Chapter 15
Dei's Pov
The three-day intramurals have ended, which is why we're back to our regular class schedule. At sa ilang buwan ko rito sa school nasanay na ako sa pag-akyat-baba rito sa classroom namin na nandirito sa fourth floor.
Kahit na medyo hinihingal ako, may ngiti pa rin sa labi ko habang binabaybay ko ang hallway ng fourth floor. Bali may tatlong classrooms kasi kada floor nitong building namin. At kaya hindi nabubura ang ngiti ko dahil excited ako sa fresh milk at C2 na naghihintay sa aking upuan.
It has been a week since Alcinous started buying fresh milk and C2 for me. Yeah, it sounds so petty and cliché, but I feel so kilig with Alcinous' small gestures.
Hindi na rin ako dinala ni Alcinous sa kinainan namin no'ng intramurals. Noong nanalo sila sa intramurals nag-celebrate kami, syempre kasama na rin sina Remy, Juls, Hansel, at Elvin.
At nang makarating ako sa room namin, sipop kaagad ni Elvin ang bumungad sa akin nang makita niya ako sa hamba ng door. Nakatalikod si Alcinous sa akin kaya hindi niya ako napansin. Si Elvin kasi ay naka-upo sa arm chair na nasa harap ni Alcinous.
"Good morning, Deimos!" Ngumiting aso pa si Elvin at tumingin kay Alcinous.
Nang marinig iyon ni Alcinous ay kaagad siyang napalingon sa akin at tumayo. Para siyang student na nahuli ng teacher na may ginawang masama!
Alcinous flashed his brightest smile, one so radiant it felt like it was meant just for me. "Good morning, Dei."
"Good morning. Good morning din, Elvin." Sinilip ko na rin si Elvin sa likod ni Alcinous.
I walked over to my chair, a smile already forming on my lips, and giggled softly as I picked up the fresh milk and C2, feeling a wave of delight at the thoughtful gesture of Alcinous.
"Thank you for this!" sabi ko kay Alcinous at umupo sa aking silya.
Umupo si Alcinous nilabas niya ang kanyang pre-cal na notebook. Yes, pati notebooks ni Alcinous kilala ko na rin. I know it's bawal pero pinapakopya ako ni Alcinous sometimes sa mga assignments namin especially sa pre-cal namin na bobong-bobo ako. Tolerable naman siya kaso mabilis kasi bumigay ang utak ko sa mga numbers.
Tingin ko, gusto ko lang ang numbers kapag pera na ng pinag-uusapan. Gusto ko nang maraming zero kapag pera na ang pinag-uusapan.
"May answers na ako sa assignment natin. Kung wala ka pang answers, pwede kang kumopya if you want." Offer ni Alcinous sa kanyang notebook.
Ngumuso ako. "You're spoiling me. Baka hindi na ako mag-aral nito sa calculus natin. Mas lalo akong magiging bobo."
"I-iexplain ko sa'yo isa-isa para maintindihan mo. Kung sa ibang subjects natin ay may nahirapan kang intindihin o concept na nahirapan ka. Ipapaliwanag ko sa'yo."
I pouted. Nasasayangan talaga ako na tumigil si Alcinous sa kanyang senior high. He was naturally smart. Mabilis siyang natuto. Pero kung hindi rin siya tumigil, baka hindi ko siya nakilala. Baka wala akong kinababaliwan ngayon!
"Okay," I said and accept his pre-cal notebook.
"Pakopya rin ako, Dei. Tsk! Akala ko hindi ka pa tapos eh. Tinext kaya kita kagabi, pare." Sabad naman bigla ni Elvin. "Picture-an ko na, Dei. Hihi!"
"Wala akong load." Plain naman na sagot ni Alcinous kay Elvin.
Nang matapos kunan ni Elvin ng picture ang assignment namin bumaling siya kay Alcinous. "Pare, sa essay natin tapos ka na? Patingin naman. Promise hindi ko, kokopyahin!" Nag-swear pa siya!
BINABASA MO ANG
Boundaries #1: Crossing Boundaries ??
General FictionBL Deimos is a prince living in his princess's dream. He had everything at his disposal. Wealth. Loving family. And look! Yet all those things seemed futile when he found himself in the province. *** Deimos Aldejar is one of a million spoiled brats...
