan at iniisip kung ano kaya ang kinalaman niya sa naganap na pagsabog sa library noong isang araw. Sigurado naman akong wala talaga siyang kinalaman dahil muntik pa nga siyang maging biktima.

Bumalik muli ako sa office para mag-imbestiga uli sa nasabing pagsabog. Nasa loob kasi ako nang biglang sumabog ang unang computer na siya namang ikinasugat ng isa pa naming kasama. Paano kaya naipuslit ang bomba papasok sa ahensya namin. Agad kong inakay ang kasama ko papalabas ng office at tumalon mula sa 2nd floor nang bigla na namang sumabog sa loob.

“What did I miss?” sabi ko sa sarili ko. Ano kayang mga detalye sa kasong ito ang hindi ko nakita. At naalala ko ang pagsabog na nangyari. Sigurado akong ang monitor ang unang sumabog pero sabi naman ng mga investigators namin na wala naman silang nakitang bomba o kagamitan sa paggawa ng bomba.

Pumunta agad ako sa evidence section kung saan nakita ko rin si Denver na hinahalukay ang mga parte ng computers na hindi masyadong nasunog sa pagsabog. Limang computer pala ang sumabog.

“Sabi ng investigators ay wala daw silang nakitang bomba kaya minabuti kung alamin kung ano ang naging sanhi ng mga pagsabog at napag-alaman kong lahat ng pagsabog ay mula sa mga monitors ng computers.”

“What do you mean?”

“Pinag-aralan ko ang lahat ng mahahalagang ebidensya at talagang wala akong makitang kakaiba liban na lang sa mga sirang monitors. Ang forensics rin natin ay walang nakitang mga kemikal o parte man lang ng bomba sa scene.”

Tama si Denver, makailang beses ko na ring nabasa ang report ng investigators at walang mga indikasyon na bomba nga ang sanhi ng pagsabog sa library.

“Kaya naman kinalikot ko ang computers mula sa pinagsabugan at ikinumpara ko ito sa mga ginagamit nating mga computers,” sabi niya habang pinapakita niya sa akin ang loob ng isang monitor.

“Anong nalaman mo?”

“Heto…” at ibinigay niya sa akin ang isang maliit na chip na kinuha niya mula sa loob ng monitor. “Isang microchip na hindi ko alam kung anong function. Palagay ko ay sadyang nilagay ito sa loob ng mga computers natin.”

“So paano nito napasabog ang library?”

“This chip can be accessed from anywhere in the world by any hacker. Kaya nila itong pasabugin saan man sa mundo. Pag-aaralan ko muna itong chip at aalamin kung paano ito nakapasok sa monitors natin.”

Hackers? Tama kaya ang teorya ni Denver? Kung ganun hindi lamang mga ordinaryong kalaban ang nagpasabog sa aming opisina kundi isang malaking organisasyon. Agad naming binalaan si Chief sa mga nadiskubre namin at mabilis naman siyang umaksyon. Pinadisable rin niya ang lahat ng mga chips na naka-install pa rin sa lahat ng mga computers namin.

“Good job,” sabi ni Chief nang pumasok kami sa office niya. Pinatawag niya kami dahil meron daw kaming mahalagang pag-uusapan. “Kayong dalawa lang ang pinagkakatiwalan ko sa ngayon dahil alam ko na merong isang mole dito sa ahensya natin. Pero ang pinagtataka ko ay kung papaano nakapasok sa mga monitors ang mga microchips na iyon?”

“Sa tingin ko po ay merong kinalaman ang kompanyang nanalo sa bidding at bumili ng mga units natin,” sagot ko naman. Kahina-hinala kasi ang kompanyang iyon.

“Kung ganun ay itinatalaga ko kayong dalawa na resolbahin ang kasong ito,” sabi niya at inilapag ang isang folder sa harap namin. Ito pa lang ang unang pagkakataon na mabigyan kami ng high priority mission. Nakasulat sa labas ng folder ang katagan “for your eyes only”. Ibig sabihin nito ay mapapasabak kaming dalawa ni Denver sa isang delikadong misyon.

Kinuha ko ang folder at binuksan ito. Agad kong nakita ang larawan ni Natalia Kursikov at ang profile nito. Ito ay isang lumang litrato noong kabataan pa lang niya. Dito ko nasigurado ang kaugnayan nila ni Steph. Magkamukhang-magkamukha talaga sina Steph at si Natalia… Hindi kaya?

Sa likuran ay nakasulat rin ang profile ni Yuri. Nabasa ko na kabilang pala si Yuri sa underground KGB na matagal nang nabuwag.

“Tayong tatlo lang ang nakakaalam ng impormasyong ito,” sabi ni Chief.

“Yes Chief,” sabi ni Denver.

“Agent Banquil?” sabi niya sa akin. “Are there any questions?”

“Are they related? I mean, Natalia, Yuri, and Steph?” ito kasi ang bumabagabag sa akin.

“That’s what you’re going to find out,” ito lang ang naging sagot niya. Hindi ko pa rin maisip na si Steph ay masasangkot sa ganitong kaguluhan. I want to protect her pero papaano? Hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

440 6 15
Isa akong nerd. Walang kaibigan. Ayaw sa maingay. Maikli ang pasensya. Madaling mairita. Sanay mag-isa. Pero simula nang dumating sa buhay ko ang kol...
6.4K 58 49
Mahal ko ang daddy ko pero diko na talaga kaya... Pano sapag Alis ni Mia ay dun nya nahanap ang tunay na mag mamahal sakanya...pano kung nalaman nyan...
8.6K 230 33
Simple lang akong magmahal. Nung Highschool nga kami binubully ako ng crush ko pero naging kami rin. Pero nung nalaman kong pinagpusta lang pala ako...
134K 4.4K 33
Paano ba mainlove ang nerd? Paano kaya kung mainlove ito at magulo ang buhay niya? Magkakaroon kaya siya ng happy ending? ThisCraaazyGirl