Chapter 26
"Bakit? Natamaan ka ba? Ginawa mo na ba dati o ginagawa pa hanggang ngayon?"
Napakunot noo ako sa kanya na matalas ang titig sa akin habang nakangisi.
Maya maya lang ay iniwas ko ang tingin at napakagat labi nalang sa sobrang pagpipigil ng inis ko sa taong kaharap ko.
"Umalis ka na nga, hindi ako makakilos nang maayos. Naalibidbiran ako sa pagmumukha mo. Hindi ko maatim na kasama ka sa loob ng silid na 'to," mataray na sagot ko.
Mukhang okay naman na siya ulit kaya nasusungitan ko na, tumatawa na nga e.
Nilingon lingon ko pa ang paligid dahil hinahanap ko kung saan ko nalagay ang papel na 'yon.
Baka na misplace ko 'yon ah. Naku, talaga. Lagot ako nito, tapos na 'yon e.
"Ano bang ginagawa mo rito? Gabi na ah," pagsasalita nito ulit.
Natigil ako sa paglilibot ng mga mata at tumigil sa harapan ko. Naku, baka ma-disappoint 'to dahil nawala ko 'yong papel.
Kung ano ano na namang sasabihin nito, na kesyo raw hindi ko tinatago sa ligtas na lugar, makakalimutin, at kung ano ano pa.
Baka ako pa sisisihin nito dahil sa hindi ako humingi ng tulong, kaya ako dapat ang sisihin dito.
Ayoko nga, hindi ko naman din kasalanan na ma misplace 'yon kaya nga ako nandito para hanapin.
"Wala, may hinahanap lang," dahilan ko nalang.
Tumango siya at hindi nagsalita kaya nagsimula akong maghalungkat ulit. Una kong pinuntahan ang upuan ko, baka nahulog banda roon e.
I look for it but it's nowhere there. I calm myself and tried to think properly to remember it.
"Anong hinahanap mo? Kailangan mo ng tulong?" He assisted. I just waved my hand at him with no words then continued searching.
"Okay, sabi mo e. Baka kailangan mo lang ng tulong, aalis na kasi ako e."
Nilingon ko ito nang nagtataka sa mga sinabi. "And so?" My brows furrowed, being curious.
Edi umalis siya, kanina pa nga dapat e nang hindi ako tumatagal rito. Ang dilim na kaya tapos tahimik pa. Tumawa lang naman siya sa tanong ko na 'yon.
"Baka kasi natatakot ka kaya sasa---"
"Sinong may sabing takot ako." Depensa ko. Although takot naman talaga, nagtatapang tapangan lang sa harapan niya.
Tumawa ulit siya. Ano ba 'to, hindi naman ako nakikipagbiruan tapos tawag nang tawa.
Porke't nakikipag usap ako sa kanya, that doesn't mean that we're totally fine.
"Pwede kitang hintayin hanggang sa matapos ka riyan. I can help you too so you can find it quickly."
I stopped searching and looked at him, narrowing my eyes. "What's with the sudden act? Are you teasing me again? I don't have time for your unfaithful words." I turned back at him, and continued searching.
"Kusa na nga akong tumutulong e. Akala ko ba 'yon ang gusto mo, na kusa ako lumapit dahil naghihintay ka lang." I heard those words.
It made me turn to him, slowly. I couldn't read his face. I'm not sure if he's being sarcastic, teasing or serious.
My brows furrowed. That's what I've said to Kyla and Trix when they asked me about Zach.
Flashback
"E, ano?" Sabay na tanong nila nang makarating na si Kyla.

YOU ARE READING
Found each other
RomanceKianna Ivy got everything. Looks, intelligence, perfect family, strong friendship, and a lover whom she loved for her whole life. But destiny once played with her. She's moving on from all her pasts and tried to be perfect, but destiny came to her...