Chapter 49
"Punyemas ka talaga, Azryl! Muntik na tayo roon ahhh. Ang daldal mo masyado!"
Kakakita palang namin ni Tuazon kanina at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang sabihin ni Azi iyon sa harapan niya.
Mabuti nalang at napigilan ko pa siya.
"Sorry, dude. Nagulat lang talaga ako. Teka, siya iyong kaibigan ni Althea ahh, 'di ba, may jowa na iyon?" tanong nito.
"Iyon na nga, Az. Pakiramdam ko hiwalay na sila at alam mo ba ang mas nakakagulat..." Parang tanga naman siyang tumango. "Siya ang nang-iwan. Alam mo namang maselan ako sa mga babaeng nang-iiwan."
Napakunot naman ang noo nito. "Kung gano'n, bakit mo siya nagustuhan pa?"
Napakunot bigla ang noo ko dahil sa kanya. "Kailan ko pa sinabing gusto ko siya? Adik ka ba? Hindi kami talo no'n." Nagmake face naman siya at hindi naniwala. Napailing nalang ako.
Tumahimik lang siya saglit tapos madaldal na naman. "Pa'no mo nga pala nalaman na siya ang nakipaghiwalay? Nagkausap kayo?"
Napakamot naman ako sa ulo. "Hindi ko rin sure e, pakiramdam ko lang." Napasapo ito sa noo at dismayado.
Basta ang alam ko, naiinis ako sa mga taong nang-iiwan at kasali na siya roon kahit hindi ko pa sigurado ang totoo.
"Sayang sa pagkain, guys. Makapag take out na nga lang." Megan was busy packing food for take out.
We had a dinner here at our resto. Nag-iisang babae lang siya pero wala namang problema roon.
Mabuti nga nagkaroon pa rin kami ng pagkakataong magsama-sama kahit maraming gawain e.
Sa mga sumunod na araw, hindi pa rin kami nagbabago, at mas lalong naiinis si Tuazon sa akin lalo na nung nagkita ulit kami sa kalye.
Punyemas naman kasing batang 'to masyadong nagmamadali, hindi nag-iingat.
Wala ako sa mood makipagusap at iniisip ang nangyari. Galit pa kaya siya ngayon?
"Talagang gusto kong magpalamig. Simula nung dumating ka nag-init na ulo ko. 'Di ako makapg-enjoy dahil sa'yo!"
Pakiramdam ko nawala na ang galit niya dati at napalitan na naman ng bago.
Naku, hindi nalang aminin na may gusto sa akin 'to e, laging badtrip kahit wala akong ginaggawa.
Nagkakasiyahan kaming magkakaibigan pero bigla akong umalis sa grupo.
Tipsy na si Wacky at nang-aasar sa akin tungkol kay Cassy. I don't know why I'm still affected whenever they mention her name.
Badtrip tuloy akong umalis at lumabas ng bar na hindi nagpapaalam sa kanila.
"Steve, ay mali! Sino ba 'yon!"
Damn you, Azryl. Muntik na naman akong malagay sa panganib dahil sa kanya.
Kapag ako talaga nakabawi, talagang dudurugin ko siya. Mali mali lagi ang sinasabi e, ma-issue pa ako nito.
Pagkalabas ko pa ng bar, nakita ko siya at hindi ako pinatahimik ng konsenysa ko nang makita siyang nag-iisa.
Alam kong tatanggihan niya ako kung kaya't hinintay ko munang makasakay siya bago ko bilisan ang pagmamaneho.
Mag-assume man siya o hindi, wala na akong pake.
Buong gabi akong wasak at nanlulumo. Nagsabay sabay kasi bigla ang mga nangyayari.
Bumalik ulit sa alala ko si Cassy dahil sa kanila at hindi ko alam kung bakit.
Maging sa paaralan ay naiinis ako at si Tuazon naman ngayon ang nagbibigay sakit ng ulo.

YOU ARE READING
Found each other
RomanceKianna Ivy got everything. Looks, intelligence, perfect family, strong friendship, and a lover whom she loved for her whole life. But destiny once played with her. She's moving on from all her pasts and tried to be perfect, but destiny came to her...