抖阴社区

CHAPTER 1

100 3 0
                                    

Chapter 1

"Max, I got tickets for a movie. Let's watch it together, pleaaase."

We were in the middle of our review when I remembered the tickets Thea gave me for a movie.

She actually has three tickets with her, but she has no one to come since her friends were busy as well, so she just gave me the remaining two, for me and Maximus.

He stopped his readings and face me.

"What movie?" He asked and gets the tickets on my hand, to take a look.

I shrugged. "I don't know. But, it's actually a comedy movie, so I bet we'll enjoy it. It will be scheduled tommorow, 8pm."

He scan it for seconds before looking at me. He gave me back the tickets with a smile. "Alright. I'll fetch you."

I parted my lips with his sudden answer and gave him a hug. "Really? Awee, thank you."

Max never fails to make me happy. He never hesitates even once, if it's about my happiness.

He'll do everything for me and my and so do I. I happily continued my readings beside him.

Nasa library kami ng school namin at nag aaral para sa quiz. Third year highschool na kami na nag aaral dito sa St. Claire.

"Siya nga pala, mamayang lunch sasabay nalang ako kina Thea. Sabi mo may practice ka pagkatapos nito, 'diba?" sabat ko ulit.

Tumingin ulit siya sa akin at tumango sa sinabi ko. "Okay. Text mo nalang ako mamayang labasan para sabay tayong umuwi."

Nakangiti akong tumango sa kanya kaya pinisil niya ng mahina ang pisngi ko.

Nagpatuloy ulit kami sa pagbabasa hanggang sa matapos ang oras ng vacant namin at magpunta na sa susunod na klase.

Magkahiwalay kaming nagtungo sa kanya kanyang patutunguhan.

Dumiretso akong classroom namin habang tumungo naman si Max sa court kung saan ang meeting at practice nila.

Part ng basketball team si Max at captain siya ng buong first year kaya minsan abala siya kaka practice dahilan para minsan lang kami makasabay pag uwi at kina Thea ako sumasama.

Pagdating sa room, tahimik lang akong nagtungo papunta sa upuan ko.

Wala kasi ako masyadong close rito kasi sa paaralang ito, tatlo lang ang kilala ko at hindi naman ako 'yung tipo na pala kaibigan.

Hinihintay kong sila ang unang kumausap sa akin bago ako masanay sa kanila.

Sina Thea at Kai lang naman ang mga kaibigan ko dito dahil mag kababata na kami tapos si Max na six months kong boyfriend.

Silang tatlo lang talaga, malas nga lang kasi hindi ko sila kaklase. Si Thea at Kai lang mag kaklase tapos kaming ni Max, magkahiwalay.

Tahimik lang ako hanggang sa dumating ang teacher namin at binigyan kami ng isang task na by group.

Tatlong miyembro dapat sa isang grupo pero hindi pa ako nakakahanap ng grupo ko.

Kung pwede lang sanang magsolo nalang e.

Kanya kanya nang nagsitayuan ang mga kaklase ko habang nakaupo lang ako sa upuan ko at naghihintay na may lumapit sa akin.

Masyado kasi akong mahiyain kaya naghihintay nalang ako na may kusang lumapit sa akin, although sabi ni mommy hindi daw dapat ganito habang buhay pero wala rin naman akong magagawa, eh sa nahihiya talaga ako eh.

Tsaka may dumadating din naman kapag naghintay ka lang.

"Uhmm, Hi. Wala ka bang grupo, gusto mo sa amin nalang? Dalawang lang kasi kami, eh."

Found each other Where stories live. Discover now