Chapter 10
Dei's Pov
"Oh my God! Really? Did he actually say that?"
Umirap ako sa reaksyon ni Hansel matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kahapon. Nandito ako sa room nila at kami lang dalawa rito since lunch break. May baon kami at hindi na kami pumunta sa canteen na paiba-iba ang lasa ng mga ulam. Dinaig pa ang panahon na paiba-iba ang klima.
Muli kong pinulot ang aking spoon at fork saka tinusok iyong isang hotdog at nilantakan.
"Gaga! Bakit hindi ka nagkwento sa akin kagabi! Dapat magvideo call tayo kagabi!"
Sinamaan ko ng tingin si Hansel.
"Iyan pa ba iisipin ko? Sumama ang pakiramdam ko dahil naulanan ako."
"Ay," napatakip siya sa kanyang bibig. "But anyways, anong sinabi mo sa kanya? Anong sagot mo?" Atat niyang tanong sa akin.
"Wala. It wasn't even a question to begin with, Hansel Del Mundo, so why on earth would I bother responding?"
"Bakla ito! Dapat may sinabi ka!"
Umirap na naman ako. "Kumain ka na. Let's stop this discussion."
Hinabaan lang ako ni Hansel sa kanyang nguso. Tumahimik siya at kumain sa kanyang baon. Wala kaming tubig kaya dahan-dahan ang aking pagnguya. Ang tagal kasi ni Handell, siya ang tinext ni Hansel para bilhan kami ng tubig.
"Pero ang tapang ni Alcinous, Dei. Kahit na ganon... umamin siya sa'yo. Nagpakalalaki talaga."
Hindi ako sumabad kay Hansel.
"Ang bait ni Alcinous. He was extra caring for you. Sinundo ka, pinaypayan kasi pawisin kang tao, sinamahan sa gitna ng ulan, hindi kayo friends at malamig siya sa'yo pero deep within him. He cared for you sincerely. Masyadong mabait na lalaki si Alcinous. Parang hindi tuloy totoo ang lahat!"
Nilunok ko ang pagkaing nginunguya at nagtatagpo ang kilay na binalingan si Hansel.
"What exactly are you getting at here, Hansel?"
She shrugged her shoulders. "Wala. Ang sinasabi ko lang masyadong mabait si Alcinous tapos ikaw ang maldita mo. Wala kang ibang pinakita sa kanya na kabutihan pero nagustuhan ka niya! You're so pretty, Dei, but malaki rin ang hatak ng kamalditahan at kaartehan mo!"
"H-hey!" Suway ko kay Hansel. As much as I want to refute and counter her argument, I cannot find the right words to respond effectively. Because totoo naman lahat ng sinasabi niya.
Pero kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang gusto ako ni Alcinous? Hindi ko naman panaginip iyong nangyari kahapon, hindi ko naman imbento iyon. Alcinous said to himself that he liked me and wouldn't dare cross the boundaries between us.
And honestly, I'm not proud of it.
"Hansel, Dei,"
My eyes shifted from Hansel and landed on Alcinous, who was marching towards us with bottles of water in one hand and fresh milk in the other.
"Ang tagal mo naman, Dell. Muntik na ako mabilaukan dito."
Handell sat in the armchair before us.
"I didn't see your message right away. Nasa field kami, naglalaro."
"Nang ano?" Hinablot ni Hansel ang isang bote ng Wilkins mula kay Handell.
"Soft ball," sagot naman ni Handell sa kanyang kambal. Nakangiting bumaling si Handell sa akin at binuksan muna ang bottled water bago nilapag sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Boundaries #1: Crossing Boundaries ??
General FictionBL Deimos is a prince living in his princess's dream. He had everything at his disposal. Wealth. Loving family. And look! Yet all those things seemed futile when he found himself in the province. *** Deimos Aldejar is one of a million spoiled brats...
