抖阴社区

CHAPTER 3

1.9K 121 7
                                    

Chapter 3

Dei Pov

Wala talaga akong balak na rito mag-aral sa Monti Alegri. Kaya naman nang dumating ako rito, hindi talaga ako nagpa-enroll kahit last week na nung enrollment, the week na hinatid ako rito ng pamilya ko. Inutusan ako ni Lala na magpa-enroll na pero hindi ko siya sinunod. Nagmukmok lang ako sa kwarto ko at nagdasal na sana kahit na isa sa kanila ni Papa na nasa bahay namin ay dumating dito at kunin na ako. Pero dumating ang araw nang pasukan na walang dumating na Papa ko o kahit na si Kuya man lang.

Kaya heto ako ngayon first day of school at ngayon pa lang ako magpapa-enroll. At 'di ko rin naman inaasahan na marami-rami pala kaming ngayon lang nagpa-enroll. Ayon tuloy galit ang teacher na nagbigay sa amin enrollment form. And I don't care about it.

Pagkatapos kong na-enroll naghintay pa ako sa class schedule ko at room. Ilang sandali ay may binigay na sa akin na ang isang bondpaper ang teacher na medyo matanda na. Naka-print na doon ang subjects at room ko.

"Thank you, ma'am," I said, thanking the teacher who handed me my schedule.

"First day of school ngayon, hindi enrollment kaya sa susunod dapat magpa-enroll kayo sa mismong araw ng enrollment. Hindi na kami tatanggap ng late enrollee sa susunod."

"Sorry, ma'am. It won't happen again." Dahil hindi na ako rito mag-aaral. Gusto kong idagdag iyon pero baka ako na talaga ang buhusan ng galit ni Ma'am. Minabuti ko na lang na umalis doon at hanapin ang room ko.

Binabasa ko ang mga magiging subject ko habang palabas ng office nang may bumundol sa akin at parang mga confetti na lumipad sa ere ang mga bondpaper na dala nito.

"Tang ina naman." Daing ng isang babae na naka bundol sa akin.

"Excuse me?" ako habang tinitingnan ko siyang isa-isang pinupulot ang mga bondpaper sa sahig.

"Tumahimik ka at tulungan mo na lang ako rito."

"What?"

Out of nowhere the girl grabbed my hand and yanked down.

"Ouch!" I groaned.

She awkwardly beam a smile. "Hehe. Sorry tulungan mo na kasi ako, ma-l-late na ako nito sa first subject ko."

I rolled my eyes at her, but I still helped her pick up the bond papers scattered on the ground. Gosh!

"I also need to find my room, FYI!" I said and plopped the bond papers into her hand when we both got up.

"Oh! Transferee?"

"Unfortunately."

"Oh, grade 12 representative ako baka matulungan kita."

I looked at her squarely.

"Totoo nga. I'm Hansel at grade 12 representative nga ako. Hindi lang halata pero nanalo ako last election. Pakita mo sa akin ang class sched mo." Inilahad niya pa ang kamay.

Rolling my eyes, ipinakita ko sa kanya ang class schedule ko habang naglalakad kami rito sa hallway, papalayo sa office.

Naningkit ang mata ni Hansel habang binabasa ng mata niya ang class sched ko.

"Deimos Aldejar? Aldejar ka?" Pagbasa niya sa pangalan ko doon sa bondpaper.

"Yes, so what?"

"Wahhh! Kaano-ano mo si Governor Fausta Aldejar?"

"She's my grandmother. And to correct you it's former governor."

"Wahh! Ang galing naman." She squeaks.

Boundaries #1: Crossing Boundaries ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon