抖阴社区

CHAPTER 24

436 14 6
                                        

CHAPTER 24
[Camilla's Pov]

     Buong akala ko noon hindi na ako hahabulin ni Vincent. Nagulat na lang ako habang naglalakad ako palayo sa palasyo ay bigla syang sumulpot at binuhat ako pabalik sa palasyo.

     Bumabalik balik pa rin kami ni Jackie sa mundo namin kada lilipas ang isang oras. Ang nagsisilbing orasan namin ay isang hourglass. Kailangan naming gawin yun para hindi magtaka samin sina Joyce at Shayne.

      Nagsanay na rin akong makipaglaban gamit ang espadang gawa sa purong pilak. Si Jackie ay ganun din. Napansin ko lang na parang may kakaiba kay na Jackie at Kyo. Lagi silang magkasama. Minsan ay nagtatawanan pa. Samantalang noon naman ay inis na inis si Jackie kay Kyo. Mukhang may nabubuong pag ibig ah?

     "Handa ka na ba??" tanong sakin ni Vincent. Inabutan nya ako ng isang pulang pulang mansan.

     "Oo. Ikaw? Sila? Handa na ba sila??" balik tanong ko sabay kuha sa mansanas at kinagatan ito. Tinutukoy ko ang mga mandirigmang engkanto.

      "Handang handa na kami, Camilla." sagot nya saka hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon. "Kahit anong mangyari tandaan mo na mahal na mahal kita. At poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya."

      "Ganun din ako, Vincent. Lalaban ako para sa Tita ko. Para sayo, satin at sa kaharian nyo. Hindi mananaig ang kasamaan. Matatalo at matatalo sila ng kabutihan." nakangiting sagot ko.

      Nilapitan naman kami ng Inang Reyna at ng Amang Hari. Nakasuot pandigma rin sila.

     "Ikaw na lang ang hinihintay naming magdesisyon, Y-Xzkie. Isang sabi mo lang, susugod na tayo." sabi ni Inang Reyna.

    Ngumiti ako sa kanilang lahat.

     "Sige po. Ihanda na natin ang ating mga sarili. Babawiin ko ang Tita ko at wawakasan natin ang kasamaan ni Hanin!" sigaw ko.

     Naghiyawan din ang ibang mga engkanto. Hinawakan ni Vincent ang kamay ko at bahagyang pinisil. Nagkangitian kaming dalawa.

    'Para sa ikatatahimik ng lahat ng engkanto at para sa amin ng Tita ko. Lalaban ako.'

--**--
[Hanin's Pov]

     "Mahal na reyna! May dapat po kayong malaman!" hingal na sabi ng isang engkantong itim. Kasama nito ang ilan pang mandirigma namin.

    "Ano iyon??" tanong ko habang kumakain ng ubas. Nakaupo ako ngayon sa aking trono at katabi si Cristine.

     "Sinusugod na tayo ng kabilang kaharian!" sagot nya.

  

     Tinaasan ko sya ng isang kilay at saka ako tumawa.

     "Hahahaha! Bakit parang takot na takot ka? Na satin ang Y-Xskie. May tagapagligtas na tayo." sabi ko saka ko tiningnan si Cristine na nakangiti din. Sinanay na sya sa pakikipaglaban nitong nakaraan. Buong buo na ang lakas nya. Hindi lang 'yon, dahil nakikita kong unti unti na rin nagpapalit ng kulay ang marka nya.

     "Nagkakamali kayo, Mahal na Reyna. May kasama rin silang Y-Xskie! Mas malakas kesa sa...." sagot nya saka tiningnan si Cristine.

     Pati ako ay napatingin na rin. Hindi kaya totoo ang sinasabi ni Cristine noong mortal pa sya? Na hindi lang sya ang Y-Xzkie!?

     "Lapastangan! Malakas na si Cristine! Dinagdagan ko pa ang taglay nyang kakayahan. Paan--"

     "H-hawak ng Y-Xzkie na 'yon ang punyal." kabadong sabi ng itim na engkanto.

Message In  A Bottle [ENCHANTED SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon