CHAPTER 14
[Camilla's Pov]Kinukulit pa rin ako ni Jackie na hukayin ang libingan ni Mama. Pero ayoko talaga. Inilibing mo na nga, huhukayin mo pa? Sina Shayne at Joyce naman, okay na ulit kami. Kinakausap at chinichikahan ako tungkol sa lovelife nila.
Kinuha ko ang mga tubal kong damit. Gusto kong maglaba. Kaso sa ilog at hindi dito. Gusto kong makasama si Vincent. :)
"Saan ka pupunta??" tanong sakin ni Jackie ng palabas na sana ako ng bahay.
"Maglalaba lang ako sa ilog."
"Malayo yun."
"Walang malayo kapag mahal mo ang pupuntahan mo."
Hindi sya nakasagot. Tama naman ako di ba? Pag nagmahal ka, lahat ng imposible nagiging posible. Lahat ng matalino, nagiging tanga.
Sumama na rin sya sakin papunta sa gubat. Tahimik lang kaming dalawa at nagpapakiramdaman. Medyo nangangawit na ang kamay at braso ko sa pagkakahawak ko sa basket.
** psst **
Naglingunan kami ni Jackie. I gave her what's-that-look pero nagkibit balikat lang sya. Naglakad na lang ulit kami.
** pssst pssst pssst **
Hinanap ko ulit ang sumisitsit na yun. Lintek, saang puno nagtatago yun!?
"Lumabas na kayo, Stan at Kyo!" mahinang sigaw ni Jackie.
Nakangiti naman silang lumapit samin. Kung saan sila sumulpot ay hindi ko alam. Nakatingin lang ako sa kanila. Ang gwapo nga nila. Hindi maitatanggi.
"Magandang araw, Y-Xzkie!" bati nung isa.
"Pwede ba, Kyo. May Vincent na si Camilla. Layuan mo sya." babala ni Jackie pero lalong lumapit sakin yung Kyo. Mas gwapo pag malapitan.
"Ako na ang magdadala nyan." hindi pa ako nakakasagot ay bigla nyang kinuha sakin ang basket ko.
Jusko! Ang mga underwear ko! Inagaw ko sa kanya ang basket pero napatangkad nya. Hindi ko sya maabot.
"Akina yan, Kyo!" inis na sabi ko.
Tawa naman ng tawa yung Stan. Anong nakakatawa!? Si Jackie naman, napahawak na lang sa noo nya.
"Papatayin kita kapag hindi mo binigay sakin yan!" pananakot ko. Bigla naman nyang binagsak ang basket at nagtago sa likod ni Stan.
Bwisit! Kung hindi ko pa tatakutin, hindi ibibigay. Kinuha ko ang basket at pinulot ang ilang damit na naglaglag.
"Pasensya na, Camilla." paumanhin ni Kyo. Inirapan ko lang sya.
"Tara na, Jackie."
Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. Sina Kyo naman at Stan, tumawa na ng tumawa sa likuran namin ni Jackie. Ano bang pinagtatawanan ng mga siraulong engkantong yun?? Para silang mga baliw.
Nang makarating kami sa ilog, may mga babae pa kaming nakasalubong. At tingin ko naman ay hindi nila nakikita ang dalawang engkantong nasa likuran namin.
Nang lingunin ko sina Kyo, aba at halos mabanat na ang leeg sa pagtanaw sa mga babaeng naglalakad.
"Tara, sundan natin sila." suhestyon ni Kyo kay Stan.
"Sige. Hahaha!"
"Maiwan na muna namin kayo. May magandang tanawin lang kaming susundan. Hahaha."
Nag apiran pa silang dalwa bago tuluyang sundan ang mga babae. Pambihira. Kung tao lang talaga sila, masusuntok ko eh. Tsk.
"Camilla, si Vincent." pukaw sa atensyon ko ni Jackie. Tinuro nya si Vincent na papalapit samin at may dalang mga bulaklak.

BINABASA MO ANG
Message In A Bottle [ENCHANTED SERIES]
FantasyDesperada ka na bang magka boyfriend? Yung tipong nagpaganda ka na, pero deadma. Yung kumapit ka na sa sablay mong gayuma? Yung gabi-gabi kang nagpupuyat, makakita lang ng falling star na tutuparin ang wish mo. Hanggang sa n...