抖阴社区

CHAPTER 18

50 2 0
                                    

Chapter 18

" 'Wag ka ngang magsungit. Lalo kang gumaganda, e," sabi niya sabay kindat at umalis na.

Mabilis kong sinarado ang pinto pagkatapos ng sinabi ni Zach.

Agad akong nagtungo sa kusina at uminom ng maraming tubig sabay hawak sa dibdib ko. Walang 'yang Zach talaga 'yon! Ang lakas ng trip.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, nagulat ako nung tumunog ang doorbell ko at nagtatawag si Meg.

Lalo naman akong kinabahan, ano namang ginagawa niya rito. She's even calling my name, and I need to open the door before she goes wild.

"Hi, Kia. Zach wants to grab something to eat right now, join us," masayang saad nito.

What? Sobrang saya ni Meg habang sinasabi niya iyon samantalang ako naman dito hindi na mapakali.

Nasa likuran lang si Zach at nakangisi sa akin kaya agad kong inirapan.

Ayokong makasama siya 'no, baka mamaya hindi na naman namin mapigilan ang mga sarili at basta basta nalang mag kasagutan sa harap ni Meg.

"Ahhhh, I would love to...alam mo...kaya lang...I'm doing something kasi, so I can't." She pouted upon my answer, while Zach immediately talked.

"Ano namang ginaggawa mo?" Nag make face pa siya sa akin, dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Grr kung hindi lang nakatingin sa 'kin si Meg, baka nahambalos ko na 'to. Iniwas ko ang tingin sa kanya at binaling kay Meg.

"Stuffs." Hindi siya naniwala sa sinabi ko, pero mabuti at napapayag ko si Meg.

"Sayang, akala ko pa naman makakasama ka namin. Sige na nga, mauna na kami. Ingat ka dito, ah." I smiled at her and nodded.

Naunang maglakad si Meg habang nag tatantrums pa kaya napangiti ako nang konti.

Paglingon ko sa harapan ko, nagulat akong makita si Zach na nakatitig sa akin habang nakakrus ang braso sa dibdib nito kaya tinaasan ko ng kilay dahilan para mapatawa siya.

"Stuffs, ha. Sige na nga, gawin mo na yung mga "stuffs" na 'yan." He teased before chuckling.

I gave him a glare but it never freaked him out at umalis ng tumatawa lang habang naiiling.

"Po? Ako talaga?!"

Nakakagitla naman ang bumungad ngayong araw na 'to at hindi ko ineexpect na ako pa ang mapili.

Ang mas nakakagulat pa si Zach mismo ang kapares ko sa paligsahang sasalihin ko raw.

"Yes, Ms. Tuazon. Bakit, may problema ba?" takang tanong nito.

Nabaling ang tingin ko kay prof at dahan dahang umiling sa sagot ko.

Nanlumo naman ako sa inuupuan ko at hindi lubos maisip ang gusto nilang ipagawa sa akin.

Nag-uusap pa sila kasama ang ibang mga professors habang tahimik lang kami ni Zach na nakaupo dito sa room namin.

Hindi naman ako mapakali at kinakabahan pa sa gusto nilang gawin namin.

Gusto kong mag back out. Magkatapat kaming nakaupo ni Zach na kanina pa tahimik.

Kaharap naman namin ang mga professors ng first year na may malawak na ngiting nakatingin sa aming dalawa.

"Alam kong alam ninyo kung bakit kayo pinatawag dito. Gusto kong mapag-usapan ng harap harapan ang magiging plano para sa nalalapit na Yearly Celebration ng paaralan na magaganap sa susunod na linggo."

Akala ko party party lang at sports ang magaganap, mayroon pa palang mga contest chuchu.

Napapikit nalang ako sa mga mata ko. Marinig ko palang iyong days na mayroon kami para maghanda mas lalo akong nasstress e.

Found each other Where stories live. Discover now