"Kinilabutan ako grabe! Lalo na nung nagkunwari akong jowa mo! Buti na lang napigilan ko ang sarili ko na tarayan yang Axel mo!"nangibabaw ang tawa niyang parang windshield wiper.
"Naku sinabi mo pa, buti na lang nandoon ka kundi mabibigwasan ko talaga si Axel!"sabi ko pa.
"Kung si Namjoon siguro ang kasama ko panigurado lalambot ang etit ko sa kilig!"pinalo ko siya dahit umaandar na naman yung pagiging loka-loka niya.
"Pero infairness, ang galing mong mamili ng jowa! Alam mo bang matunog ang pangalan niya dito sa LA dahil sa galing niya sa business industry at dahil isa na rin siyang dancer sa sikat na dance studio dito! Ilang beses ko na siyang inoobserbahan at masasabi kong daks siya!"natawa na naman tuloy ako sa huli niyang sinabi.
"Wala akong pakialam kung ganun siya kasikat o kahit anong yaman niya, tatadyakan ko talaga ang junjun niya kapag nalaman kong pinagpalit na talaga niya ako sa Hyuka na yun,"hindi na ako yung Abed na madaling panghinaan ng loob. Masasabi kong tanggap ko na kung sino talaga ako, at kailangan ko ring mahalin ang sarili ko.
"Speaking of Hyuka, naalala ko talaga si Kai sa kanya!"sumang-ayon ako sa sinabi niya. Nagmaneho na siya paalis ng cafe, pero napansin ko ang pagsulyap niya sa salamin.
"Wait bes, kilalang-kilala ko ang kotse ng Axel mo at mukhang sinusundan niya tayo! Pupunta muna tayo sa bahay namin ni Namjoon para hindi siya makahalatang nagsinungaling tayo,"tumango lang ako sa sinabi ni Kevin.
Mabilis lang naman kaming nakarating sa tapat ng malaking bahay ni Kevin. Bumaba kaming dalawa na parang mag-jowa pa rin kahit na pareho kaming kinikilabutan sa pinaggagawa namin. Pumasok kami at dumiretso siya sa isang room kung saan makikita lahat ng CCTV footages. Nakita namin ang pag-alis ng kotse ni Axel at napanatag ang loob namin.
"Ihahatid na kita pauwi, bago ka pa maunahan ni Axel sa pag-uwi,"hindi ko man lang nakilala yung jowa niya, pero sisiguraduhin kong magkikita pa kami nitong si Kevin sa sunod.
Binilisan niya nang kaunti ang pagmamaneho, at dahan-dahan naman akong pumasok sa gate ng bahay pagkarating ko. Napanatag ako nang makita kong nandoon si tita.
"Buti at dumating ka kaagad, sakto hindi pa nakakabalik si Axel,"pinainom niya ako ng juice at bigla kaming napatingin sa labas nang makarinig ng tunog ng sasakyan.
Nagtago kaagad ako sa kwarto ni tita katulad ng ginawa ko kanina.
"Bakit mukhang hindi maganda ang mood mo? Is there a problem?"rinig kong nakapasok na dito sa loob ng bahay si Axel.
"Something strange happened, may lalaking nakatapon ng tubig kanina kay Hyuka, nakipagsagutan ako sa kanya, pati doon sa boyfriend niya na kamukha ni Abed!"halata ang frustration sa boses niya.
"Parang bigla akong nawala sa sarili ko, hindi ko alam kung naiimagine ko lang yung mukha ni Abed sa taong iyon. Sinundan ko sila ng boyfriend niya hanggang sa bahay nila, pero hindi nga siya si Abed! Pero iba yung pakiramdam ko mama, what if si Abed iyon at nagkataong may amnesia siya?"tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa ko.
"Impossible! Bago ako pumunta dito, nakita ko pa siya. Baka naman nagkataon lang na kamukha niya yung nakita mo kanina,"ang galing din palang umacting ni tita huhu dinamay ko pa siya sa kalokohan ko.
"Siguro nga ma, wait lang maghihilamos lang po ako,"pumasok ang aligagang si Axel sa banyo. Lumabas naman ako sa pinagtataguan ko dahil wala naman kaming balak patagalin ang pagtatago ko dito.
Saglit na humagikgik si tita, at ako naman ay umupo sa mahabang sofa sa sala para makita kaagad ako ni Axel pagkalabas niya ng banyo. Nagtagal siya ng ilang minuto at naghanda ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Naglakad siya papunta dito sa sala, at nakita na nga niya ako.
"Surprise?"tinignan ko siya nang may halong pang-aasar.
Nakatayo lang siya doon ng ilang segundo, habang nanlalaki ang mga mata niya.
"Abed? Ikaw yung lalaki doon sa cafe kanina?"halatang hindi siya makapaniwala.
"Yes it's me, got a problem?"tinanggal ko ang suot kong salamin at pinatong ito sa lamesa.
