抖阴社区

CHAPTER 9 I said Girlfriend

Magsimula sa umpisa
                                        

Hindi ako maka paniwala.. Nandito siya sa harap ng bahay ko, pinuntahan niya ako..

"Hi." Ngiti niya.

Hindi pa ako nakaka recover ng ngumiti siya. OMG!

"A-anong.. ginagawa mo dito, A?"

Lumapit siya sakin at kinuha ang bag ko. Isinukbit niya ito sa malapad niyang balikat.

"Eto daw ang unang ginagawa ng mga nang liligaw e, 'yung sundoin sa bahay ang babae at ipa-alam sa mga magulang nito."

HA? NANLILIGAW BA KAMO?

"So, pwude ba kitang ihatid sa school? Nanliligaw ako e.."

HINDI AKO TANGA, HINDI AKO BOBA para hindi maintindihan ang mga sinasabi niya. SLOW ako pero may utak ako.. AT ANG PAG KAKA-INTINDI KO AY NANLILIGAW SIYA.. SAKIN BA?

"A-ahh, A..."

Bigla siyang na tawa.

Mas lalo akong na guluhan.

"Joke lang, wala iyon. Tara baka ma late kapa." Sabi niya.

Umikot siya sa kabilang gilid at binuksan ang pinto doon, pina-pasakay niya ako.

Kahit gulong gulo ako sa nangyayari ay sumakay nalang ako sa kotse niya.

Ang gentleman niya talaga.

"Let's go." Sabi niya ng maka sakay siya sa kotse.

Breath amaris, BREATH!

Na paka slow ko talaga, kung nililigawan niya ako na saan ang chocolate? O ice cream mas maganda.

Ang tahimik naman, tinignan ko siya. Seryoso lang siya sa pag di-drive, ang awkward.

Ano kayang pwude kong sabihin? Ah!

"Ahh, nung nakaraang araw na kilala ko ang ate sheena mo.." Nang sinabi ko iyon ay naihinto niya ang sasakyan.

Muntik na akong ma untog kung wala lang akong seat belt!

"Ha? Anong sinabi niya sayo?"

"Ahm, wala naman." Sabi ko.

Parang naka hinga siya ng maluwag, pinag patuloy niya ulit ang pag mamaneho.

"Ikinu-kwento mo pala ako sakaniya.."

AH!

Muntik na akong ma untog sa ikalawang pag kakataon!

"What? Sinabi niya pa iyon. Tsk, yeah oo nga.."

Huwag nalang kaya akong mag salita? Baka ma untog na ako niyan.

Hindi nalang ako nag salita, takot na akong kumanta noh! Baka ma untog pa ako.

Hanggang maka rating kami sa school ay tahimik lang ako. Tinitignan kolang ang mga suot ng estudyante rito, mga sosyal!

"Amaris, bakit na tahimik ka?"

"Ah, wala naman. Sige mag iingay na ako, Ang ganda ganda pala ng ate mo siguro maganda at gwapo rin ang magulang niyo. Gwapo ka kasi eh, tska ang bait bait rin ng lahi niyo noh? Tska alam moba ang sarap ng cupcake at ice cream ni ate ena! Hanggang ngayun nga naiisip ko ang amoy no'n e, HMM! Tapos ang laki laki ng shop niya. Sarap tumambay roon, minsan tambay tayo roon ah? Kain tayo ng maraming Cupcake tas ice cream! Ano sa tingin mo?"

Ayan ang haba na ng sinabi ko ah!

Naka tulala naman siya.

"Y-yeah, HAHAHAHA! Ganiyan ang gusto kong amaris. Maingay tas laging naka ngiti, ang ganda ganda mo tuloy."

Love me until the moonlight comes [VSOO] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon