抖阴社区

CHAPTER 59 She's back

25 4 13
                                        


1 year later

"Hayst. Kamusta na kaya si Amaris? Nakakausap mo pa ba siya, hav?" Malungkot na umiling si Haviaree.

"Isang taon... Isang taon na natin siyang hindi nakikita, ano ba kasing nangyari nung araw na iyon ha Jake?!" Hindi sumagot si Jake at pinagpatuloy ang pag-inom ng milk tea.

"Tignan mo--tarantado ka!" Sigaw ni Haviaree, hinawakan ni Luke ang balikat ni Haviaree para pigilan itong makasugod kay Jake pero sa kasamaang palad ay may humawi ng kamay niya sa balikat ni Haviaree.

"Don't touch any part of her body." Malamig na sabi ni Asher, natawa nalang si Luke.

Magkakasama ngayon sina Steven, Luke, Mir, Asher and Chaz pati sila Remi, Haviaree at Mich. Napagkasundoan kasi nila na pagplanuhan na ang paghahanap kay Amaris makalipas ang isang taon, dati pa nila hinahanap ang dalaga pero bigo silang mahanap ito dahil hindi sinasagot ng dalaga ang mga tawag o kahit text nila. Wala rin silang alam kung saan ito nagpunta at kung ano ng nangyari sa dalaga.

"So, ano na? Isang taon na ang nakalipas, hindi siya umatted ng graduation at hindi rin naman siya nag drop out sa school! Nasaan na ba kasi ang gagang iyan?!" Iritadong sabi ni Remi at mukhang naiiyak pa kaya't hinawakan ni Mir ang kamay niya para pagaanin ang loob niya pero sa kasamaang palad ay tinanggal iyon ni Chaz at binigyan siya ng death glare.

"You're not allowed to touch her hand. Sa susunod na gagawin mo pa 'yan, puputulin ko iyang kamay mo." Seryosong sabi ni Chaz kay Mir, napangisi si Mir.

"Wow! Umamin nga kayo, Chaz and Ash... Bakit sobrang territorial niyo? Girlfriend niyo ba itong makeri na 'to?!" Sabi ni Mich.

"Hindi... pa," Sabay na sabi ni Chaz and Ash, palihim namang napangiti si Remi at Haviaree.

Umirap nalang si Mich at bumaling kay Steven, kinilabit niya ang braso ni Steven ngunit hindi siya pinansin ng binata dahil busy ito sa phone niya.

"Ayy, ang tigas ah. Mas matigas siguro abs mo noh, Steven? Can I see it?" Malanding sabi ni Mich, Steven gave him a death glare at bumaling ulit sa phone nito.

Nainis si Mich sa ginawang asal ni Steven kaya hinablot nito ang phone ng binata. "Ano bang pinapanood mo ah? Tsss, baka kung ano na naman ito ah--" Nanlaki ang mata ni Mich ng makita kung ano ang nasa larawan. Napatayo pa siya sa gulat kaya napatingin sakaniya ang mga kasamahan nya.

"Omo... Si... Her... She..."

"What? Hoy ayusin mo iyang dila mong baluktot!" Sigaw ni Remi.

"No... Can't be... Si-- si AMARIS!" Napatayo sa gulat si Remi at Haviaree at luminga-linga sa paligid.

"Where?"

"Aishhhh!" Binatukan ni Remi si Mich "Wala naman eh!" Hinila ni Mich ang buhok ni Remi bilang kabayaran sa pagbatok sakaniya ng dalaga.

"Saan ba kayo naghahanap?! Eto lang oh!" Inabot nito ang phone ni Steven sa kanila, napahawak sila sakanilang labi ng makita ang larawan sa picture.

Nakangiti si Amaris habang may hawak ng isang cup noddles kasama nito ang kaniyang magulang at mukhang masaya ito, isang magandang isla ang background ng larawan kung saan nakaupo sa buhangin ang dalaga.

"Omo! Si Chu nga! Huhuhu! Chuuuuuu!!" Niyakap ni Haviaree ang phone ni Steven at pinakiramdaman na parang kayakap niya ang dalaga sa totoo.

Binawi iyon ni Steven at itinago sa bulsa niya.

"Hoy! Steven! Patingin!" Maktol nila Remi.

"You already saw it, right? That's enough."

"Tsk, sungit. Hindi naman ganon kamahal phone mo." Bulong ni Remi.

Love me until the moonlight comes [VSOO] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon