CHAPTER 4
[Camilla's Pov]
Talaga palang napakalawak ng dagat, at ang sarap sa pakiramdam ang pagdampi ng hangin sa balat ko. Naglakad lang ako hanggang sa may napansin akong maliit na kweba. Gusto ko syang puntahan pero hindi ako marunong lumangoy. Tingin ko'y napakalalim na ng bahaging iyon.
Mataman kong pinagmamasdan ang kabuuan ng dagat. Nang mahagip ng mata ko mula sa gilid ko ang isang lalaki, naglalakad ito palapit sa akin. Pinakiramdam ko muna sya saka ko sya nilingon. Kahit may kalayuan ay kitang kita ko ang buong katawan nito. Half naked ito at nakashorts lang.
"Magandang araw, binibini." nakangiting bati nya sakin. At nung isang dipa na lang ang layo nya sakin ay napaatras ako.
Bakit ganun? Kanina sa malayo, natural lang ang itsura nya. Pero bakit ngayon, nag iba? Darkblue ang mata nya. Napakaputla ng balat nya, ang buhok nyang kanina ay itim ay naging kulay mais. Bumakas bigla sa gwapong mukha ang pagkagulat. Lalo syang namutla at napaatras. Napansin ko rin na wala syang philtrum.
"May problema ba??" takang tanung ko. Kakaiba talaga sya kumpara sa normal na tao. Humakbang na naman sya paatras.
"W-wala. Sige, mauna na ako. Pasensya na sa abala." tapos kumaripas sya ng takbo. As in mabilis pa sa kidlat na tumalima sya palayo sakin.
Tao ba talaga yun?! May super powers ba sya at nakatakbo sya ng ganun kabilis!? Mukhang dinadaya lang ako ng paningin ko. Ibinalik ko muli ang atensyon ko sa dagat. Iniangat ko din ang boteng hawak ko at nginitian yun na para bang may buhay.
"Sana, makita kita." sabi ko saka ko ibinato ng buong pwersa ang bote. Pinagmasdan ko muna itong inanod ng tubig saka ako naglakad pabalik sa cottage.
Sana.. sana maging daan ito para magtagpo ang mga landas namin. Umaasa ako. Kahit maliit ang posibilidad na may makakuha nito, umaasa pa rin ako. Sinubukan ko lang naman. At wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ko.
--**--
[Vincent's Pov]
Nakatingin lang ako sa babaeng nagtapon ng bote sa dagat. Iiling iling ako, sya yun sigurado ako. Sya ang babaeng bigla na lang tumawag sakin at ginambala ako. Napakaganda nya. Pero nung lapitan sya ni Stan, bigla itong tumakbo. Hindi kaya????
"Nandito ka lang pala!" biglang sulpot ni Kyo sa likuran ko. Kasama nito ang pinaka mayuming engkantada na si Luvinia at ang nakababatang kapatid nitong si Vianca.
"Kanina ka pa hinahanap ng mahal na hari at mahal na reyna." mahinhing sabi ni Luvinia, nilapitan nya ako at nakisilip din sa mundo ng mga tao.
"Tumawid na naman ba si Stan??" tanung nya. Tumango lang ako.
"Vianca, halika dito." tawag ni Luvinia sa kapatid nya, lumapit naman agad ito. "Gusto mo bang tumawid??"
Nagulat kami ni Kyo, isa sa pinaka madisiplinang engkantada si Luvinia. Ano't nanaisin nyang tumawid sa mundo ng mga mortal?!
"Bakit Luvinia?" takang tanung ko.
"Pagod na pagod na akong sumunod sa utos nina Ama at Ina. Gusto kong maranasan ang mamuhay sa kabilang mundo." sagot nito. Hinawakan naman sya ni Kyo sa braso.
"Nahihibang ka na ba, Luvinia!? Alam mong hindi pwede iyan." saway ni Kyo.
"Talaga?! Kung hindi pwede, bakit nanirahan sa mundo ng mga mortal ang iyong mga magulang?!"
Hindi nakasagot si Kyo. Oo, nanirahan din ng ilang taon ang magulang ni Kyo sa mundo ng mga tao. Tumagal sila doon ng ilang taon, pero dahil sa magkaiba ang takbo ng oras namin at ng oras ng mga mortal, saglit lang silang nawala dito.
BINABASA MO ANG
Message In A Bottle [ENCHANTED SERIES]
FantasyDesperada ka na bang magka boyfriend? Yung tipong nagpaganda ka na, pero deadma. Yung kumapit ka na sa sablay mong gayuma? Yung gabi-gabi kang nagpupuyat, makakita lang ng falling star na tutuparin ang wish mo. Hanggang sa n...
![Message In A Bottle [ENCHANTED SERIES]](https://img.wattpad.com/cover/34304158-64-k379217.jpg)