Chapter 27
"Kia, pauwi ka na? May sundo ka ba?"
Kakatapos lang ng klase namin ngayon.
Walang pasok mamayang gabi dahil busy si prof tsaka iilang araw nalang ang pasok namin sa ganoong oras dahil matatapos na ang sem na 'to.
It's a good thing, though it gave me a memory of that room.
We're now fixing things as the class just ended. Some of our blockmates were already outside.
My friends immediately went near me to ask. I lift my head to face them all.
"Susunduin ako ni ate." I answered back.
It's 5pm in the afternoon. I still need to wait for thirty minutes before she comes.
Wala pa akong lugar na mapupuntahan since alam kong uuwi na rin naman ang tatlong 'to.
I hurriedly finished fixing as they are outside now, waiting for me. The moment I lifted my head, my eyes went in Zach's direction at the back.
He gave me a small smile just as I did before leaving the place.
"Hintayin mo nalang si Aya. Lalabas na 'yon maya maya lang. Sa library ka na maghintay. Hatid ka na namin." A smile formed on my face as widely as I heard Gab's words.
I immediately nodded and my mood suddenly turned into a happy one.
Kahit hindi man nila ako masasamahan mamaya, ihahatid naman nila ako ngayon kaya okay na rin.
Atleast may kausap pa rin ako papuntang library, kaysa naman para akong tangang naglalakad.
Pagdating sa library, wala namang tao but still a good thing that I have my friends here.
We walked to the very end of this room. May mga grupo grupo kasi rito, ang iba ay may mga kasama, ako lang ang wala kaya mas mabuting sa pinakahuli nalang ako umupo so I won't hear mumblings and gossips.
"Okay ka na ba rito?" I nodded at them before getting my notebooks in my bag.
Nakatayo lang sila sa harrapan ko habang nakaupo ako at nag aayos ng mga gamit sa mesa.
"Kia, nilinis mo na ba sugat mo? Mukhang marumi na 'yong bandaid e." Kyla suddenly asked in between that small voice.
It made me look at my knee to check. I just changed it earlier this morning at marumi agad.
Kung saan saan kasi kami nagpunta kanina dahil palipat lipat kami ng rooms kaya siguro nakakapit ang mga dumi. Hindi ko pa na check kaninang lunch.
"Mamaya nalang. Wala akong bandaid e, tinext ko na si Aya na dumaan ng clinic bago tumungo rito," sagot ko nalang sa kanila kahit hindi totoo para lang hindi na mag alala pa.
Tumango lang sila at nang masigurong okay na ako ay aalis na sana ngunit nagpabitin pa.
"Sigurado kang okay ka lang dito? Gusto mo samahan ka na namin habang hinihintay si Aya?" Trixie insisted.
My brows furrowed, getting confused at them. "Oo nga. Mauna na kayo, kaya ko na rito 'no. Salamat sa paghatid." I chuckled.
Ilang minuto nalang naman at lalabas na si Aya tsaka hindi naman na ako mahihiya ngayon dahil wala namang tao rito tsaka hindi naman ako magtatagal e.
Natitiis ko pa rin naman ang pagiging mahiyain ko dahil wala namang tao rito. Komportable ako at hindi nahihiya.
Dahan dahan silang tumango at pati paglakad ay napakabagal din, nakatingin pa sa 'kin habang naglalakad ng patalikod.

YOU ARE READING
Found each other
RomanceKianna Ivy got everything. Looks, intelligence, perfect family, strong friendship, and a lover whom she loved for her whole life. But destiny once played with her. She's moving on from all her pasts and tried to be perfect, but destiny came to her...