Amaris POV
Hindi ko parin ma alis ang tingin ko sa kaniya.
"A-ah eh, tumapon ang pagkain sa damit ko dahil sa babaeng 'yan." Sabi ni doggie.
Itinuro ni vhor ang pinto ng canteen.
"I don't care. Nakikita mo 'yun, diba? Ngayun humakbang ka papunta ron, at umalis kana." Matigas na sabi ni vhor.
Walang na gawa si doggie kung 'di sundin ang winika ni vhor.
Maya maya pa ay humarap siya sakin, naka ngisi na naman siya.
"Ang slow talaga," Sabi niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Akala ko ba hindi mo na ako tatawaging slow at hindi na kita makikita pa rito," Naiinis kong sabi.
"Hoy, for your information. Pag mamay-ari ko ang school na ito, kaya ako ang batas. Isa pa, god ako para mag adjust sa tulad mo." Sabi niya sabay hawak sa pisngi ko at pinisil ito.
"Ano ba!" Sigaw ko at hinawi ang kamay niya.
Loko loko siya ah!
"Slow ka naman talaga, bulag pa. Tska masanay kana, dahil ayun ang lagi mong maririnig sakin. SLOW,"
Sa inis ko ay dapat sasapakin ko siya ng umiwas siya kaya na out of balance ako ulit at natumba.
Ang malas ko talaga kahit kaylan! NAMAN OH!
Narinig ko ang mga tawa niya, demonyito talaga.
Pumunta siya sa harapan ko at lumuhod, tawang tawa parin siya at pinisil niya na naman ang pisngi ko.
"Hanggang kaylan ba ako tatawa sayo, slow? Grabe... HAHAHAHA kulang nalang mamatay ako sa kakatawa." Todo ang pisil niya sa pisngi ko.
Hindi mataba ang pisngi ko ah!
"Ano ba kasi! Sana nga mamatay kana!" Sigaw ko.
Nag bago agad ang ekspresyon niya, naging seryoso at
nakaka-pangilabot.Hindi ko maiwasang hindi lumunok.
Mukang ginalit ko na naman ang lion...
"Amaris, tayo na d'yan." Boses ni A at tinulungan niya akong maka tayo.
Tumayo narin si vhor at tila naiinis.
Pinagpag ni A ang damit kong may kanin.
"Ayos ka lang ba? Dadalhin kita sa clinic." Aniya.
"Ah-" Hindi kona natapos ang sasabihin ko.
"Bakit mo siya dadalhin sa clinic? Hindi naman siya nasaktan, A slow siya kaya nangyari 'yan sakaniya." Sabi ni vhor.
Nag igting ang panga ni A pero wala parin siyang emosyon.
"Hiniyawan na nga si amaris tapos dadagdagan mo pa, vhor stop this. Hindi ka ba nag sasawa kaka-asar mo sakaniya?"
Napatingin ako kay cynea, tila siya ay naguguluhan sa nangyayari.
"Matagal ako bago mag sawa, A. And besides nakakatuwa kaya siyang asarin, bagay lang naman sakaniya ang salitang slow e."
Bagay nga, kasi slow ako...
"Bahala kana kung ano ang gusto mong sabihin, tara na amaris." Hinawakan ni A ang kamay ko at hinila ako pero...
Nahawakan ni vhor ang isa ko pang kamay kaya hinitak niya ako pabalik sakaniya.
BAKIT GANITO NALANG LAGI ANG EKSENA?!

BINABASA MO ANG
Love me until the moonlight comes [VSOO]
RandomMadali para sa isang Vhor hunter Moonchester ang makuha ang gusto niya, lahat kaya niyang gawin, lahat kaya niyang bilhin dahil mayaman siya, gwapo siya, sikat siya. Wala siyang pakialam kung may nasasaktan siya, basta nagagawa niya ang gusto niya...