抖阴社区

CHAPTER 41

175 1 0
                                    

Chapter 41

Flashback
"Saan ka pupunta?"

Napaangat ang ulo ko at nakita si Azi sa harapan ko nang may pag-aalalang mukha.

Sa lahat ng lalaking nakasalumuha ko, siya lang ang nakita kong may pag-aalalang mukha sa akin dahilan para mapangiti ako at gumaan kahit papano ang pakiramdam.

"Maari mo ba akong ihatid sa labas? W-wala kasi akong ibang malapitan malipat sa'yo e?" Nauutal na pakiusap ko.

Nilalamig na rin ako dahil sa basa kong damit.

Hindi ko nga alam kung kinakabahan pa ba ako dahil sa nangyari o nalalamigan lang dahil sa basa ang katawan ko kaya nauutal ako.

Masyado na ring malalim ang gabi kaya nakadagdag sa lamig ng paligid kung kaya't gustong gusto ko nang umuwi para makapagpalit at pahinga.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan nito.

Nahihiya akong makita niya akong ganito, nahihiya ako para sa sarili ko.

Napayuko ako at iniwas ang titig sa kanya. Akala ko hindi siya papayag kaya paalis na sana ako.

"Teka lang." Nagulat ako sa susunod na ginawa niya.

Walang salita niyang hinubad ang coat nito at marahang pinatong sa magkabilang balikat ko dahilan para tingnan ko siya nang labis na pagkagulat.

"Malamig. Ayaw ni Thea na mag-isa ka kung kaya't kahit wala siya rito ay kabilin-bilinan niyang huwag kitang iwan at pabayaan lalo pa't alam niyang wala kang malalapitan sa ganitong sitwasyon."

Puno ng sinseridad ang boses at mga mata ni Azi.

Isang ngiti ang binigay niya sa akin kung kaya't dahil do'n, hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko nang nagbagsakan ito mula sa mga mata ko.

Humihikbi ako nang tahimik habang nakayuko sa harapan niya.

Bigla kong namiss si Thea, lalo sa ganitong mga pagkakataon siya ang sandigan ko.

Wala siya rito ngunit kahit gano'n pa man, pakiramdam ko hindi ako nag-iisa.

Narito si Azi sa tabi ko at katulad ni Thea, alam kong hindi niya rin ako pababayaan.

Iyong ganitong pag-iisip sana mayroon ang lalaking ibibigay sa akin ulit. Iyong hindi toxic.

Iyong naiintindihan ako sa lahat ng bagay. Akala ko dati, katulad si Azi ni Zach ngunit ngayon, napagtanto kong hindi.

Magkaiba sila. Malaki ang pagkakaiba sa isa't isa. Mas angat ang katangian ni Azi kung kaya't napaka compatible nila ni Thea sa isa't isa. 

"S-salamat dahil dumating ka sa buhay ni Thea. Napakabuti mo." Naiiyak na saad ko.

I'm just so happy for my friend that she finally get a man who loves harder than her.

After all the traumas, heartbreaks, crying, she finally had a man who's gonna love her and take really good care of her heart.

Bigla siyang umiling na ikinataka ko. "Salamat sa inyo ni Zach kaya nakilala ko siya."
End

Ahh shit pinaalala pa ni Azi e. Hindi ko rin talaga gets iyong sinabi niya noon e.

Ano ba kasing koneksyon tungkol sa amin ni Zachary ang sinasabi niya.

Luh, e nung magkakilala nga kami aso't pusa kung mag-usap e, mabuti nga naalog iyong utak kaya nagbago nang medyo slight lang.

Found each other Where stories live. Discover now