抖阴社区

CHAPTER 32 Lion vs tigre

18 7 13
                                        

Charot charot pa si vhor. May nalalaman pang I CHANGED MY MIND MIND MIND! Akala ko hindi matutuloy kung saan kami pupunta pero nagbago ang mood ni demonyito, naging ganado ang tarantado.

"Bilihan ng aso?" Taka kong tanong, ngumisi si tado.

May bago nakong tawag sakaniya. Vhor tado, in short for tarantado, oh diba astig?

Karga karga ko si krimi maarti, ayaw kasing pababain ni vhor si krimi maarti dahil walang sapatos na suot-suot, mag kakakalyo raw ang aso kong maarti. Maarti talaga ang mayayaman, bakit hindi nila itry na mag ka kalyo para may kukotkutin sila araw araw?

"Good afternoon, sir and maam!" Masiglang bati nung nagtitinda ng mga aso, hindi siya nakatingin sakin o kay krimi maarti, nakatingin ang gaga kay vhor tado.

"Hello po, tinderdog!" Napakunot naman ang tindera.

"P-po?"

"Tindera plus dog, ikwals tinderdog!" Galing ko diba? Bago kong pauso, bawal gumaya.

Ngumiti lang siya pero bakit wala parin sakin ang tingin ng tinderdog na 'to? Kay vhor tado siya nakatingin at parang naiihi pa ata siya ah, baka magsabog siya dito, di ako ready.

"Gusto ko ng Pomeranian," Sabi ni vhor tado.

"P-po?" Ay kalabaw, kinikeleg ba si tinderdog?

"I said, I want pomeranian. Meron ba kayo non?" Unti unting tumango si tinderdog, jusko pinagpapawisan siya..

"O-opo n-naman... D-dito po t-tayo.."

"Follow me," Sabi ni vhor.

"Follow her, hindi ikaw, tado." Sumimangot siya, lumitaw lalo ang kaniyang... kapangitan.

Aw Aw Aw!

Tahol ng mga aso, at dahil hindi mag papahuli si krimi maarti sa tahulan ay..

AW AW AW! WAW WAW WAW! -Tahol ng maarti kong krimi.

"E-eto po sir and maam, bagong angkat lang po iyan rito galing US.." Angkat? Ano ito kamatis?

"Good, can I touch h-?"

"Him po sir, lalaki po siya.." Hindi ko alam pero biglang napangiti si vhor, napakapit naman sa bakal si ate dahil parang mahuhulog na siya, nag kagat labi pa.

May kalan din pala siyang tinatago...

Dian..

Kinuha ni ate 'yung cute na pomeranian, grabe pang mayamang aso ito ah! Inabot ni tinderdog si pomeranian kay vhor tado, muling napakapit si tinderdog...

"Wow, look at his eyes..." Manghang mangha si vhor tado, na inlab na ata sa kapwa niya aso.

Ang aso naman ay nag puppy eyes pa kay vhor tado, parang nag papaawa, ang cute kasi sarap pisilin.

"Hi! Dogie aw aw!" Hinimas ko ang mahaba at makapal nitong balahibo, isinantabi ko muna si krimi maarti.

"What do you think?" Sabi ni vhor tado pero parang bulong lang.

"Ganda! Nice! Beautiful! Amazing! Wow!" Ngiti ko, napailing nalang siya.

"Gusto mo ba?" Tanong niya sakin, nabigla ako.

"H-ha? Ewa-"

"Yes or No." Ano ba ang lalaking tado na ito? Hindi naman ako ang may pera, hindi ako ang bibili!

"Yo-Yos.." Sabi ko.

Inabot niya sakin si pomeranian at kinarga ko naman ito, ang gaan.

"Pst, ilang kilo ka?" Bulong ko ron sa aso, suplado. Ni ignore ako.

Love me until the moonlight comes [VSOO] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon