CHAPTER 26
[Camilla's Pov]Nagumpisa na ang totoong digmaan sa pagitan ng masasama at ng mabubuting engkanto. Kanya kanya kami ng engkantong nilalabanan. Habang kaharap ko ang isang tikbalang ay hinahanap ng aking mata ang totoong pakay ko sa lugar na ito.
Tita Cristine, nasaan ka?
Halos lumundag ang aking puso ng umangat ang kamay ng tikbalang na may akmang susuntukin ako. Naging maagap naman ako, at hiniwa ko sya may braso. Napa-aray sya sa sakit kaya't agad ko syang sinaksak sa dibdib. Bumagsak ang tikbalang at nagkikisay.
"Mamatay ka!" sigaw ko at akmang sasaksakin ko na ng punyal ang tikbalang, ngunit may pumigil sa aking kanang kamay. Nang lingunin ko kung sino ay ganun na lang ang pagkagulat ko.
"Tita Cristine.." mahinang sambit ko.
--**--
[Hanin's Pov]"Tama na, Hanin. Tama na." pakiusap ni Lucilla habang magkaharap kami.
Tiningnan ko lang sya saka ako tumawa ng tumawa. Tama na?! Hindi! Hindi pa ako tapos! Hindi ko pa nakukuha ang gusto! Hindi ko pa nagagawa ang gusto kong gawin sa hangal kong kapatid!
"Hahahahahahaha! Nakakatawa ka, Lucilla. Saan ka humugot ng lakas ng loob para sabihin iyan sa akin? Hindi ka ba natatakot sa maaari kong gawin sa iyo??"
Umiling sya. Nanatiling determinado ang kanyang mukha.
"Kahit ganyan ka'y mahal pa rin kita. Hanin, tama na. Hindi ka ba napapagod? Pakawalan mo na ang galit at poot sa puso mo!" sagot nya.
Umangat ang kanang kamay ko at itinutok sa kanya sabay kumpas. Talsik sya sa konkretong poste. Nakaramdam ako ng kasiyahan.
"Hahahahahahahaha! Titigil lang ako kapag napatay na kita! Kapag naubos ko na kayong lahat!!" sigaw ko.
Marahan syang tumayo sapo ang kanyang balakang. Tiningnan nya ako. Na tila ba'y naaawa sya sakin at nainsulto ako.
"Umaasa pa rin akong magbabago ka, Hanin. Alam mong hindi ka ganyan dati. Mahal na mahal mo 'ko nun. Kahit lagi akong nagmamaldita sayo'y hindi ka sumuko sakin. Kaya hindi din ako susuko sa iyo. Hindi ko isusuko ang pagmamahal ko saiyo." sabi nya saka tuluyang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.
Natigilan ako.
Oo, lagi nya akong inaaway nung mga bata pa kami. Lagi nya akong sinisisi kahit sya ang may kasalanan. Malditang engkantada si Lucilla. Kapag may nagagawa syang mali sa akin nya ipinapasa. Kaya ako ang napapagalitan nina Ina at Ama. Kaya lumayo ang loob nila sa akin. Kaya ako nagalit sa kanila. Kaya ko sila tinalikuran.
"Alam kong ako ang dahilan kung bakit ka naging ganyan. Kung bakit ka nagbago. Ako ang nagtulak sayo upang maging isang demonyo. Pero.. ate.. matagal ko ng pinagsisihan iyon. Araw araw kong pinagsisisihan iyon hanggang ngayon. Patawad.. patawarin mo na ako." pagsusumamo ni Lucilla.
Napalunok ako ng sunod sunod. Tinitigan ko lang sya. Bumibigat ang pakiramdam ko. Nagsisikip ang paghinga ko.
'Hindi pwede ito!'
Tatlong beses kong itinaktak ang hawak kong tungkod kong gawa sa Mana. Ilang saglit ay lumindol ng malakas kasabay ang malakas na dagundong ng kalangitan. Nagdilim ang paligid. Humangin ng malakas.
"Hindi ako madadala sa pagmamakaawa mo! Papatayin na kita!!" sigaw ko at akma ko na syang patatamaan ng kapangyarihan ko pero sumigaw sya..

BINABASA MO ANG
Message In A Bottle [ENCHANTED SERIES]
FantasyDesperada ka na bang magka boyfriend? Yung tipong nagpaganda ka na, pero deadma. Yung kumapit ka na sa sablay mong gayuma? Yung gabi-gabi kang nagpupuyat, makakita lang ng falling star na tutuparin ang wish mo. Hanggang sa n...