CHAPTER 8
[Vincent's Pov]"Mukhang kailangan mo ng pumunta sa mundo ng mga tao, mahal na prinsipe. Malubha ang sugat ng mahal na reyna." nag aalalang sabi ni Tandang Carpio. Pinakamatanda at pinakamagaling na manggagamot na engkanto.
Nagkuyom ako ng kamao. Hindi talaga titigil ang kampon ni Hanin hanggat hindi nya nakukuha samin ang gusto nya. Nakatayo lang ako sa tabi ng higaan ni Ina at mataman kong pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ang kanyang buhok, may ay hindi purong ginto. May itim na hibla ito. Dagdagan pa na matagal ko ng iniisip kung paano sya natutong magbasa ng sulat ng tao.
"Mahal na prinsipe, nakikinig ba kayo??"
"Ha? Ano? Ibig kong sabihin, ano yung sinasabi mo??"
Napabuntong hininga sya kaya napakamot ako sa ulo.
"Pumunta ka na sa mundo ng mga tao. Hanapin mo ang Y-Xzkie. Bukod sa kaya nyang patayin ang itim na engkanto, nasa kanya din ang punyal na papatay sa kaluluwa ng engkanto."
Ang punyal na papatay sa kaluluwa ng engkanto. Tama. Kasi kaming mga engkanto, pag namatay kami, lilipas ang maraming taon at ipapanganak muli kami. Pero pag nasaksak kami ng punyal na pumapatay sa kaluluwa ng engkanto. Hindi na kami mabubuhay muli. Magiging parte na lang kami ng nakaraan hanggang sa tuluyan ng makalimutan.
"Masyadong malaki ang mundo ng mga tao. Saan ako mag-uumpisang maghanap??"
"Hindi ko alam, Vincent. Hanapin mo na lang si Mayumi. Sya ang makakatulong sayo."
Si Mayumi? Kalahating tao at kalahating engkanto. Anak sya ng isang malakas na engkanto sa isang mortal na babae. Ngunit ng ipinanganak sya ng kanyang mortal na ina ay namatay agad ito. Ang kanya namang Ama ay nasawi ng makipaglaban noon kay Hanin. Alam ni Mayumi kung anong pagkatao meron sya. At ngayon ay lagi nya akong itinataboy sa tuwing lalapitan ko sya. Ayaw na nyang masangkot sa gulo naming mga engkanto. Pero kahit ganoon, isa pa rin sya samin. Pero paano ko ba sya makukumbinsi??
"Magmadali ka na, mahal na prinsipe. Hindi magtatagal ay baka bigla na naman tayong salakayin ng mga itim na engkanto at maligno."
"S-sige po."
Naglakad ako palabas ng palasyo. Nakita ko pa si Ama na kausap si Vladimir at ang iba pang matataas na mandirigmang engkanto.
Nilampasan ko lang sila. Nagtungo ako sa may ilog at gumawa ng portal.
"Mayumi, ikaw lang ang makakatulong sa akin." sabi ko sa sarili ko at ng akmang tatawid na ako, may humawak sa braso ko.
"Luvinia?!"
"Pupuntahan mo si Mayumi??"
"Paano mo nalaman?"
"Eh narinig ko ang sinabi mo. Sasama ako."
"Hindi pwede. Dito ka lang."
"Hindi. Gusto kong sumama. At hindi mo ako mapipigilan." sabi nya tapos nauna pa syang tumawid sa portal kesa sakin. Wala na akong nagawa, tumawid na rin ako. Kailangan kong magmadali.
--**--
"Mayumi, nakikiusap kami saiyo. Ikaw lang ang makakatulong samin." pakikiusap ko.
Nandito kami sa bukana ng gubat. Nakita namin sya ni Luvinia na nangunguha ng mangga. At katulad ng madalas na nangyayari, umiiwas sya hanggat kaya nya. Nag anyong tao na rin kami ni Luvinia. Para kung sakaling may dumaang tao ay hindi kami katatakutan. Mas natatakot kami sa mga tao dahil kaya din nila kaming saktan.

BINABASA MO ANG
Message In A Bottle [ENCHANTED SERIES]
FantasyDesperada ka na bang magka boyfriend? Yung tipong nagpaganda ka na, pero deadma. Yung kumapit ka na sa sablay mong gayuma? Yung gabi-gabi kang nagpupuyat, makakita lang ng falling star na tutuparin ang wish mo. Hanggang sa n...