抖阴社区

CHAPTER 1

1.3K 35 19
                                        

CHAPTER 1
[Camilla's Pov]

"Hahaha. So what's your plan na, Camilla?" Joyce asked teasingly.

Nagfacepalm na lang ako. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. Ayoko ng maging NBSB. I'm already 20 years old. Hindi naman ako panget, wala naman akong kapansanan. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit walang matinong lalaki ang nagkakagusto sakin? Puro adik, takas sa mental, takas sa bilibid at kung anu-ano pa ang mga manliligaw ko. Pilit ko silang tinatakasan pero nasusundan nila ako.

Nasaan na ba ang soulmate ko!? Na-stranded sa future, ganon?!

"Hindi ko na alam. Ayoko na, suko na ako. Nagawa ko na ang lahat." matamlay na sagot ko. Oh yeah, nagawa ko na ang lahat. Pumunta ako sa tuktok ng bundok at nagsindi ng insenso, saka ako sumayaw na para akong tanga. Gumigising ako dati ng alas tres ng madaling araw, para makumpleto ang simbang gabi at makapagwish ako. Ilang gabi akong nagpuyat at nag abang ng falling star, kasi nga magwiwish ako! Kumunsulta na ako sa babaylan at humingi ng gayuma, at nung itry ko sa crush ko, ayun... kinamuhian ako. Wow! Ayoko na. Hopeless romantic fool ang peg ko. Ako na. Ako na talaga.

"Haha! Sumama ka na lang samin sa Lemery, Batangas. Para makapag relax ka." sabi ni Shayne na hindi na nag abalang tingnan kami, dahil busy sa katext nya.

Buti pa itong dalawa kong bestfriend, may mga lovelife. Masasaya. Laging blooming. Eh ako? Nganga. Laging hagard. Tss!

"I like your idea, Shayne. Dun na lang tayo mag spend ng vacation. Madami daw beach dun." masayang sabi ni Joyce.

"Fine." bored na sagot ko.

Magrerelax na lang ako. Suko na ako sa paghahanap sa true love ko slash destiny slash soulmate. Ginawa ko na ang lahat. Nagawa ko na ang lahat, pero wala pa rin. I'm tired and i'm quiting.

"Kelan ang alis natin, Shayne?!" tanung ko.

"Kelan nyo ba gusto??"

"Bukas. I need a break."

"Okay, bukas tayo aalis ng madaling araw." deklara ni Joyce na patalon talon pa.

Wala pa rin ako sa mood. At silang dalawa, patawa-patawa, patili-tili sa binabasa nilang story sa wattpad. Kahit kailan, hindi ko talaga nahiligan yang pagbabasa. Nakakaantok lang. Tumingin ako sa wristwatch ko, mag aalas nueve na pala ng gabi.

"Uwi na ako." paalam ko sa dalawa. Pero yun nga busy sila sa pagbabasa, kaya lumakad na ako palabas ng bahay nina Shayne.

Walking distance lang naman ang bahay ko eh. Bahay ko talaga kasi wala na akong magulang. Ulilang lubos na ako. Namatay sila last year. Buti na lang mabait ang Tita ko at sinusuportahan nya ang pag aaral ko.

Pagdating ko sa bahay, deretso agad ako sa kwarto ko at pasalampak na humiga sa kama ko.

"Mag mamatandang dalaga na nga lang ako." sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.

Kung bakit kasi pag may gusto akong isang tao, wala naman silang gusto sakin. O mas malala, may iba silang mahal. Hindi pa naman sira ang ulo ko para patulan ang mga manliligaw kong hindi matitino. Mamaya, kung ano pang magawa nila sakin eh. At habang busy ako sa pagrereminicse, nabaling ang tingin ko sa salamin. Biglang pumasok sa isip ko ang kinuwento ni Tita sakin nung 1st year highschool pa lang ako.

--**--
(Flashback..)

Nagising ako dahil sa malakas boses na naririnig ko mula sa salas. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. 12am. At dahil sa kuryosidad ko, kahit inaantok pa ako ay naglakad ako palabas sa aking kwarto. Kinusot kusot ko ang mga mata ko habang dahan dahang naglalakad. Nakita ko naman si Tita Cristine na may hawak na mansanas at pulang kandila. Lalapitan ko na sana sya ng bigla na naman syang magsalita.

Message In  A Bottle [ENCHANTED SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon