Chapter 9
Dei's Pov
The defining silence between us stretched, growing more awkward with each passing moment. I could only hear the rustling of the grass as the wind blew and the soft yapping of our slippers against the muddy path leading to his house.
I swallowed hard, feeling my heart race irregularly from the slight friction of our skin brushing against each other.
I lowered my head, and that was when I noticed the small paper bag in my hands. It held his clothes-the ones I had worn last week when something unfortunate happened to me on the farm.
"Oh, here are your clothes, by the way," I muttered, lifting the paper bag toward him.
"Salamat, Dei."
Tinanggap ni Alcinous ang paper bag kung kaya't ngayon ang pinagkakabalahan na lang ng aking kamay ay ang sling ng aking maliit na cross body bag.
"Usog ka rito dahil maliit." Wika ulit ni Alcinous mayamaya.
"O-oh, yeah." ani ko naman at umusog pa sa kanya.
Yeah, it was so mainit pero hindi ako nagrereklamo kasi ito naman ang gusto ko kaysa doon kami sa bahay ni Lala.
"K-kanina pa ba ang mga classmates natin sa house ninyo?" tanong ko sa kanya.
"Nang paalis na ako, dumating sila."
"They didn't ask kung saan ka pupunta?"
"Nagtanong."
I cast him a sideways glance. "Did you answer them?"
"Hmm, sinabi kong susunduin kita."
Nalaglag ang panga ko. I'm sure by now, ako na ang pinagpipyestahan nina Rizie at Vyjane. Ang init pa naman ng mga dugo nila sa akin for some unknown reason.
"Huwag kang mag-alala dahil nagsasaulo pa naman sila sa kanilang mga parts para sa recording natin mamaya. At si Elvin naman ang nagdala ng camera niya since siya na rin daw ang mag-iedit. Tapos reviews na lang daw natin if may kulang o idadagdag tayo." aniya. "Ikaw, saulo mo na ang linya mo?"
What he was talking about was about our poem. Iyong nagawa kasi naming poem, kailangan pa namin iyong i-divide sa ka-groupmates namin tapos i-memorize for recording. Aside sa gawa naming poem, itong recording namin ay graded din.
"Of course, super maikli lang naman nila." Medyo irita kong sagot sa kanya.
Naiinis ako. Naiinis ako na kahit walang ginagawa si Alcinous sa akin. Para akong affected na ewan. O baka bother lang talaga ako.
Tumingin ako sa unahan at nakahinga ako ng maluwag nang may maaninag na akong bahay. Medyo may kalayuan pala itong bahay ni Alcinous sa daan.
"Is that your house?" tanong ko naman mayamaya.
"Oo,"
"Wala kayong neighbors?"
"Mero pero medyo may distansya. Hindi mo makikita mula rito kasi natatakpan ng mga kahoy."
Napatango ako. Indeed, sobrang dami ng kahoy sa paligid. At iyong unang bahay lang na nakita ko ay swerte na bahay ni Alcinous.
"Araw-araw ka naglalakad dito papunta sa school?"
"Hmm hanggang doon sa daan, may mga tricycle naman o 'di kaya'y minsan dyip na patungo sa school."
"You have siblings, right?" Kulit ko pang tanong sa kanya.
Why did I have so many questions? Of course, it was to kill the awkwardness looming over us.
"Oo, meron. Babae at lalaki."
BINABASA MO ANG
Boundaries #1: Crossing Boundaries ??
General FictionBL Deimos is a prince living in his princess's dream. He had everything at his disposal. Wealth. Loving family. And look! Yet all those things seemed futile when he found himself in the province. *** Deimos Aldejar is one of a million spoiled brats...
