抖阴社区

MY COLD ABUSIVE HUSBAND

By strawberryandd

330K 4.4K 217

Akala ko pag binigay ko lahat-lahat ay mamahalin niya na ako. Akala ko pag minahal ko siya kesa sa pagmamahal... More

K A B A N A T A 1
K A B A N A T A 2
K A B A N A T A 3
K A B A N A T A 4
K A B A N A T A 5
K A B A N A T A 6
K A B A N A T A 7
K A B A N A T A 8
K A B A N A T A 9
K A B A N A T A 10
K A B A N A T A 11
K A B A N A T A 12
K A B A N A T A 13
K A B A N A T A 14
K A B A N A T A 15
K A B A N A T A 17
K A B A N A T A 18
K A B A N A T A 19
K A B A N A T A 20
K A B A N A T A 21
K A B A N A T A 22
K A B A N A T A 23
K A B A N A T A 24
K A B A N A T A 25
K A B A N A T A 26
K A B A N A T A 27
K A B A N A T A 28
K A B A N A T A 29
K A B A N A T A 30 (EPILOGUE)

K A B A N A T A 16

10K 128 6
By strawberryandd










Nagising nalang ako ngayong umaga at tila hinahalukay yung tyan ko kaya naman mabilis ako nagpunta sa lababo at doon dumuwal.

Kanina pa ako suka ng suka sa hindi ko malamang dahilan, nanghihinang bumalik ako sa kama.


Ano bang nangyayari sakin?

Nabaling ang atensyon ko sa tumutunog kong cellphone at doon ko nakita ang unknown number na caller.

Hindi ko ito sinagot sa pag-aakalang scammer lang ito.

Ngunit hindi ito tumigil sa kaka-ring kahit ilang beses ko ng pinatay kaya napagdesisyunan ko ng sagutin.


"Hello?" sabi ko sa kabilang linya pero walang sumasagot.


Sabi na scammer to eh!



"Hello? kung dimo sasagutin ibaba ko—"

"Shania.." yun lang ang sabi nito sa kabilang linya pero alam na alam ko kung sino ito.


"G-grae?"


"Yes it's me my wife."


Wife. may hindi ako mapaliwanag na nararamdaman tuwing tinatawag niya ako nyan.


"A-anong kailangan mo?" sabi ko at pilit pinipigil ang sarili na hindi kabahan.

"Nothing...I just want to hear your voice bago ako tuluyang pumasok sa kulungan...and I want to say sorry..hindi ako magsasawang humingi ng tawad sayo Shania."

"K-kaninong cellphone ka nakigamit? bat iba yung number mo?" segway kong tanong dahil hindi ako naging prepared sa sinabi niya.

"Kay Rashley,kaibigan ko dinalaw niya kasi ako ngayon bago ako tuluyang makulong."

"Grae you know hindi mo naman kailangang gawin yan, napatawad na kita sa mga nagawa mong kasalanan at okay na ako don...wag mo ng ituloy yan besides maghihiwalay din naman tayo." kahit nasasaktan sa huling sinabi ko ay pinilit kong maging okay.

Kahit na sinabi kong pinatawad ko na siya ay hindi parin magbabago ang isip kong hiwalayan siya.

Mahal ko parin si Grae, hindi yun basta-basta mawawala pero sa tingin ko annulment muna ang magiging tuldok sa mga paghihirap namin.


"No! ilang beses ko ng sinabi sayo Shania na hindi ako makakapayag na makipaghiwalay ka sakin! I will make it up to you and make things right again so please wag ka munang sumuko." nagmamaka-awang sabi nito.

Naguguluhan man sa mga inaakto niya ngayon ay hindi na ako magpapadaig sa sinasabi ng puso ko.

"Dadalawin kita bukas dala yung annulment papers para mapirmahan mona." malamig kong sabi


"Shania no...please wag..don't give up on me please."


"I'm sorry Grae pero sumusuko na ang pusong matagal ng napagod." sabi ko at pinutol na ang linya ng walang pasabi.


Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako kaya agad kong pinunasan ito.


Naramdaman ko nanamang tila umiikot ang tyan ko kaya agad akong pumunta sa banyo para sumuka.




~•~



"Im Sorry Shania kung ngayon lang kita nacontact naging busy kasi ako sa bussiness namin." sabi ni Kean.

Bumisita ito sa bahay pero nagkataong ngayon ako pupunta sa presinto para papirmahin si Grae sa annulment papers.

"Ano kaba Kean,okay lang no,di mo naman ako responsibilidad." sabi ko at medyo tumawa.

Nakita ko namang biglang lumungot ang itsura nito.

"O bakit anong problema at napasimangit ka dyan." sabi ko at tipid siyang ngumiti sakin.

"I guess you can be fine without me Shania."

"Ha? anong ibig mong sabihin?"


"Pinapapunta ako ni Dad sa isang branch ng company namin sa Europe para ako na ang mag-handle non, I'll be staying there for good." bigla nitong sabi na siyang ikinagulat ko.

"T-talaga? congrats" malungkot na sabi ko

"And I want you to come with me Shania kung gusto mo." nagulat ako sa biglang pag-aya ni Kean.

Hindi agad ako nakasagot sakanya dahil sa sobrang pagkabigla.


"You don't need to answer right away Shania...pero I'm giving you 2 weeks para makapag-isip."

"Pero kasi Kean hin-" pinutol niya ang sinasabi ko.

"Pag-isipan mo muna Shania, I'm giving you two weeks para mag-isip." malungkot na sabi ni Kean.


I'm sorry Kean pero hindi ako makakasama,makakahanap karin ng babaeng magmamahal sayo ng buo at hindi ako yon.

Iyan sana ang gusto kong sabihin kay Kean ngayon pero mukhang nakakaramdam na ito kaya't pinigilan ako.

"Sige Shania kailangan ko narin kasing bumalik sa office eh." sabi niya at tumayo na.

"Ah ganon ba sige at may kailangan din akong puntahan ngayon." sabi ko

"Saan? ihatid na kita." alok nito

"S-sa presinto dadalawin ko si Grae para—" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"Okay I understand,tara na." sabi niya at naunang lumabas.


~•~


"Salamat sa paghatid mo Kean." sabi ko bago pinihit ang pintuan ng kotse niya.

"Shania...take care." pahabol nitong sabi bago ako tuluyang makalabas,nginitian ko nalang siya bilang tugon.


AGAD akong tumungo sa front desk na police station at sinabi kong dadalawin ko si Grae.

Inassist ako ng isang pulis papunta doon sa area ng mga dalaw.

Tahimik akong nakaupo at naghihintayo doon habang hinihintay si Grae dahil sinundo ito sa selda.

Nakita ko si Grae na naka orange na damit katulad ng ibang nakakulong dito at tila sumakit ang puso ko dahil sa nakita.


Dapat hindi siya nandito.

Nung makita niya ako ay ngumiti ito ng napakalawak at tumakbo papunta sakin kaya walang nagawa ang naka-escort na pulis dito kundi ang tumakbo din.


"Shania buti dumalaw ka." masayang sabi nito sakin.

Nginitian ko ito ng pilit,pinipigil maluha dahil sa kanyang sitwasyon ngayon.

Bakit ba napaka-emotional ko ngayon?

"Kumain kana ba? sinong kasama mo papunta dito?" sunod-sunod nitong tanong.


Kelan pa naging madaldal ang isang 'to?

Hindi naman siya ganito sakin dati.


Hindi ko siya sinagot at Nilabas ko ang isang envelope na naglalaman ng annulment papers.


"Grae gusto kong pirmahan mo na'to ngayon." sabi ko habang nakatingin sakanya.

Kumunot ang mga noo nito at hindi makapaniwalang tumingin sakin.

"Shania diba sabi ko sayo hindi ako pipirma dyan...you can't understand me." naiinis na sabi nito.

"Ikaw ang hindi makaintindi Grae, ang selfish mo bat hindi mo nalang ako pabayaan eto na nga ako at binibigay ang gusto mong paghihiwalay." naiinis koring sabi

"Dati gusto kong mahiwalay sayo,but not now! lalo na ngayong may hindi ako mapaliwanag na nararamdaman sayo damn it." mahina ang pagkakasabi nito sa huling sabi niya ngunit malinaw parin ito sa aking pandinig.

Nagkunwari akong hindi ko yon narinig at tinignan siya.


"Grae naman eh! kahit araw-arawin ko pa ang pagpunta dito mapapayag kalang na pumirma gagawin ko!" nagtaas na ako ng boses habang sinasabi ko iyon sakanya.

Tumawa naman siya ng mapakla at malungkot ang nga matang tumingin sakin.

"Gusto mo na talagang malayo sakin no?" malungkot na tanong nito.

"Oo Grae,gustong-gusto ko na kaya hayaan mona ako!"

"I'm sorry wife pero it will not happen." matigas na sabi niya sakin ngunit ang mga mata ay may bakas parin ng lungkot.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya.

"Nababaliw kana Grae!" naghi-hysterical kong sabi at tumayo para iwanan siya ngunit ilang hakbang palang ay tila nagihilo ako nandidilim ang paningin.

Unti-unting dumidilim ang paningin ko habang tuluyan ng kinain ng dilim pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nay narinig akong isang naga-alalang sigaw.







"Shania!"

Continue Reading

You'll Also Like

1K 46 22
"Don't expect me to love you. I never wanted this marriage in the first place!", he coldly said that made my heart bleed in pain. I blink my eyes to...
831K 14.8K 39
minsan ba natanong mo na ba sa sarili mo na, anong meron sya na wala ako? ano nga ba?? Tiniis Ko Ang Lahat Para Sayo Handa Akong Magpaalipin Para La...
She's Red By Mich

Teen Fiction

670K 23.3K 48
Leave me Alone! Stop, please...Leave me, now! Nagising ako mula sa panibagong bangungot. I curled myself into ball and placed my knees to my chest...
1.9K 18 27
Hoy babae! gising!" nagmulat ako ng mata at napansin ko na may wala akong damit ni isa, naramdaman ko na sobrang sakit na pagkababae ko. tumingin a...