"Yung lalaking kasama mo? Boyfriend mo yun? Pinagpalit mo na ba ako?"lumapit siya sa akin at hinawakan pa niya ang purple hair ko.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan? Kaya ko ginawa yun dahil mas importante pa yung Hyuka mo kaysa sa pakikipag-video chat sa akin,"kinalkal ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya ang picture naming tatlo nila Kevin at Kai.
"I've mentioned him before, he's Kevin, bestfriend ko rin bukod kay Kai,"tinignan ko siya nang seryoso at mukha naman siyang napanatag.
"Now tell me, what's the real score between you Hyuka?"jusko napapa-english ako nang hindi ko sadya.
"Hey, we're just friends! Don't be jealous!"tinaas pa niya ang dalawa niyang kamay.
"Pero walang halong biro, ang laki ng pinagbago mo Abed!"sabi pa niya na parang gulat na gulat sa nakikita niya.
"You too, COO Remoto!"pagsusungit ko pa sa kanya.
Hinawakan pa niya ang buhok ko at ang mukha ko. Niyakap niya ako nang mahigpit pero sinabunutan ko nang mahina yung buhok niya.
"Ikaw ha! Ang angas mo ang sarap tampalin niyang bibig mo lalo na sa cafe kanina! Pasalamat ka at marunong akong magtimpi sa kayabangan mo porket may narating ka na!"medyo pabiro kong sabi sa kanya.
"Bakit ikaw? Minura mo nga din ako kanina eh, sabi mo asshole ako? Jerk?"sagot pa niya at pinanlakihan ako ng mata niya.
"Ikaw kaya ang nanguna, kung hindi ka siguro kilala ni Kevin, malamang nasapak ka na sa pagiging rude mo!"pero aware naman akong kasalanan ko ito, sadyang hindi ko talaga nagustuhan yung reaksyon niya kanina.
"Sorry na! Iba ka pala magselos,"nilambing pa niya ako pero hindi ako nagpatinag.
"Doon ka sa Hyuka mo kung gusto mo, namimiss mo siya diba?"nagkunwari akong nagtatampo, para suyuin pa niya ako.
"I told you friends lang kami, nothing more, nothing less. I'm sorry kung hindi ako nakikipag-usap sayo minsan, I'm really sorry for making you upset and worried. I can't blame you kung nagawa mo yun kanina,"napangiti ako, dahil maunawain at mature pa rin pala siya sa kabila ng pagbabago ng buhay niya.
"Fine, sorry din sa nagawa ko kanina kay Hyuka at alam mo namang I didn't mean lahat ng sinabi ko. However, hindi ako nagsising sinabi ko ang lahat ng iyon,"ningisihan ko pa siya.
"You're being playful huh. Damn you Abed I miss you so much! Lalo akong natuturn-on sayo!"hindi na ako nagulat sa pagiging aggressive niya. Hinalikan niya ako nang kulang na lang ay ipasok niya sa bibig ko yung dila niya.
Napabitaw tuloy ako nang marinig ko ang pag-ehem ni tita.
"Kung gusto niyo, doon niyo na ituloy yan sa kwarto hehe,"nahiya tuloy ako dahil nakita pa niya kaming nagtukaan. Kung nanay ko siguro ang nakakita, baka bigwasan ako.
"Sorry po tita w-"
"No problem mom!"halos lumabas na ang kaluluwa ko sa gulat nang kargahin niya ako nang parang sako.
"Ano ba, ang harot mo talaga!"sinubukan kong pumiglas, pero nakatanggap lang ako ng isang palo sa pwet ko.
"Come on, hindi na tayo bata at anim na taon rin kitang hindi nakita at nahawakan nang ganito! Imagine six freaking years kang hinanap-hanap ng katawan ko!"jusko, ang libog at ang harot na rin pala niya ngayon.
Pumasok siya sa isang kwarto at inilapag niya ako sa kama.
"I really like you hair, and I fucking miss your soft lips,"tinignan niya ako na kulang na lang ay hubaran niya ako sa isip niya.
Isinandal niya ako sa headboard ng kama at iniupo niya ako. Idinikit niya ang noo niya sa akin at nagtitigan kami. Ganun pa rin ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya, sa tuwing ginagawa niya ito sa akin. Hindi pa rin nababawasan at nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. Napatunayan kong tinamaan na talaga ako nang todo sa kanya at hindi na ako naghanap pa ng iba dahil siya lang ang nagparamdam nito sa akin.
"I'm longing for you, thank you for not giving up on me. I feel incomplete without you,"nanlaki ang mga mata ko nang makitang may dumaloy na luha sa mukha niya.
"You're worth it, you deserve to be loved. I'm only yours,"gamit ang daliri ko, pinahid ko ang luha niya habang magkadikit pa rin ang noo namin.
Tumagal din ang titigan namin at naaamoy na namin ang hininga ng isa't-isa. He slowly traced my eyes, my nose, and my lips gamit ang index finger niya. Muling nagdikit ang labi namin at aaminin kong naging sabik rin ako sa halik niya.
.
.
.