Pagkabukas ko ng pinto ng bahay namin ay tumambad agad sakin ang mukha ni mama at tatay, agad kong binitawan ang maletang dala ko at agad na tumakbo papunta sa kanila para yakapin sila ng mahigpit. Narinig ko pa ang mga hikbi ni mama dahil umiiyak siya, kaya hindi ko narin napigilang umiyak.
"Mama, tatay..." Sabi ko habang nakayakap sakanila.
"Ma... Tay? Akala ko bukas pa kayo babalik?" Sabi ni kuya ash at yumakap rin kayla mama at tatay.
"Surprise? Syempre miss na miss na namin kayo noh! At hindi lang kami ng tatay mo ang bumalik dito!" Kinalas namin ang pagkakayakap sakanila.
"Hi mga kapatid," Napalingon ako sa pinto, tinanggal niya ang sumbrero niya, si kuya finn nakatayo sa labas ng pinto.
Agad akong tumakbo papunta sakaniya at sinalubong siya ng yakap.
"Kuya! Bumalik ka ulit.." Sabi ko, hinaplos niya ang buhok ko.
"Hindi na ako aalis," Sabi niya at hinagkan ang noo ko.
"Finn, bro." Niyakap rin ni kuya ash si kuya finn "Nagpagupit ka ng buhok? Medyo kalbo kana," Tawa ni kuya ash.
"Hindi 'yan kalbo, tsk. Ikaw nga ang haba-haba ng buhok mo, magpagupit ka para same tayo." Hinawakan ni kuya finn ang buhok ni kuya ash pero hinawi naman ni kuya ash ang kamay ni kuya finn.
"Madudumihan," Kunwaring iritadong sabi ni kuya ash, nagtawanan ang dalawa kong kuya kaya napangiti ako.
"Nakakamiss ang mga harutan niyo, mga anak. Magkakasama na tayo ngayun, ayos na ang tatay niyo, mag s-stay nasi finn dito. Magiging masaya at buo muli tayo," Tumango ako kayla mama.
"Group hug!" Sabi ng aking mga kuya's, inilagay ako ni kuya ash sa gitna tska kami nag group hug.
Buo na ulit ang pamilya ko na kay tagal kong hiniling, sigurado akong magiging mas masaya kami ngayung taon kaysa nung mga nakalipas na araw at taon. Dalawa na ang magtatanggol sakin dahil nandito na ang dalawa kong kuya, nandito sila mama na tutulungan akong magsagot ng mga mahihirap na assignments, nandito nasi tatay na tutulungan kong itayo ang magiging restaurant namin. Nandito na sila, buo na kami.
Nang pumunta si mama sa kusina para maghanda ng pagkain at pumunta naman si tatay para makapagpahinga ay naiwan kaming tatlo nila kuya.
"Kuya, may sasabihin ako sayo." Lumapit ako kay kuya finn "Hindi na babaero si kuya ash," Bulong ko sakaniya, napangisi siya at tumingin kay kuya ash na nakatingin samin.
"Totoo ba Asher?" Napakunot noo si kuya ash.
"Alin ba? Ang labo mo talagang kausap, mana sayo ang kapatid mo." Turo niya sakin, kapatid ko rin naman siya ah!
"Hindi kana daw babaero.. Ano ang nag pa bago sayo?" Uminom muna si kuya ash ng soda bago ngumiti.
"Hindi ano, kung di sino." Aniya, sabay kaming napatingin sa taong pumasok sa loob ng bahay namin, at nakita namin si ate ena na nakayellow na dress.
Tumayo si kuya ash at pumunta sa tabi ni ate ena para hagkan ang pisngi nito, kita ang pagkagulat ni ate ena, hindi ko alam kung nagulat ba siya sa paghalik sakaniya ni kuya o nagulat siya ng makita niya si kuya finn.
"Tinatanong mo kanina finn kung bakit ako nagbago? Ang magandang dilag na nasa harapan niyo ang nakapagpabago sakin. Sheena Carson, my officially girlfriend." Proud na sabi ni kuya ash sabay hila kay ate ena palapit samin.
"Hi, nashee." Bati ni kuya kay ate ena.
"Nashee?" Ngumiti si kuya finn, hindi samin pero kay ate ena.

BINABASA MO ANG
Love me until the moonlight comes [VSOO]
RandomMadali para sa isang Vhor hunter Moonchester ang makuha ang gusto niya, lahat kaya niyang gawin, lahat kaya niyang bilhin dahil mayaman siya, gwapo siya, sikat siya. Wala siyang pakialam kung may nasasaktan siya, basta nagagawa niya ang gusto niya...