(Ang chap na ito ay focus kayla Remi & Chaz and Haviaree & Asher, next chap kayla Vhor & Amaris ☺ ENJOY READING!💜)
(Bigyan natin ng POV si Remi the remix 😂 Para naman matuklasan niyo kung pano/bakit niya minahal ang isang babaerong si Chaz)
Remi the remix POV (Feeling girlfriend ni Chaz de babaero)
Mwuah!
Mwuah!
Mwuah!
Hmmm!! Ang bango bango ng pawis ni Chaz!!! Kinikilig ako! Pakiramdam ko parang kayakap ko siya dahil niyayakap ko itong mabango niyang bimpo!
Hermes
Mamahalin kaya ang bimpong ito? Hermes eh.. Pero teka! Nagtataka kayo kung bakit nasa akin ang bimpo niya noh? Well... Kanina kasi pumunta ako sa court at nakita kong nag papractice sila Chaz, inabutan ko siya ng tubig dahil halatang nauuhaw na siya sakin--este sa tubig. Kaya ayun, tapos nagpunas siya ng mukha pati ang malaki niyang muscles sa braso ay pinunasan niya, pumuslit ako para kuhanin ang bimpo niya at BOOM! Ngatngat-ngatngat kona ngayun, HIHIHI!
Wag kayung maingay! Shhhhh! Secret lang natin, at balak ko itong itago forever---at syempre hindi ako TANGA para labhan ang bimpo niya noh! Hindi naman mabaho ang pawis niya kaya hindi rin babaho ito, promise!
Pakilala muna nga ako, wait lang! My name is Remi Ross not Remi Remix! Hihi, half Australian ako kaya ganito ako kaganda. Sa lahat ng naging kaibigan ko ay si Mich ang pinakaclose ko dahil kaklase kona siya simula grade 1 ako, ewan ko ba sa lalaking iyon naging bakla pagkatapos nilang mag break ng ex-girlfriend ni---OPS! Nadulas. Basta 'yun, tas may lima akong kapatid--OO LIMA! Diba ang landi ng magulang namin, pero sadly ako lang ang babae dahil puro lalaking malalandi ang naging kapatid ko, ma'brother's. Tas eto na!!! Si Chaz my loves--este Chaz Martinez ang ultimate crush ko! Hindi lang basta crush dahil MAHAL KO NA ATA SIYA!!!
ERASE THE 'ATA' BECAUSE I'M SO REALLY REALLYx5 IN LOVE WITH HIM--The babaero pero wapakels kasi ganon daw talaga kapag GWAPO!
"Grade 7 palang po ako, nakikita kona siya sa mga magazines, dun ako nag-umpisang magkagusto sakaniya. Makalaglag panty kasi ang kagwapuhan niya tas konting ngiti lang niya ay parang naidadala kana niya sa langit! Simula non minanmanan kona ang bawat kilos niya kaya matagal na akong nasampal ng katotohanang BABAERO talaga siya, hayup sa mga babae.. Pero iyung taong hayup pagdating sa babae ang nagpatibok ng dibdib ko--ng puso ko pala dahil wala naman akong dibdib e.. Kaya simula non pinangako kong siya lang ang mamahalin ko forever!" Bigla akong umiyak kaya aksidenteng naipunas ko ang hermes ni Chaz g*go sa mukha ko.. Hmm bango talaga, hinayupak ka.
"Pero sadly... I s-saw him.. ki-kissing other girl--!! Retokada naman ang babaeng 'yon e! Fake ang dibdib! Fake ang lips! pero bakit nagustuhan iyon ni Chaz?! I.. I really l-love him.. He's my light in my dark world.. I assume that he love me too, cuz he's always smiling at me.. Lagi niyang pinapatibok ang puso ko sa tuwing lalapit siya at hahawakan ang kamay ko.. At nagawa niya akong yakapin at Icomfort... But HE BETRAYED ME! AND I KNOW THAT HE NEVER FEEL SORRY--!!" Pinigilan ko ulit umiyak, nagtawanan ang iba pero may ibang umiiyak.
"Ms Ross.. Gan'yan talaga ang pag-ibig. Bata kapa at ang payo ko sayo ay wag masyadong pakatanga, ok?"
Natawa ng mahina ang babae."Nakakabaliw man ang pag-ibig pero mas nakakabaliw kung mapupunta ka sa mental hospital.. Ms Ross, kung ako sayo iinom mo 'yan or pakalunod kasa tulog para ma-forget mo siya!" Magandang payo ng isang bakla.
May libreng pa-advise kasi si Mayor about pag-ibig, kaya eto.. Nilalabas ko lahat ang sakit sa dibdib ko, dahil sa totoo lang isang patak nalang ng tubig ay mapupuno na ako. Ngumiti ako ng malaki at bumaba na ng stage, agad akong tumakbo papunta sa likod ng stage kung saan walang tao. Umupo ako roon at napaiyak nalang.

BINABASA MO ANG
Love me until the moonlight comes [VSOO]
RandomMadali para sa isang Vhor hunter Moonchester ang makuha ang gusto niya, lahat kaya niyang gawin, lahat kaya niyang bilhin dahil mayaman siya, gwapo siya, sikat siya. Wala siyang pakialam kung may nasasaktan siya, basta nagagawa niya ang gusto niya...