(A/N: L-A po ang basa sa LA UNIVERSITY, mag kahiwalay mo yung L & A word)
______________________
Amaris POV
"Hoy mashang, mag behave ka ro'n ah, aso kapa naman sa boses mo. Hilig tumahol. Huwag mo akong ipahiya." Sabi ni kuya.
ASO!?
TSK.
KUNG ASO AKO AY SIBERIAN HUSKY AKO, EH SIYA BULLDOG AT SHIH TZU. PARA BULLSHI*!
AYY... SORRY, MALI IYONG WORD NA 'YON, BAD WORD.. LAGO AKO KAY ANGELITA NIYAN.
PEACE. HEHEHE.
"Bakit naman kita ipapahiya kuya? tska, pag dating natin doon sa manila ay ituturing kitang parang hindi ko kilala.. dahil sikat ka do'n at mag tataka sila kapag nalaman nilang kapatid mo ako.." Humina ang boses ko.
Nag iba ang awra ni kuya, parang nagalit siya sa sinabi ko.
"Mashang.. kapatid kita at hindi ko ikinahihiya 'yon, kaya kuya ang itawag mo sakin kapag nandon na tayo."
"Pero-"
"That's final." Ayan na naman ang word niya.
Natatakot talaga ako kapag sinasabi niya iyan, parang boss ko siya eh.
Hindi nalang ako umimik.
Pinuntahan ko nalang si jen dahil may kaylangan siyang ipaliwanag sakin.
Nakita kosi jen na nakatingin kay kuya habang nag bubuhat ng gamit. Kita kasi yung muscles ni kuya kaya titig na titig si jen doon.
Nako, nahumaling na talaga si gaga kong jen.
"Jen! Hinay-hinay sa pag titig sa kuya kong babaero, baka mapapak mo 'yan." Napayuko siya sa hiya.
"Anong mapapak! tsss.. hindi naman eh.. nakatingin ako doon sa aso mong si krimi! uyy chu, kapag nag kaanak si krimi pengeng isa ah?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Oo ba, basta bayaran mo dahil hindi libre!" Natawa ako sa sinabi ko.
Kaylan pa ako naging masungit kay jen?
Maraming beses na pala. hehe.
"Pero bakit kanga ba sasama samin sa manila? Kung mag babakasyon karoon ay huwag na jen, may klase kayo noh." Sabi kopa.
Kumapit siya sa braso ko.
"Hindi noh!"
"Hindi ka tutuloy?"
Ngumisi siya.
"DOON AKO MAKIKITIRA SAINYO! DOON AKO MAG-AARAL SA LA UNIVERSITY AT MAG KAKASAMA PARIN TAYO!!!"
Napanganga ako. Natuwa ako pero nangangamba parin.
"Makakasama ako o makakasama ang kuya kong babaero?" Paninigurado ko.
Bumalik ulit ang tingin niya kay kuya, na ngayun ay nakatingin pala samin.
"Ah.. syempre.. BOTH! HEHEHE.."
Sabi na eh.
"Tss, manahimik ka jen. Nandito ang pamilya mo kaya dapat dito karin, tska hindi madali ang buhay sa manila noh. Maraming tao at maraming polusyon doon."
Ngumuso siya.
Nag pa cute pa, cute naman.
"Nandoon si tatay sa manila, nandoon din yung factory namin kaya gusto kong Itry na doon tumira. Okay naman kay mama eh, susunod naman siya sa manila pagtapos ng bwan."
Niyakap niya pa ako. "Tska ayaw kong mahiwalay sayo chu.."

BINABASA MO ANG
Love me until the moonlight comes [VSOO]
RandomMadali para sa isang Vhor hunter Moonchester ang makuha ang gusto niya, lahat kaya niyang gawin, lahat kaya niyang bilhin dahil mayaman siya, gwapo siya, sikat siya. Wala siyang pakialam kung may nasasaktan siya, basta nagagawa niya ang gusto niya...